Vol. 2 Chap. 31: Cyan

233 22 0
                                    

Cyan's Pov

Tahimik lamang akong nakaupo sa kama ni Morgan habang sinusuklayan ang mahabang itim na buhok nito. Naaalala ko pa noon ang sinabi nito.

"Cy, gusto ko rin ng ganyang buhok. I want to be just like you." nakangising sabi ng batang si Morgan.

Napangiti ako. "Really? You love my hair?" tanong ko at umupo para mapantayan ang taas nito.

"Of course. You're beautiful."

Biglang uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi nito. Dapat ba akong maging masaya dahil sa sinabi nito?

"Hahaha." I patted her head. "You should call me handsome, Mor. Handsome."

"Hmm?"

"Hayaan mo na. Salamat Mor." nakangiting sabi ko sa batang si Mor.

Napatitig ako sa natutulog na si Morgan. We're so glad and greatful dahil dumating sa buhay namin si Morgan noong panahong sobrang magulo ang ginagalawan naming mundo. Her cries at night even sounds peaceful to us. Pinapakalma nito kami. Ginawa namin ang lahat para maprotektahan si Mor sa mga nagtatangka sa buhay nito.

Noon pa man, we became her shield kahit ngayon na kaya na nitong protektahan ang kanyang sarili.

"Hmm. No." bulong ni Mor. "Stop. Stop it!" she writhed in her sleep.

Is she having a nightmare?

"Mor. Morgan, wake up."

I called out but it was futile. She kept on saying 'no' in her sleep.

"Mor." I slapped her slightly. "Morgan."

Napadilat ito ng mga mata at napatingin sa akin. She seems confused at first at laking gulat ko ng bigla na lang itong bumangon at niyakap ako ng mahigpit.

"Cy. You're here. Hindi ka nasaktan," nanginginig na sabi nito. "I was afraid. I thought iiwan mo na ako noon."

Mas lalong humigpit ang yakap nito kaya niyakap ko narin ito pabalik. Kahit na naguguluhan ako sa kilos nito ay sinabi ko na lang na maayos lang ako at hinding-hindi ko siya iiwan.

Ilang sandali pa ay kumalma na ito.

"Anong nangyari?" pagkuwa'y tanong nito.

Napatitig ako sa mukha nito saka sumagot. "Bigla ka na lang nawalan ng malay pagkatapos mong sagutin ang tawag sa telepono."

Napasimangot naman ito at biglang umarko ang kanyang kaliwang kilay.

"Tawag?" tanong nito. Napatango naman ako. "Pero hindi ko naaalalang sumagot ako ng tawag sa telepono."

"What?"

"Nagsasabi ako ng totoo, Cy. Besides, what I remember is.." sabi nito pero agad ding tumigil at tinakpan ang kanyang bibig. Napatingin ako sa kanya ng seryoso.

What is happening here?

"Mor. May hindi ka pa ba sinasabi sa akin?" tanong ko sa malamig na boses.

She's definitely acting strange.

"No," depensa nito. "I'm not keeping any secrets from you, Cy. I swear."

Napatayo ako at napailing. I kinda felt dissapointed.

"Okay. I need to go." pagpapaalam ko at naglakad na palabas.

"Wait, Cy."

Napahinto ako ng hinawakan nito ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya. She's panting at tila ba maiiyak siya.

"Are you. Are you mad?" tanong nito sa nanginginig na boses. Nararamdaman ko rin ang panginginig ng kamay nito.

Napasimangot ako saglit at dahan-dahang tinanggal ang pagkakahawak nito. There's really something strange going on here. Hindi naman ganito ang kilala kong Morgan. Ano ba talagang totoong nangyari isang buwan na ang nakakaraan?

Why would mama suddenly pull-out Morgan's admission in Primus?

Biglang pumasok sa isipan ko ang tanong nito kahapon.

"Am I monster?"

Napasimangot ako dahil sa naging tanong nito. "Of course not. You are not a monster, Mor. Hindi porke't iba ang ginagawa natin sa mga ordinaryo at normal na mga tao eh halimaw na tayong matatawag. Sadyang hindi lang talaga tayo pinalad sa kanilang mundo kaya tayo nandito ngayon."

"But.."

"No. Mor, makinig ka sa akin," I grabbed both of her shoulders. "You are not a monster, okay?" madiin kong sabi.

"Okay."

Napakuyom ako ng palad. Kung ano man at kung sino man ang taong kausap ni Morgan sa telepono. Hinding-hindi ko hahayaang masaktan ulit nito ang kapatid ko.

I will kill them all even if it means turning into a monster.

Project SilverWhere stories live. Discover now