Vol. 2 Chap. 41: Piper's Confession

208 23 0
                                    

Piper's Pov

"You are not allowed to go anywhere after class, young man. Go home directly! Did I make myself clear?" he glared at me.

Tahimik lamang akong nakaupo habang nakayuko. I can't face this old man now. Looking like this. Bakas parin sa mukha ko ang galit na nararamdaman ko sa nakita ko. Nagtitimpi lamang ako.

"Hey, darling just calm down," singit ng kirida nito. Si aunt Mercy. Tsk. "I'm sure naiintindihan naman ni Piper ang gusto mong sabihin, right son?"

"Don't call me son." I gritted.

"What did you say?" sigaw ng matandang hukluban sabay kinwelyuhan ako. Hindi parin ako tumitingin sa mga mata nito. "What do you think you're doing, huh? Bakit hindi ka makatingin sa akin ng maayos?"

"D-darling, stop it. Put him down now." tarantang sabi ni aunt Mercy at hinawakan ang kamay ng matandang hukluban.

Pabagsak naman akong binitawan nito.

"Are you okay, son?"

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Tinabig ko agad ang kamay nito at tumayo. Tinignan ko ito ng masama.

"I said! Don't call me son!" diing sabi ko rito na ikinalaki ng kanyang mata. "Hindi ikaw ang mama ko!" dagdag ko pa at saka umakyat ng hagdanan.

I heard the old man's loud voice.

"Come back here, you shitty brat! We're not yet done! Say sorry to Mercy, now!"

"No, darling. It's okay. I understand. Just please, calm down."

"Pero hindi ka niya nirespesto. Hindi naman ganyan ang pagpapalaki ko sa kanya. Tsk. Such dissapointment. Sana noon palang hinayaan ko na itong mamatay sa gutom kung lalaki lang man din ang batang 'yan ng ganito."

Napakuyom ako ng mga palad at padabog na isinara ang pintuan. Humarap ako rito at malakas na sinuntok ang makapal na kahoy.

"Damn! Damn it!"

Tuloy-tuloy na sinusuntok ko ang walang kasalanan na pintuan hanggang sa naramdaman ko ang pagkapunit ng aking kanang kamay. Pero hindi parin ako huminto kahit na tumutulo na ang dugo ko sa sahig.

"Shit! Sana hinayaan mo na lang akong mamatay," nanghihina kong bulong. "Para hindi ko ito nararamdaman ngayon."

Isa pang malakas na suntok ang pinakawalan ko at napasandal ako sa pintuan. Napahawak ako sa aking dibdib. Kahit na sinabi ng matandang hukluban na 'yun na sana pinabayaan na lamang niya akong mamatay ay hindi man lang ako nasaktan kahit kunti. Mas masakit parin ang nararamdaman ko nang makita kong may kayakap si prinsesa. Kinuyom ko ang duguan kong palad at napaluhod saka napaupo.

Bakit ganito kasakit?

Hindi ko naman nararamdaman ito noon sa ibang babae. Karma ko na ba ito? Dahil marami na akong nasaktan? Ganito rin ba kasakit ang nararamdaman nila?

Napaupo ako at hindi ko mapigilang maluha dahil sa sakit. Kalabisan bang umiyak para sa taong hindi naman sa'yo? Hindi ba pwedeng magselos dahil wala kang karapatan?

Simula ng makilala ko si prinsesa naranasan ko ang mga una ko sa buhay. Naging matino ako sa unang pagkakataon na pumasok ng paaralan para makita lamang siya, naging unang inspirasyon ko siya para maging mabuting tao, nag-aalala ako sa kanya sa tuwing may mga sugat ito sa mukha, una ko siyang kasiyahan na hindi ko nakukuha sa mga materyal at pagkakarera ko, siya ang unang babae na hindi naghabol sa akin, kakaiba siya at napakainteresado ng buhay niya kahit nakakatakot ang buo niyang pamilya.

Napangiti ako.

Siya rin ang unang babaeng binugbog ako hanggang sa sumakit ang buo kong katawan at mawalan ng ulirat. Pero kahit ganun hindi ako natatakot sa kanya. Mas hinangaan ko pa ito dahil sa pambihira niyang lakas.

At higit sa lahat, siya lamang ang babaeng bumihag at unang nagpatibok ng malamig kong puso. Walang sinoman ang nakakagawa nun bukod kay prinsesa.

Kaya hindi ko hahayaang maagaw siya ng iba.

Project SilverWhere stories live. Discover now