PROLOGUE: Give Me Love

678 25 17
                                    

PROLOGUE:

Give Me Love

Ano nga bang kaya kong isakripisyo para sa "love?"

Kapag nagmahal ka, kailangan marunong kang magbigay, umintindi at umunawa. Kailangan ibigay mo ang buo mong pagtitiwala sa taong mahal mo. Kailangan, marunong kang magpatawad, lumimot at magpatuloy sa kabila ng sakit, kasi mahal mo e. Hindi mo kakayaning mawala siya sa buhay mo.

Kailangan din marunong kang lumaban. Hindi ka dapat sumuko kaagad, kung ayaw mong umuwing luhaan. Kailangan mong maging matatag sa lahat ng bagay. Matumba ka man, tumayo ka kaagad na para bang walang nangyari.

Higit sa lahat, kailangan mong ibigay ng buong buo ang puso mo nang walang hinihiling na kapalit.

Pero mali bang hilingin na mahalin rin ako ng taong mahal ko? Mali bang umasang dadating din ang panahon na magbabago ang ikot ng mundo at mamahalin din niya ako? Mali bang lumaban pa rin ako, kahit sinasabi nilang tama na? Mali bang ipagpilitan ko ang sarili ko, kahit siya na mismo ang pumipigil sa'kin?

Ang gusto ko lang naman ay mahalin niya rin ako.

Kung kailangan kong hingin o limusin ang pagmamahal niya, gagawin ko. Baka balang araw... balang araw ay mahalin niya rin ako. Gano'n naman talaga 'di ba? Kapag gusto moa ng isang bagay, gagawin moa ng lahat makamit lang ito.

[To be continued]

Give Me Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon