CHAPTER 28: Their Comfort

Start from the beginning
                                    

"Uwa! Uwa!" iyak ng isang sanggol sa nakakikilabot na boses na parang sa isang tiyanak.

Bahagya na akong napapatakip sa aking tainga habang patuloy pa rin kami sa paglalakad dahil hindi ko na matagalan ang mga naririnig ko sa paligid.

Nasa kalagitnaan na kami at marami na kaming nadaanang mga bangkay, kabaong, mga nakakatakot na larawan, mga pugot na ulong nakasabit sa kisame, mga lamang-loob at kung ano-ano pa. Dahil sa mga nadadaanan naming mga nakakatakot na bagay ay itinuon ko na lamang ang tingin ko sa likod ni Chris para hindi na ako makaramdam pa ng takot.

Patuloy lang ako sa paglalakad nang bigla akong makaramdam ng malamig na bagay na dumampi sa paa ko. Dahan-dahan ko itong tiningnan at halos mahimatay ako sa aking nakita.

"Ahhh!"

♡•♡•♡•♡•♡

SHEENA'S POV

Nakatago lang ako sa likuran ni Peter habang nakadikit ang noo ko sa likod niya dahil sa sobrang takot. Tahimik akong nagdarasal habang naglalakad kami nang biglang sumigaw si Mar.

"Ahhh!"

Natataranta kong nilingon ang direksyon ni Mar at halos manginig ang aking kalamnan nang may makita akong isang maputlang kamay na nakakapit sa kanang paa niya na malakas niyang ipinapadyak.

"Ahh! Bitiwan mo 'ko!" malakas na sigaw ni Mar habang pilit inaalis ang pagkakahawak sa kaniya ng kung sinong may-ari ng maputlang kamay.

Nang magtagumpay si Mar at makaalis na siya mula sa pagkakahawak ng maputlang kamay ay mabilis siyang yumakap kay Chris habang nanginginig ang buo niyang katawan at parang maiiyak na katulad ko.

"Ayoko na rito. Lumabas na tayo," mangiyak-ngiyak na sabi ni Mar.

Tuluyan nang umiyak si Mar habang nakayakap kay Chris. Marahang hinagod ni Chris ang kaniyang likod habang yakap-yakap pa rin siya nito.

Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa dalawang nagyayakapan sa harapan ko. Noong pakiramdam ko ay nawala na ang takot ko ay saka naman may biglang humawak sa paa. Hindi kaagad ako nakakilos nang maramdaman ko ang lamig na nagmumula sa kamay na nakahawak sa paa ko.

"Waahh! Mama, mumu!" natatarantang sigaw ko.

Pilit akong hinihila ng kamay na nakahawak sa 'kin kaya napaupo na ako sa sahig.

"Waahh! Peter, tulungan mo 'ko!" buong lakas kong sigaw.

Pinagtatadyakan ko ang may hawak sa akin pero ayaw pa rin nitong bumitiw hanggang sa tulungan na ako ni Peter at pilit niya akong binabawi mula rito. Nang hindi pa rin bumitiw ang kamay na nakahawak sa akin ay sinipa ko ito nang ubod ng lakas gamit ang isa kong paa kaya agad naman nitong nabitiwan ang paa ko.

"Umalis na tayo rito. Ayoko na rito. Bad sila!" umiiyak kong sabi kay Peter.

Mabilis naman akong niyakap ni Peter at pilit niya akong pinatatahan. Tinulungan niya akong makatayo at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Yakap-yakap ako ni Peter habang naglalakad kami at ganoon din si Chris kay Mar hanggang sa makarating kami sa exit.

"Hey. Ayos lang ba kayo?" alala pa ring tanong ni Chris nang makalabas kami ng horror house.

Walang ni isa man sa amin ni Mar ang nagtangkang sumagot dahil pareho pa rin kaming nanginginig sa takot.

"Teka. Bibili lang ako ng tubig," paalam ni Chris kay Mar.

"Sa-Sama ako," mahinang sabi ni Mar na mukhang namaos na kasisigaw.

Binalingan ko ng tingin si Mar na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga labi katulad ko.

"Sigurado ka?" alala pa ring tanong ni Chris.

"Ye-Yeah," nauutal na sagot ni Mar.

"Bro, ayos lang ba kayo rito? Aalis lang kami saglit," pagbaling ni Chris kay Peter na patuloy pa rin sa paghagod ng likod ko para aluin ako.

"Yeah, ayos lang kami rito," sagot ni Peter at tipid na nginitian si Chris.

"Sige, maiwan na muna namin kayo," paalam ni Chris saka inalalayang maglakad si Mar.

"Bhe, ano? Tara?" nakangiting tanong sa akin ni Peter.

"Sa-Saan?" nagtatakang tanong ko.

"Basta. Just come with me," tanging sagot ni Peter.

Wala na akong nagawa nang higitin niya ako papunta sa kung saan. Tumigil lamang siya sa paghila sa akin nang makarating kami ng hardin. Agad niya akong inalalayang makaupo sa isang bench.

"Dito ka lang," mahigpit na bilin niya pagkaupo ko ng bench.

"Teka. Saan ka pupunta?" puno ng pagtatakang tanong ko.

Salubong na ang mga kilay ko dahil sa pagkalito. Dinala-dala niya ako rito tapos iiwan niya rin naman pala ako. E alam naman niyang hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari doon sa horror house.

"Just wait here, okay? I'll be back. I promise," he answered.

Tipid na lamang akong tumango sa kaniya kahit sa loob-loob ko ay gusto ko siyang pigilan. Nakangiti niya akong tinalikuran saka siya nagmamadaling umalis.

Lumipas na ang halos kalahating oras ngunit wala pa rin siya kaya tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ko para sundan siya nang may marinig akong pag-strum ng gitara mula sa malapit.

I looked at my right side where the music was coming from and there I saw some of the Music Club members that are in charge for the Harana Booth, singing happily and wholeheartedly while two of them are holding a guitar.

There are three boys and two girls. The two boys are the one who are playing the guitar while the other one is singing together with the two girls. I must admit that they have an angelic voice which made me feel loved and helped me relax. I don't feel the same way anymore. Nawala na ang lahat ng takot ko at napalitan na ito ng saya at tuwa.

Someone offered me his hand and when I look at the person who offered me his hand, it's none other than Peter. I can't help but to smile seeing his handsome face while offering his hand.

Walang pag-aalinlangan kong tinanggap ang kaniyang nakalahad na kamay. Maingat naman niya akong inalalayang makatayo.

He held both of my hands and put it on his shoulders while he encircled his in my waist. Namalayan ko na lang ang sarili kong sumasayaw at sumasabay sa saliw ng musika at ganoon din si Peter.

He pulled me closer and we are now hugging each other while dancing. My arms are now wrapped around his neck. Nakasiksik na sa leeg niya ang mukha ko habang nakapatong naman sa kaliwang balikat ko ang baba niya.

I looked at him straight into his eyes and he just did the same. And as our eyes met, the time has stopped and I can only hear the hard beating of our hearts which is a music to my ears.

We are dancing with our eyes fixed at each other as if we are the only people existing in this world. I can see the love through his eyes. I can't ask for more. This is the most happiest day of my life-dancing under the broad daylight with someone I love the most.

Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko at wala akong ibang makita at marinig kundi siya nang kantahin niya ang sunod na lyrics ng kantang Can I Have This Dance.

Humugot ako ng isang malalim na hininga saka ko ipinagpatuloy ang kanta ng may ngiti sa mga labi ko noong saglit na huminto siya.

Nang malapit na ang huling chorus ng kanta ay ngumiti kami sa isa't isa bilang hudyat na sabay naming kakantahin ang huling chorus ng kanta.

When the music ends, his lips met mine and I can't do anything but to respond to his kisses with full of love and affection. I am so in love with this man I am kissing right now.

A/N: Don't forget to vote and to leave a comment below para naman malaman ko kung anong masasabi ninyo sa chapter na ito. Kamsahamnida.

The Revenge of a NerdWhere stories live. Discover now