Vol. 1 Chap. 9: Double Trouble

439 40 5
                                    

Morgan's Pov

Ang awkward namang maglakad sa pasilyong 'to. Lahat na yata ng mga estudyante rito ay nakatingin sa akin at halatang ako talaga ang pinagbubulungan nila.

"Baguhan yata."

"Ang ganda naman niya pre."

"Oo nga. Mukhang sarap maging girlfriend."

"Tara lapitan natin."

Napahinto lang ako sa paglalakad ng may humarang sa harap kong dalawang lalaki. Isang pandak na mataba at barako na maraming piercing sa tenga at pati narin sa labi. Ang weird naman ng style na isang 'to. Mukhang wala yatang planong umalis sa dinadaan ko ang dalawa kaya tinitigan ko na lang ang mga 'to. Naramdaman kong unti-unti namang nagsipasukan ang ibang mga estudyante na nakatambay rito sa pasilyo sa kani-kanilang mga silid hanggang sa kaming tatlo na lang ang naiwan ngunit ramdam ko parin ang mga titig ng mga 'to.

"Hi miss ganda." bati nung barako kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Ang laking tao. Dinaig niya pa si Draco, ang alaga kong snow bear. Namimiss ko na tuloy siya.

"Hello. Salamat sa papuri."

Nabigla naman ito at umatras ng bahagya ngunit sandali pa't tumawa naman ito ng malakas kasabay ang sidekick niyang mataba.

"Hahaha. Narinig mo 'yun pre? Ibang klase!" hysterical sa pagtawang usal nito.

"Oo nga. Biruin mo't nagpasalamat pa sa'yo." segunda naman nung mataba habang panay tawa parin.

Napasimangot ako kaya huminto naman sila sa pagtawa. Hindi ko alam kung anong trip ng dalawang 'to pero kailangan ko ng pumunta sa unang klase ko. Ayokong malate. Kaya nilagpasan ko na sila. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may humawak sa braso ko. Napalingon ako rito at si bakulaw na naman.

"Teka. Teka. Saan ka pupunta? Nakikipag-usap pa kami sa'yo eh. Diba pre?" saad nito at lumingon sa kasama niya.

"Oo nga. Oo nga." segunda naman nito sabay punas ng nangingilid niyang luha.

Napatitig ako sa kamay nitong nakahawak sa braso ko. Ang kamay nito ay nakahawak sa braso ko. Isang normal na tao. Ang nakahawak ngayon sa braso ko. Anong karapatan nitong hawakan ako! May pumitik bigla sa loob ko. Papatayin ko siya! Hahawakan ko na sana ang kamay nito nang may nagsalita.

"Hoy! Bitiwan mo nga siya Goryo!"

Natigilan ako dahil sa boses nito at biglang naging normal ulit ang pag-iisip at lumiwanag ulit ang mga mata ko. Napaatras ang kamay ko at itinago ito sa may likuran. Anong gagawin mo kanina Morgan? Huwag mong sasabihing puputulin mo talaga ang kamay ng bakulaw na 'yan? Hindi ko napansing humihinga na pala ako ng malalim at nawala na sa harap ko ang dalawang lalaki.

"Hey. Okay ka lang miss?" tanong nung lalaking kakarating lang kanina. Napatingala ako sa kanya. May kulay pink itong buhok at magkasingtangkad sila ni Grim at Cyan.

Napatango ako rito. "Oo okay lang ako." umayos ako ng tayo at huminga ng malalim. Nararamdaman kong bumabalik na ulit sa normal ang pintig ng puso ko.

Humarap ako rito at tinitigan siya. Nakatitig rin ito sa akin ng seryoso at nangingilatis ang tingin nito. Parang may alam ang isang 'to.

"Sino ka?" malamig na tanong nito.

Sa hindi ko malamang kadahilanan ay bigla na lang pumintig ang puso ko. Hindi ko kilala ang lalaking 'to pero may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. At isa lang ang nasisigurado ko.

Kailangan ko siyang layuan. Mapanganib ang isang 'to.

Project SilverWhere stories live. Discover now