Vol. 1 Chap. 27: Yomi

348 23 1
                                    

< Warning! Violence, Inner-beast triggered, Blood, Foul words >

Morgan's Pov

Napaangat ang kilay ko sa taong nakatayo sa harapan ko ngayon. Who would've thought na mapapadpad ang taong to dito.

Unless, he's my stalker now? At sinundan niya ako.

"What the hell are you doing here?" muli kong tanong sa seryosong boses.

Hindi ko na gustong mag-aksaya pa ng oras rito. Kailangan ko ng umakyat ng bundok pero hindi ko magagawa dahil sa lalaking weirdo na to. I won't let him know where my place is, oh well, was.

Napakamot ito ng ulo saka umupo sa tabi ko matapos nitong maayos ang stand ng kanyang big bike. It means, this guy rode this pretty cool thing.

"Hindi ko naman talaga intensyong sundan ka, Mor," panimula nito. Sa tingin mo maniniwala talaga ako dyan sa sinasabi mo? Tignan natin. "Kasama ko yung kaibigan ko galing sa pamamasyal." I eyed him.

"Seryoso. Nagpapahinga kami malapit sa may Sangreal Hotel habang kumakain ng almusal nang makita kitang lumabas rito."

"So, naisipan mong sundan ako? Eh ganun parin yun. Intensyon mo talagang sundan ako saan man ako magpunta. You liar." sinapak ko ito sa kanyang ulo saka piningot ang tenga nito.

"Aray. Masakit, Mor. Tama na. Oo na. Inaamin ko na."

Napabitaw ako at tinitigan siya ng masama.

"Bakit?" tanong ko.

"Huh?"

"Bakit mo ako sinusundan?" nagpipigil na inis kong tanong.

Napatingin ito sa malayo na tila ba nag-iisip kong sasagutin niya ang tanong ko o hahayaan na lang at aalis sa lugar na ito.

"'Cause I'm worried about you." he answered and eyed me seriously.

Akala ko may kumabog sa dibdib ko pero bigla ring nawala kaya hindi ko masyadong napakiramdaman. And what was that, by the way? My heart won't beat for this guy.

It will not definitely beat for anyone, either.

"Fine. Kung ano man ang totoong dahilan mo. I need you to go elsewhere or mayhaps, go home." sabi ko saka ako tumayo.

Kailangan ko ng pumunta sa manor bago pa ako maabutan nila mama at Grim.

"What? Pero sinabi kong nag-aalala ako sa'yo diba?" naguguluhang sambit nito at hinawakan ang kaliwang kamay ko. "Prinsesa, ayokong mapahamak ka ulit."

Napangisi ako at hindi nagtagal ay may biglang kumawala sa katauhan ko. Kinuwelyuhan ko si Piper at saka itinapon sa nakaparadang motor nito. Nagagalit ako.

I was fueled with anger at gusto kong may mapagbuntunan nito. At ang tangi kong nakikita ay ang lalaking to sa harapan ko na namimilipit sa sakit ng katawan.

Napasinghot ako sa hangin. Anong amoy to? Napakabango. Is it from him?

It smells of fear and confusion.

Hmm. Sweet.

"Morgan?"

Napangisi ako. Sinong tinatawag niya? I lunged at him at saka sinampal ng malakas ang pisngi nito. I heard a crack. Wow. That was nice.

One more. Sinampal ko naman ang kabilang pisngi nito. And it cracked.

What is this feeling? I'm feeling quite good. Parang sobrang tagal na simula ng maramdaman ko ang ganitong pakiramdam.

I was high and I liked it.

"M-Morgan."

I grabbed his filthy mouth. Kanina pa siya tawag ng tawag ng Morgan. Who is that bitch, by the way? His save-fucking-ior?

"Who're you calling, boy?" I squeezed his little mouth hardly until blood came oozing out.

"Oops. Did I squeezed too hard? Here. Lemme help, hm?" I stooped down and licked first the both sides of his chin at pagkatapos ay ang bibig nito.

Naririnig ko ang tunog na ginagawa nito na para bang malulunod siya sa kanyang sariling dugo. Aww. Poor little thing.

What should I do? The sweet and delectable smell is beginning to fade. Hindi ko hahayaang mawala yun.

"Hey boy. Huwag kang ganyan. You're not going to die. I won't permit it," hinawakan ko ang leeg nito and squeezed it hard. He gasped hard at sumuka ng dugo. "There. You're breathing again. How cool, isn't it?"

Umubo ito ng umubo.

"A-anong nangyayari sa'yo, Morgan? You're not yourself."
Napasimangot ako at tumayo saka tinulungang makatayo ang lalaki.

"Sino ba ang Morgan na yan? You know what? You're pissing me off. It's better if your dead. You cheater!" galit na sigaw ko rito saka siya itinapon sa kabilang dulo ng daan.

Napasigaw ito sa sa sakit ng tumama ang likod niya sa may malaking puno.

Good.

But it's not enough. You're still alive.

I was about to stomped my foot sa ulo ng lalaki nang may dumaan na shuriken sa harapan ko at tumama sa katawan ng malaking puno.

Damn.

I pulled the thing at ibinato pabalik sa pakialamerong tao.

"Who the fuck are you, imbecile?!" I shouted ferociously.

"Stop it, Yomi!" the man with a big black hat shouted at me.

"Alam mo ang pangalan ko?"

"Oo dahil ako ang taong nagbigay ng pangalan na yan sa'yo."

"You were?"

Naglakad ako papalapit sa pwesto ng matangkad na lalaki. He's still in his mid 40's. If I know better, he can be pass as my papa.

"Stop hurting your friend, Yomi." sabi nito.

Nang makalapit ay tinignan ko ito mula paa hanggang ulo. He wore an expensive hat and thick black coat and a leather shoes. What a manly man. He's handsome too. Sa tingin ko nakita ko na ang lalaking to pero sa ibang mga mata at katauhan.

Pero kanino?

"You're not supposed to hurt anyone. Hindi ka ginawa para manakit ng ibang tao. You're purpose is to protect your mother and your brothers." sabi nito.

May pamilya ba ako?

"Patawad Yomi pero kailangan mo ulit matulog ng mahimbing."

Nagulat ako ng mawala ito sa harapan ko at bigla nalang may karayom na bumaon sa leeg ko. Immediately, I felt a sudden ache in my head and my legs were getting wobbly that I can't manage to stand properly.

Before I knew it, I was back again sleeping in a cold dark space. I don't know who I am anymore.

Did I do wrong? Did I hurt someone important just now? I felt a single tear in my cheek. That was definitely not mine.

So, kaninong emosyon ‘to?

Project SilverWhere stories live. Discover now