CHAPTER 26: Sports Fest 2

Magsimula sa umpisa
                                    

"Baliw ka ba? Gusto mo kuyugin nila ako? Alam mo namang heartthrob 'yang si Chris. Mahal ko pa buhay ko, ano. Saka sigurado ka ba na ako ang kinindatan niya? At kung ako man ang kinindatan niya, wala lang 'yon. Baka napuwing lang siya o naduling," tuloy-tuloy kong sagot para itago ang kakaibang epekto sa akin ng ginawang pagkindat ni Chris.

Hangga't maaari ay ayokong magpadala sa nararamdaman ko at bigyan ng kahulugan ang lahat ng ginagawa ni Chris para sa 'kin. Natatakot akong baka sa huli ay masaktan lang ako dahil sa pag-a-assume ko. Mas makabubuti siguro kung idistansiya ko ang sarili ko sa kaniya at huwag kong basta-basta bibigyan ng kahulugan ang mga ginagawa niya para mailayo ko ang sarili ko sa sakit na maaari kong maranasan sa oras na umasa ako sa wala. Pero kahit aminin ko man o hindi ay alam ko sa sarili ko na may parte sa pagkatao ko na kumakapit sa posibilidad na magustuhan niya rin ako.

"Tss. Ang nega mo. Manood na nga lang tayo. Alam ko namang sa loob-loob mo ay gustong-gusto nang lumabas ng puso mo riyan sa sobrang kilig," pang-aasar sa akin ni She na tinusok-tusok pa ang kaliwang bahagi ng dibdib ko.

Hindi na ako sumagot pa sa sinabi ni She. Tahimik na lang din akong nanood ng laro. Paminsan-minsan ay napapasigaw rin ako kapag nakakapuntos sina Chris.

Nakangiti lang ako habang nakatitig kay Chris na seryoso sa paglalaro nang bigla siyang sikuhin ng kabilang team.

"Chris!" gulat na sigaw namin ni She.

Pareho kaming napatayo ni She sa aming upuan dahil sa aming nasaksihang pandaraya ng kalaban. Bumagsak sa sahig si Chris kaya napasinghap ang lahat at maging kami ni She ay hindi na mapakali sa kinatatayuan namin.

Kaagad akong nabalot ng pag-aalala para kay Chris dahil sa nakita ko ay mukhang hindi maganda ang bagsak niya. Kaagad naman siyang dinaluhan ng nag-aalalang si Peter kaya kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala ko.

Nang pumito ang referee bilang hudyat ng sandaling pagtigil ng laro ay bababa na sana ako para puntahan si Chris nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko at ngumiti para ipaalam sa aking ayos lang siya. Tipid na lamang din akong ngumiti sa kaniya kahit ang bigat-bigat ng loob ko at gustong-gusto ko na siyang lapitan.

"Don't worry, Mar. He'll be fine," pagpapagaan ni She ng loob ko at inalalayan akong bumalik sa pagkakaupo ko.

Nakita kong naitayo na nina Peter at Ryan si Chris at mukhang maayos naman ang lagay niya. Ngunit paika-ika siya kung maglakad dahil sa pagkakatapilok at naipit din ang kanang paa niya nang bumagsak siya at ito ang sumalo ng bigat niya.

Nagpatuloy na ulit ang laro at sa kabila ng injury na natamo ni Chris at sa pagkawala niya sa court ay nagawa pa ring manalo ng team nila. Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras ni She at agad kaming bumaba para lapitan sila na mga nakaupo na ngayon sa isang bleacher habang umiinom ng tubig.

"Chris, are you okay? May masakit ba sa 'yo?" alalang tanong ko kay Chris nang makalapit ako sa kinauupuan niya.

"Yeah, I'm fine. Nakita na kita e," nakangiting sagot niya.

"Let me see." Kaagad akong pumuwesto sa may paanan ni Chris at itinukod ko sa sahig ang kanang tuhod ko para tingnan ang lagay ng paa niya.

Maingat kong hinawakan ang paa ni Chris at inalis ang suot niyang sapatos at medyas para suriin ang kaniyang paa.

"I-I'm fine. You don't have to do that," pigil sa akin ni Chris at pilit niyang binabawi ang paa niya sa pagkakahawak ko.

"Don't move," mariing sabi ko na may tono ng pagbabanta.

Hindi naman na nagreklamo pa si Chris at tahimik na lang siyang napatingin sa 'kin. Kaaagad naman akong nag-iwas ng tingin dahil sa lagkit ng titig niya.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon