Vol. 4 Chap. 67: Odd

21 1 0
                                    

Piper's Pov

Kanina ko pa napapansin ang nerd na napapasulyap kay prinsesa. Huwag mong sabihin na nahulog ito kay Morgan sa pagkampi nito kanina? No way. Tinitigan ko ito ng matalas hanggang sa lumipat ang kanyang tingin sa akin. Nagulat ako nang mag-iba ang awra nito at napangisi.

Tumayo lahat ng balahibo sa batok ko. I swear ang creepy ng Ruin na 'to.

I can smell bad news from him.

Natapos ang klase at kaagad kong inaya si prinsesa ngunit agad rin naman niya akong tinanggihan dahila nariyan na raw si Grim sa labas.

"Mag-iingat ka." pahabol ko nang bumaba na ito. Lumingon ito sa akin at napangisi.

"Why would I?"

"Just-

Napalingon ako sa pwesto ni Ruin na kasalukuyang nagbabalot ng gamit. He's a looking nerdy guy at ang hina nito. But there's something creepy in his gaze towards Morgan.

"Pipe," pagtawag ni Morgan sa akin. "You should say sila ang mag-ingat sa akin. Not the other way around." pagtatapos niya at tuluyan na nga itong lumabas ng classroom.

I saw Ruin smirked on my peripheral vision. Naglakad ito at walang sabing nilagpasan ako.

"Bye, Ruin. Nice to meet you."

Ngumiti ito at kumaway. "Nice to meet you too, Angelica."

Lumabas narin ako at nagulat nang may biglang umakbay sa akin.

"Yow, ang tagal mo naman."

It was Jacob. Inalis ko ang kamay nito at naglakad ng diretso.

"Mukhang wala ka sa mood ah? May nangyari ba? Nag-away ba kayo ni prinsesa?"

"Shut it, Jay." usal ko.

Ruin's Pov

I was silently watching Morgan from the tree. She was currently talking to a fine young man. Hindi ko ito kilala pero mukhang mahalaga ito para sa kanya. The way she blushes while talking to him. Hindi ko pa nga nasisimulan ang plano ko pero mukhang napaka-interesting ng buhay ni Morgan.

How come naging kaaway siya ng kakambal ko?

Kung hindi niya sana pinatay si Rukia. Papayagan ko pa itong maging parte ng buhay ko.

I heave a sighed.

What a waste. Too late for that now. Isasama ko na lamang siya sa aking mga koleksyon.

Morgan's Pov

Nang makababa sa sasakyan ay binugad kaagad ako ni Luka ng mahigpit na yakap. He was smiling widely kahit na hinahapo ito sa pagtakbo. Ginulo ko ang buhok nito at napangiti.

"Are you having a good time with Cyan?" I asked.

"Yes. Kuya Cy taught me how to properly hold a katana since masyado raw mahina ang paghawak ko."

He was wearing one of Cy's yukata. Kaya alam kong nag-eensayo silang dalawa. Hindi nagtagal ay dumating si Cyan. Looking gorgeously handsome as always. He was wearing a red one while his hair were freely down at nakasuot ito ng itim na eye-mask.

"Cy."

"Welcome back, Morgan," aniya at lumapit sa amin. "Grim."

Tumango lamang si Grim sa tabi ko at naglakad na papasok sa loob ng manor. Dumulog naman sa kanya si Luka at sabay silang pumasok habang masayang nagkukwento si Luka sa kanya. Grim was nodding every now and then at ginugulo ang buhok ni Luka.

"Something's odd with Grim." bulong ko.

Nang huli kaming mag-usap ay parang may dinadala itong mabigat na misyon. Hindi rin mawala ang mga katanungan ko sa isip nang gabing 'yon. Pati na ang pinapagawa niya kay Blood.

"Cy."

"Hmm?"

"Do you have any idea what' s happening with Grim?" tanong ko at tumingin rito.

Grim and Luka was already inside the manor. Napaharap si Cyan sa Black forest kung saan namamalagi ang kanyang mga alaga na tinatawag na beast.

Napabuga ito ng malalim na hininga bago nagsalita.

"I also saw Grim that night with Luka," aniya na kinagulat ko. So, Cyan also saw them leaving the manor in the middle of the night. "Hindi ko alam kung anong ginawa nila pero napansin ng mga alaga ko ang isang bulto ng tao na nakatayo sa paanan ng mansyon nang gabing 'yon."

Napatingin ito sa akin nang may malungkot na expression sa kanyang mukha.

"He's meeting with someone we don't know."

"Paano mo nalaman ang lahat ng ito, Cyan?" tanong ko.

Bakit parang ako lang ang walang alam kung anong nangyayari sa pamilyang 'to?

"I have eyes everywhere, Morgan."

Hindi ko alam pero biglang napalitan ng kakaibang emosyon ang mukha ni Cyan. It felt like he was desperately trying to gather info to protect someone. Simula nang araw na 'yon, hindi ko na nakakausap si Cyan.

He just won't let me in saying he doesn't want to talk to me.

It was odd dahil hindi man lang nag-aalala si Grim sa inaasal ni Cyan. Si Grim ang unang umaayos sa anumang gusot o hidwaan ng pamilya. He' s oddly quiet this time.

"Mama, hahayaan mo bang hindi kumain si Cyan?" tanong ko kinabukasan.

Si Grim, Blood at Luka ay tahimik na kumakain at parang walang kulang sa hapagkainan.

"I already made him breakfast, Morgan. Don't worry about Cyan. Eat your breakfast, dear. May pasok ka pa." sagot ni mama at nagpatuloy sa pagkain.

"Okay."

Ayokong isipin na may kinalaman si Grim rito. Pero iba ang sinisigaw ng utak ko. Napasulyap ako sa gawi niya.

Sana nga mali ang hinala ko, Grim.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Project SilverWhere stories live. Discover now