Vol. 2 Chap. 39: Troublesome

182 22 0
                                    

Morgan's Pov

"You can take your hands off of me now, Eli," sabi ko sa malamig na boses.

"Geez. You're still so cold to me, Mor," nakasimangot na pakli nito. "You're so unfair to me. Ang bait-bait mo nga doon sa lalaking bago mo lang nakilala. Hindi man lang umabot ng isang buwan. Samantalang ako na nakababata mo. Ganito mo lang kong tratuhin," pagdadamog nito habang nakanguso.

Tsk. How troublesome.

If you're asking who this guy is, siya si Elijah Rasmussen, ang nag-iisang apo ni Sir Matthias, ang ama ni mr. Ezekiel at mr. Genesis, ang ama nitong nakababata ko. We grew up together and I'm her claimed bestfriend. Tsk. I don't even like this guy. Napakadaldal nito at matampuhin. Palibhasa kasi iniispoil ito ni Sir Matthias. Akalain mo nga naman ang nagagawa ng pagiging unico iho at nag-iisang apo ng makapangyarihang pulitiko.

Hindi nagtagal at naging spoiled brat na ito and also he's a jealous personified.

Napataas ang kilay ko. Napatingin ako sa kanya habang tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad sa Dark Forest. I even heard a loud roar nearby, well it's their time to roam around and hunt preys. Well, back to Eli, akala niya ba hindi ko napansin ang ginawa niya kanina?

"Hey, bakit mo ginawa 'yun?" I was referring to the sudden hug.

I know Piper is there. Alam kong nakita niya ang yakapan namin nitong mokong na ito.

"Huh? What are you saying?" patay-malisya niyang sabi. Tinaasan ko lang ito ng kilay. Napabuntong-hininga naman ito. "I don't like him."

"You don't like everyone." I said in my monotone voice.

"Well, atleast I like you," sabi nito. Napatitig ako sa kanya. "Y-you're my precious childhood friend and my bestfriend, right? Oh. Oh. And I like Cyan, Grim, Blood, Tita Eliza and I even learned to adore Luka." he beamed.

I sighed. "Yeah right,"

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang manor. Napatigil kami nang mapansin namin si Cyan at Grim na nakatayo sa harap ng manor. They looked.. bothered?

Third Person's Pov

"Anong problema?" tanong ni Morgan sa mga kapatid nitong kanina pa hinihintay ang pagbalik niya.

Ngunit imbes na sumagot ang isa sa kanila ay pareho silang napatingin sa likod nito kung saan nakatayo si Elijah. Ngumiti naman ito ng mapansing nakatingin si Cyan at Grim.

"Hi,"

"Anong ginagawa mo dito, Elijah?" tanong ni Grim na hindi natutuwang makita ito.

"I just want to see my bestfriend," sagot nito at napatingin sa direksyon ng babae na walang emosyong nakatayo sa tabi ni Cyan.

"Tsk. Huwag niyong pansinin si Eli," pagsingit ni Morgan at napatingin ang tatlong lalaki sa kanya. "May problema ba?" tanong nito ulit.

Nagkatinginan si Cy at Grim. Bumalik ulit ang kanina pang bumabagabag sa kanila.

"It's all about Blood." said Cy in a worried voice.

Luka's Pov

"Kuya Blood?"

Kanina pa ako kumakatok sa pinto nito pero walang sumasagot. Hindi naman ganito si kuya. May nangyari kaya? I run towards the clinic, alam kong naroon si kuya Cy. May hawak itong spare keys sa mga kwarto dito sa manor.

Nang marating ko ang kwarto ay hindi na ako kumatok pa at binuksan ang pinto. Hinanap agad ng paningin ko si kuya Cy at kasalukuyan itong nagbabasa ng medical book na sobrang kapal. Bukod sa pagiging hacker at pagkahilig nito sa modernong teknolohiya ay hindi nawawala ang pagkahilig niya sa lumang nakagawian, mga tradisyon at syensa. Mahilig siyang magbasa specifically, science related books.

"Oh, Luka?" itiniklop nito ang libro nang mapansin ako. "May kailangan ka ba?"

Napailing ako saglit pero agad napatango.

"I think may problema si kuya Blood." sabi ko.

"Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"He's not answering me when I knocked on his door," sagot ko. "Hindi naman ganito si kuya Blood. Sa tingin ko may problema siya."

Napatayo ito. "Alright. Puntahan natin si Blood."

Once again, we stood outside Blood's room. I glanced at kuya Cyan. Hawak nito ang spare key at bubuksan na ang pinto.

I'm sorry kuya Blood but we need to do this.

Nang mabuksan ay sumilip si kuya sa loob at tinawag si kuya Blood pero walang sumagot. Pumasok ako at nabigla sa nakita, ang dating maayos at organized na kwarto nito ngayon ay parang nadaanan ng bagyo.

Natakpan ko ang ilong ko ng maamoy ko ang dugo. Shit!

"Let's go. We need to tell Grim."

Project SilverWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu