CHAPTER 28: Their Comfort

Start from the beginning
                                    

"Ikkk!"

Halos mapakapit na ako kay Chris sa gulat dahil sa ingay na dulot ng pinto nang mabuksan ito.

Unti-unti na akong nakakaramdam ng asar sa mga may pakulo nito dahil maging ang sound effects ng pagbukas ng pinto ay hindi nila pinalampas. Mukhang balak yata talaga nilang patayin sa takot ang mga maglalakas-loob na pumasok ng horror house.

"Hey. Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Chris.

Agad naman akong napalayo kay Chris at napaayos ng tayo nang mapagtanto kong napakapit na pala ako sa damit niya nang hindi ko namamalayan.

"Ye-Yeah. Ta-Tara na sa loob," nauutal kong sagot.

Nauna nang pumasok sa loob sina She at Peter kaya agad na rin kaming sumunod ni Chris. Magkahawak-kamay sina She habang kami ni Chris ay may isang metrong pagitan sa isa't isa.

"Boogsh!"

Bigla na lamang akong napatalon sa gulat nang biglang magsara ang pinto nang pagkalakas-lakas na nag-echo sa buong silid. Malalim akong napabuntong-hininga upang kalmahin ang aking sarili. Nag-sign of the cross pa muna ako bago ako nagpatuloy sa paglalakad.

"Hihihihi!" Rinig kong tawa ng isang boses-babae na parang sa isang bruha.

Wala akong gaanong makita dahil sa dilim ng paligid. Tanging mga punding ilaw na panay ang patay-sindi ang tanging nagsisilbing liwanag sa loob ng silid.

Kahit gustong-gusto ko nang kumaripas ng takbo pabalik sa entrance para makalabas ng silid ay hindi ko magawa. Wala akong magagawa kundi ang magpatuloy dahil nakasarado na ang pintong dinaanan namin kanina papasok. Isa lang ang pwede naming daanan palabas at malayo-layo pa ang lalakarin namin para marating lang 'yon.

"Tulong! Tulungan ninyo ako!" Rinig kong sigaw ng boses ng isang babae na hindi ko malaman kung saan nanggagaling.

Pilit kong binalewala ang boses na narinig ko at nagpatuloy ako sa paglalakad habang iginagala ang aking kanang kamay para humanap ng makakapitan. Hindi sinasadyang may mahawakan akong isang matigas na bagay na parang malambot na hindi ko maintindihan kung ano kaya nag-aalangan ko itong tiningnan.

"Ahhh!" malakas kong sigaw at mabilis akong nagtago sa likuran ni Chris.

"Mar, ano bang pro-ahh! Manananggal!" malakas ding sigaw ni She.

Katulad ko ay nagtago rin si She sa likuran ni Peter pagkakita niya ng isang putol na katawan na labas ang bituka. Mabuti na lang at hindi ko nahawakan ang mismong bituka na mukhang dumudugo pa dahil sa bandang hita ako nakahawak. Ngayon ko lang din napansin na nagliliwanag pala ito sa dilim kaya madali ko itong nakita kanina pagkabaling ko ng tingin ko rito.

"Ano ba kayo? Mannequin lang 'yan," natatawang sabi ni Chris at mas lumapit pa siya sa putol na katawan kaya mas sumiksik ako sa kaniyang likuran.

"Umalis na tayo rito. Natatakot na ako," mangiyak-ngiyak na sabi ni She na nakakapit na sa damit ni Peter.

"Hush. Tahan na, Claire. We'll get out of here. Just calm down, okay? Nasa tabi mo lang ako at hindi kita pababayaan," pagpapatahan ni Peter kay She na umiiyak na ngayon dahil sa sobrang takot.

Napapakagat-labi na lang ako habang nakatago sa likuran ni Chris dahil natatakot na rin ako at pinipigilan ko lang ang sarili kong maiyak.

"Ikaw? Ayos ka lang ba, Mary?" nag-aalalang tanong ni Chris at maingat niya akong iniharap sa kaniya.

Marahan na lang akong tumango kay Chris kahit sa loob-loob ko ay nanginginig na ako sa takot. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at pareho kami ni She na nakakapit sa likod ng damit nina Peter at Chris.

The Revenge of a NerdWhere stories live. Discover now