Hakbang.

1.6K 27 0
                                    

"Hakbang"

"Elmo?"

Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang pagtawag ni Janella sakin.

"Hmm?"

"Rehearsal na daw. Ayos ka lang ba? Alam kong maputi ka pero bakit parang namumutla ka?"

Napatingin ako kaagad sa salamin. Totoo nga.

"Wala naman. Kinakabahan lang siguro ako."

"Kinakabahan? Bakit? Sanay ka naman dito ah at tska hindi naman na bago sayo ang mag perform."

"K..Kinakabahan lang ako baka kasi magkamali ako.."

Napakunot noo siya sabay lapit sakin. Sinusuri niyang maiigi ang aking mukha kung talaga bang nagsasabi ako ng totoo.

"Hindi eh. Tell me, kinakabahan ka ba talaga sa kakantahin natin o kinakabahan ka kasi alam mong nandito siya?"

Napabuntong hininga ako. Wala akong kawala dahil sa maikling pagsasama namin ni Janella, kilala na niya ang bawat galaw at kung ano man ang iniisip ko.

"H..Hindi naman sa kinakabahan ako dahil nandito siya. Siguro, dahil sa mahabang panahon, ngayon ko nalang ulit siya makakasama. Hindi pa nga literal na magsasama kami sa iisang stage pero alam mo yun.."

Tumingin ako sa salamin at huminga ng malalim.

"Nasa iisang lugar kami at parehong hangin ang nalalanghap namin."

"So near yet so far ba ang drama ng JuliElmo ngayon? Alam mo wala namang makakahalata eh edi kausapin mo siya mamaya kung makasalubong mo man siya."

Napailing ako at napayuko.

"Buti sana kung ganun kadali yun, Janella. Marami ng nagbago saming dalawa."

Lumapit sakin si Janella at ginulo ang buhok ko. Ngumiti naman siya sakin.

"Tama ka. Marami na nga ang nagbago pero ito ba..."

Tinuro niya ang puso ko.

"May nagbago ba?"

Napatulala ako kay Janella ng banggitin niya ang mga salitang yun. Bumalik lang ako sa tamang pag iisip ng makarinig ako ng sunod sunod na pagkatok sa pintuan. Tinatawag na pala kami. Habang naglalakad kami ni Janella papunta sa stage hindi ko maiwasan na mapaisip.

Ang gulo. Totoong magulo. Nagtatalo ang puso at isip ko. Ayaw ng isip ko na kausapin siya dahil baka ma issue pa kami lalo na inaabangan kami ng Elnella. Baka kung anong masabi nila. Ang puso ko naman gusto siyang kausapin pero hindi ko alam kung tama pa ba.

"Omg! Moe!"

Napatingin ako kay Janella.

"Bakit?"

"She's here. Pagkakataon mo na ito. Give it a try, Elmo. Talk to her."

Tiningnan ko kung nasaan siya. At hindi nga nagkamali si Janella. She's here. Nakikita ko siya ngayon sa stage, siya ang kumakanta. Her voice, I missed her voice. Lalo na siya.

"What are you waiting for? Go."

"P..Pero..."

"Okay Ms. Julie! Pwede ka ng magbihis."

Ngumiti siya sa staff ng MYX.

"Thanks po!"

Binigay niya sa staff ang mic na hawak niya at tuluyan na siyang tumakbo palayo.

"Ayan! Nawala tuloy siya. Pagkakataon mo na yun eh. Wala pa namang masyadong tao. Sinayang mo lang."

Napabuntong hininga ako.

To Be ContinuedWhere stories live. Discover now