Vol. 3 Chap. 58

160 9 0
                                    

Morgan's Pov

Pinabalik ko na sa klase si Elle nang kumalma na ito. Humingi pa siya ng pasensya sa hindi sinasadyang pagsigaw nito sa akin kanina. Tinanguan ko lamang ito at hinatid siya ng tingin. Lumiko ako sa pasilyo at bumalik sa klase ko habang nag-iisip ng malalim.

"Morgan."

Napahinto ako nang may tumawag sa akin. Lumingon ako at nakita si Charlie, presidente ng council. Ano kayang kailangan nito sa akin? Naglakad ito papalapit sa akin. Nakatayo lamang ako habang blankong nakatingin sa kanya. Napaubo ito at umiwas ng tingin.

Wala bang klase ang isang 'to?

"Anong kailangan mo?" tanong ko.

"Wala," aniya saka umiling. "I mean, busy ka ba mamaya?" tanong nito.

Wala naman akong gagawin mamaya maliban sa balikan ang pinangyarihan ng krimen kagabi. Kailangan kong malaman kung anong totoong nangyari sa pagkawala ng bangkay ng weirdong 'yun. I'm so sure she's cold as dead. Ano 'yun naging zombie siya at umalis sa lugar ng kusa? Don't make me laugh.

"Hmm. Nothing particular, why?" I asked.

Napakamot ito ng kanyang batok. Napansin kong namumula rin ang dulo ng kanyang tenga. Napadilat ako ng mga mata. This gesture. Heh. Don't tell me?

"Wait. Do you like me?" I hastily asked. Straightforward, yes but I need to clarify things with this guy as soon as I find out that what I thought right now is indeed what that gesture mean.

With that said mas dumoble pa ang pagkapula ng kanyang tenga at ng kanyang maputing pisngi. Okay? This is getting awkward.

"Hey, bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko?"

"A-ah..

Napasimangot ako. "Nevermind. I need to go. Late na ako sa pangalawang klase ko, Mr. Student Council President."

Iniwan ko na itong nakatuod lang at pumasok ng classroom. Lucky me, tapos na ang pangalawang subject. Napatingin ako kay Piper na blankong nakatingin sa akin habang nakapangalumbaba sa kanyang upuan. Walang emosyon ang mga mata nitong nakatitig sa akin.

"Hey, Ms. Diaz. Bakit ngayon ka lang?" tanong sa akin ng presidente ng klase kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya. Err, I forgot her name.

"May inaasikaso lang." sagot ko at tinignan ito ng blanko.

"Magkaibigan ba kayo ni Nadelle?" tanong nito.

'Yung totoo? Nakikichismis ba ang babaeng ito o ano? Hindi ko na siya kinailangang sagutin pa nang pumasok ang pangatlong teacher sa araw na ito.

"Go back to your seats now. We will have a long quiz," aniya at ibinagsak ang makapal na libro sa lamesa. Gumawa ito ng malakas na ingay gaya ng mga kaklaseng kong panay reklamo sa balita nito. "Last time I checked, this facility is a school and not a beehive farm, so shut up everyone. Get a piece of paper. Number 1."

Marami ang nagsabing, teka lang sa guro na siyang ikinatawa nito ng malakas. Umakyat na ako ng hagdan habang aligagang kumuha ng papel ang mga kaklase ko. Mukha silang mga manok na naputulan ng ulo. May napansin pa akong bumuklat ng kanyang notebook at dali-daling tinignan ang bawat pahina. Heh. As if that'll really help her. Skimming won't do her good this time.

Napailing ako saka umupo sa tabi ni Piper. Nakatingin lamang ito sa baba habang pinaglalaruan nito ang kanyang black ballpoint ballpen- pinaikot-ikot niya ito sa kanyang mga daliri.

"Here," aniya at inabot sa akin ang makapal na papel nang hindi tumitingin sa akin.

Bakit parang napapansin kong badtrip ang isang 'to? Ano na naman kaya ang nangyari sa kanya?

"Thanks," sagot ko at humarap sa guro na kanina pa atat simulan ang surprise long quiz.

Here comes nothing.

Project SilverNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ