Vol. 2 Chap. 35: Morris

204 23 1
                                    

Third Person's Pov

"Hey, anong relasyon meron kayo ni Morgan?" tanong ni Blood matapos mailapag ang pagkain na inihabilin ni Mor sa kanya na dalhin sa guest's room.

Napayuko naman si Piper nang biglang uminit ang kanyang mukha. Ibang mukha ng pamilya na naman ang humarap sa kanya matapos mag-iwan ng babala ang nakababatang myembro ng Montgomery.

"Huwag mong tatangkain na saktan ang ate Morgan ko kung ayaw mong ubusin ko ang lahi niyo." banta ni Luka sa malamig na boses.

Kahit na mas matanda pa siya ng anim na taon kay Luka ay ramdam niya na hindi ito nagbibiro sa kanyang banta.

"Hey, nakikinig ka ba?" sigaw ni Blood at sinipa ang silya na kinauupuan ni Piper. Napapitlag naman ang huli saka dali-daling tumango.

"Tsk. Just answer my damn question, you coward!" diing sabi ni Blood saka umupo sa kabilang sofa. Naka-dekwatro ito habang nakatingin ng masama kay Piper.

Bigla namang napakuyom ng palad si Piper dahil sa itinawag sa kanya. Ang pinakaayaw niyang marinig na salita. Hindi na ito bago sa kanyang pandinig sapagkat palagi na itong ibinabato ng kanyang ama sa tuwing lalampa-lampa ito sa mga pinapagawa nitong ensayo o di naman kaya ay aayaw noong bata pa ito.

Hindi niya gusto ang mga ensayo na pinapagawa ng kanyang ama subalit wala siyang magagawa dahil sinasaktan siya nito hanggang sa hospital ang kanyang bagsak. Ganun kalupit ang kanyang ama sa kanya. Hanggang umabot siya ng sampung taong gulang at hindi na siya pinilit pa ng kanyang ama na mag-ensayo. Doon niya lamang naramdaman ang kalayaan na gawin ang gusto niya.

"We're friends," mahinang sagot nito kay Blood. "Magkaibigan kami ni Morgan."

Napaarko naman ang kilay ni Blood nang marinig ang sagot nito at unti-unting napangisi.

"Really? Kaibigan mo si Morgan?" namamanghang tanong nito.

"Ganun na nga." sagot naman ni Piper.

Bigla namang napatawa ng malakas si Blood na umalingawngaw sa apat na sulok ng guest's room. Nagtataka namang napatitig si Piper.

"May nakakatawa ba?" nakasimangot na tanong nito.

Napailing naman si Blood habang pilit pinipigilan ang kanyang pagtawa ng malakas. Pinunasan saglit nito ang luha sa gilid ng kanyang mata saka umayos ng upo.

"Alright. I'm good. I'm good," sabi nito ng nakataas ang kanyang dalawang kamay. "So, ikaw pala yun. Well, I'm Blood in case you want to know. I'm Morgan's third bro."

Ngayon ay nakangiti na si Blood ng malapad at inabot ang kanyang kamay. Malugod naman itong tinanggap ni Piper at nagpakilala na din ito.

"I'm Piper," sabi nito. "Piper Morris."

Napadilat naman ang mga mata ni Blood nang marinig nito ang buong pangalan ng binata.

"Morris?" tanong pa nito.

Naguguluhan namang napatango si Piper. "Yup. Is there something wrong?" tanong nito.

Bigla namang tinabig ni Blood ang kamay ni Piper na tila ba may nakakahawa itong sakit at saka tumayo at umalis ng kwarto. Pabagsak nitong sinarado ang pintuan.

"Anong problema nun?" tanong ni Piper sa kanyang sarili at napabuntong-hininga.

Sa likod ng pintuan ay nakasandal si Blood habang nanginginig ang kanyang mga palad. Nahawakan niya ang isang myembro ng pamilya Morris.

"Shit. Shit. Shit," sunod-sunod na bigkas nito habang sinasabunutan ang pulang buhok nito. "This is not happening."

Project SilverWhere stories live. Discover now