Vol. 3 Chap. 43: Rukia

182 22 0
                                    

Rukia's Pov

Nakatayo ako sa may isang mayabong na puno sa isang madilim na bahagi ng parke malapit sa tower ng Pixes. Pinagmamasdan ang mga nilalang na may kanya-kanyang ginagawa.

Napatingin ako sa baba ng puno ng may narinig akong bulungan ng magkasintahan.

"What are they doing?"

Malanding tumatawa ang babae habang nilalaplap ng lalaki ang leeg nito.

"T-teka lang, James," pakli ng babae at tinutulak ang lalaki ngunit hindi ito nagpapatinag. "James naman. Nakikiliti ako."

"Ssssh babe, let me do you." bulong ni James sa kanyang kasintahan.

Napaungol naman ang malanding higad.

Tsk.

Tumalon ako pababa na ikinagulat ng dalawa. Nanlalaki ang mga mata ng babae at nakanganga naman ang bibig ng lalaki habang tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Tss.

"Sino ka?" galit na tanong ng babae ng makabawi ito sabay sapak sa kanyang kasintahan na hindi mawala-wala ang tingin sa akin. "Babe, stop watching! Tss," diin na sabi nito.

"Ah, yeah, o-of course," wala sa sariling sagot naman ng lalaki at binaling ang tingin sa kanyang badtrip na girlfriend.

"So, who are you bitch?" nakapamewang na tanong nito sa akin. "Anong ginagawa mo sa lugar na 'to?"

"Tss. Una sa lahat, huwag mo akong tawaging bitch. Lumang katawagan na 'yan. Wala na bang bago? That's so low-class," malamig kong panimula. "At isa pa, bakit kayo dito gumagawa ng kahalayan? Hindi niyo na nirespeto ang nananahimik na lugar na ito. Get a room pigs."

"A-anong sinabi mo?" namumulang wika ng babae.

"At ngayon nagbibingi-bingihan ka? Come on little girl," napatingin ako sa boyfriend nito na tangang nakatayo habang nakatitig sa akin. "Wala bang panrenta ng suite 'yang boyfriend mo? Kawawa ka naman. This place is not even romantic."

I smirked to the both of them. Pulang-pula na ang mga mukha nila.

"Isa pa, huwag kayong gala ng gala tuwing gabi," biglang kumapal ang hangin sa paligid. "Ang dapat ginagawa ng mga katulad niyong estudyante ay umuwi agad sa komportable niyong bahay. Kayo rin baka maging laman kayo ng balita kinaumagahan."

Napangisi ako at muling tumuntong sa mayabong na puno. Ang bilis talagang matakot ng mga tao ngayon. Sayang lang, mas gaganda pa siguro ang gabi ko kapag nilaro ko muna ang dalawang 'yun. Gustong-gusto ko pa naman ang reaksyon ng mga mukha nila.

Ano kayang ibibigay pa nilang reaksyon kapag nakasabit na silang parang baboy habang kinakatay ko ng paunti-unti?

Ugh! Shit.

Gusto ko ng makita ang lalaking 'yun. Nangako ako kaya gagawin ko muna ang pangakong 'yun. Ipaghihinganti ko si brother Marcos sa pumaslang sa kanya.

Bakit niya nagawing patayin ng ganun na lang si kuya? Hindi na siya sumasali sa illegal na gawain pero pinatay parin siya ng walang kwentang tao na 'yun.

Papatayin ko muna ang taong 'yun bago ko sundin ang gusto kong gawin.

Napatingin ako sa baba ng puno. Wala na ang magkasintahan. Haays. Napaupo ako sa may sanga habang dinuduyan ko ang mga paa ko.

"Kung makikita ko muli ang dalawang 'yun matapos kong gawin ang misyon ko. Sisiguraduhin kong hindi na sila sisikatan pa ng araw. I just hope masunurin ang dalawang 'yun at huwag ng gumala pa," sabi ko at napangisi. "Kung hindi magiging karne talaga sila."

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ko na pumukaw sa isang grupo ng mga ibon. Biglang naging maingay ang tahimik na lugar.

Napasimangot ako. "I'm sorry, guys." paghingi ko ng patawad sa kanila. "Matulog na kayo ulit. Aalis na ako."

Project SilverWhere stories live. Discover now