Vol. 2 Chap. 33: Phantom Lord

222 23 0
                                    

Chaise's Pov

I was busy typing in my pc nang bigla na lang pumasok si Gio ng opisina ko ng walang paalam. Tinignan ko ito ng masama.

"Patawad kong naistorbo kita pero may masama akong balita sa'yo." seryosong sabi nito.

Napailing ako at itinuro ang upuan malapit sa mesa ko. Umupo agad ito at tumitig sa akin ng seryoso. Mukhang may masama nga talagang nangyari. Hindi naman ganito ang usual niyang itsura. Palabiro si Gio kaya palagi mo siyang nakikitang masaya at nakangiti. Bihira lang ang ganitong aura sa kanya. Kahit nga sa trabaho ay nagbibiro parin ito.

"Nagising na siya, tama ba?" tanong ko.

Napanganga ito. "Paano mo nalaman?" tanong nito.

Napatayo ako at tinalikuran ito. Pinagmasdan ko ang mga nagtataasang building na ngayo'y nagkikislapan sa dilim. Tila ito'y mga bituin sa mababang langit. Makikita mo lang kapag mababa ang tingin mo sa kanila.

"Who do you think I am, Gio?" malamig kong tanong rito.

Nagsindi ako ng sigarilyo at humithit rito sabay buga. Napamulsa ako at tinitigan ang matagal ko ng kaibigan. Nakayuko ito at muli ay nag-angat ng paningin.

"You are the Phantom Lord." sagot nito.

Napatango ako at may sumibol na nakakatakot na ngisi sa aking mga labi.

Morgan's Pov

Nagmamadali akong tumakbo pababa ng basement ng marinig ko kay Cyan na may binihag si Grim. He said the named was Piper. Kaya agad akong nagmadali. Hindi ko na nagawang lingunin pa si Cy nang tawagin ako nito.

Malakas ang pakiramdam ko na si Piper na kaklase ko at ang nandito ngayon sa basement ay iisa lang.

"Morgan sandali." sabi nito sabay hawak sa braso ko.

Napatingin ako sa kanya at pababa sa kamay nito. "Let go." malamig kong sabi.

"Okay. I will," sabi nito at agad akong binitawan. Tatalikod na sana ako ng magsalita itong muli. "Kung siya nga ang Piper na kilala mo. Anong gagawin mo kapag nakita mo siya?" tanong nito.

Napasimangot ako sa tanong nito. Of course, I will let him go. Hindi ko hahayaang makulong si Piper sa malamig at walang buhay na lugar na yun. He's only an ordinary human. Ayokong ma-traumatized siya dahil sa pamilya ko.

"No way. Huwag mong sabihin na pakakawalan mo siya?" hindi makapaniwalang tanong ni Cy.

Napakunot ang noo ko. "And what is wrong with that?" tanong ko pabalik at tinalikuran ito sabay lakad palayo.

I won't talk to Cy, right now. Bigla akong nawalan ng gana sa kanya.

"No. Hindi mo gagawin yan!" matigas na pahayag nito.

Napahinto ako at lumingon sa kanya. Nakataas ang kilay ko at nakatitig sa kanya ng masama.

"Anong sinabi mo?"

"Don't make me repeat myself, Mor." litanya nito.

Naglakad ako papalapit sa kanya at tumigil nang isang dangkal na ang pagitan namin sa isa't isa. Malamig ang titig nito, so do I. Kahit na matangkad ako ay mas matangkad parin sa akin si Cy kaya kailangan kong tumingala.

"You know, Cy. I love you," sabi ko at nang marinig nito ay lumambot ang kanyang mukha. Pinigilan ko itong magsalita ng bumuka ang kanyang mga labi. "Pero kapag sinubukan mo akong pigilan. Hindi kita sasantuhin. Kailangan ako ng kaibigan ko ngayon. Alam kong nag-aalala ka lang dahil sa sinabi sa'yo ni Grim pero hindi masamang tao si Pipe. Hindi siya isang spy. Hindi niya tayo sasaktan." seryoso kong sabi at umatras ng isang hakbang.

Nakatitig parin kami sa isa't isa pero wala ng tensyon sa pagitan namin. Ilang saglit pa ay napabuntong-hininga ito at ginulo ang buhok ko.

"Okay. Panalo ka na," pagsuko nito sabay ngiti kaya napangiti narin ako. "Kung ramdam mo na hindi siya panganib sa pamilya, paniniwalaan kita. Kaya sasamahan na kita para palayain ang kaibigan mo."

Matapos nitong sabihin iyon ay nag-una na siyang naglakad. Agad naman akong sumunod sa kanya.

"Salamat Cy." bulong ko at hinawakan ang kamay nito sabay ngiti sa kanya.

Tanging pisil lamang ang nakuha kong sagot rito.

Project SilverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon