Vol. 3 Chap. 50

148 16 0
                                    

Morgan's Pov

"Hindi na kita masusundo mamaya, Morgan. May biglang dumating na misyon." ani Grim matapos itong huminto sa bakanteng parking space para sa mga visitors.

Napailing ako.

"It's okay. I can manage myself. Huwag mo na akong alalahanin pa."

Napabuntong-hininga ito. "Okay, I know you can do anything without our help now. Hindi namin inakalang lalaki kang malakas at matapang. Baka nga nalampasan mo na kami pagdating sa pakikipaglaban." Ngumiti ito habang nakatingin sa akin.

Unti-unti namang uminit ang pisngi ko.

"No. That's not true."

"Humble as ever, I see." litanya niya habang nakangisi. Nabaling ang tingin nito sa labas at biglang napasimangot kaya napatingin narin ako.

Piper? What is he doing there? Nakatayo lamang siya at palingon-lingon sa paligid na tila ba may hinahanap siyang tao. May bigla namang kumabog sa dibdib ko nang bumalik sa akin ang pag-uusap namin.

What is this? It won't stop.

"Morgan, you're a bit red. Are you okay?" Tanong bigla ni Grim kaya nabaling ko ang paningin sa kanya.

Shit.

"A-ah. I need to go. Thank you, Grim." sabi ko.

Dali-dali akong bumaba ng sasakyan ni Grim at sinarado ito ng malakas. Hindi ko binalingan ng tingin si Piper. Naglalakad lang ako ng diretso papasok nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Prinsesa, wait." Sigaw ni Piper.

Napahinto ako at nilingon ito. Nagtagpo ang mga kilay ko. Kailangan ba talagang isigaw niya 'yun? What is wrong with this guy? Akala ko ba may hinihintay siya?

"Huwag mo akong simulan ngayon, Pipe." sabi ko sa malamig na boses.

I don't know but I feel irritated all of a sudden.

"What do you want?" I asked.

"Huh? Nothing. I'm waiting for you to arrive para sabay na tayong pumasok."

Napatigalgal ako habang nakatingin sa maamong mukha ni Piper. What's happening here? Bakit biglang lumiwanag ang mukha ni Piper sa pananaw ko? He's sparkling too. Parang biglang nawala ang init ng ulo ko nang malaman ang dahilan niya.

I thought he was waiting for someone.

Thump*Thump

My heart won't stop beating too.

"Hey, okay ka lang ba prinsesa?" Tanong nito at nahihiyang binaling ang tingin sa iba habang nagkakamot ng kanyang batok. "Huwag mo ako masyadong tutukan nv ganyan, prinsesa. Baka matunaw ako."

Napaubo ako at napapailing.

"Huwag kang mag-alala hindi ka matutunaw. Don't exaggerate things Pipe." sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Sineryoso mo talaga?"

Tss. So, binibiro lang pala ako ng isang 'to?


Grim's Pov

Kinuha ko ang cellphone sa suot kong slacks nang mag-ring ito. I slid the lock and answer the call. Binuga ko muna ang usok ng sigarilyo bago sumagot sa kausap ko.

"I'm outside of the building now. You can see me right?"

["Ah. Yes. I saw you. Ipapasundo na lang kita sa sekretarya ko."]

Itinapon ko ang sigarilyo na hindi pa nangangalahati at tinapakan ito.

"No need to bother her. Ako na ang aakyat dyan sa taas, Chaise."

["Okay. If you insist. You're really a gentleman, Grim. I'll wait for you here. Don't take too long. I miss you."]

Bulong nito sa huling salita. Blanko akong napatitig sa kawalan.

"Yeah. I know."

Project SilverWhere stories live. Discover now