Nakatingin lang ako sa baba habang naglalakad, hindi ko kasi kayang tumingin sa ginang. Nang malampasan nga namin sila ay parang nawala na ang tensyon.

Pero ramdam ko parin na tinitignan nya parin ako.

"Nakalayo ba ba tayo?" pasimpleng bulong ni William.

"Ewan," I whispered,

"Are you okay? Masakit na ehh..." napatingin ako sa mga kamay ko, dali dali ko namang binitawan pero ang isa kong kamay ay nasa braso na lang nya.

"S-sorry." hindi ko kasi napansin na nasobrahan na ng higpit ang pagkakahawak ko sa kanya.

"That's fine ganun lang talaga si tita, she's a strict woman but she's kind--- a little." napalunok na lang ako.

"Kailan ka ba hihinto sa pampapanggap mo?" I said, nawala ang ngiti nito at napatikhim.

"Sa tamang oras pa, wag atat."

Huminto kami sa paglalakad at tinignan sya sabay tingin sa kaharap naming mansyon.

"What?" nagkukunwaring tanong nito, pasimple kong tinuro ang kaharap namin baka kasi may makakita sa amin.

"Nah, no problem I'm humble don't I?" he chuckled, napatawa na lang din ako ng mahina na may halong tense.

Sinimulan na namin ang paglalakad habang ako naman ay tinitignan ang napakagandang mansyon.

Hindi ko alam kung masyon pa ba ang tawag dito kasi parang kastilyo na ehh. May nakita pa akong mga puno na nakashape na bilog sa bawat gilid ng mansyon, parang nasa fairy tale lang ang theme ang kulay kasi nito ay pure white at sa bawat edge ng pader ay kulay ginto naman.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ng makapasok na kami, pero si William ay tuloy tuloy lang sa paglalakad kaya napasabay na lang ako sa kanya. May nakita akong dalawang stairs ang isa ay nasa kaliwang bahagi ng mansyon at yung isa naman nasa kanan, sa gitnang bahagi ay may malaking pinto. May dalawa palang bodyguards na nandoon, nakita kami kaya binuksan na nila ang malaking pinto.

Bumungad sa amin ang isang silid na puno ng mga lavender?  Sa gitna ng silid ay may maliit na lamesa, at apat na upuan.

Ang ganda ng scenery---

"Hello!"

"Waaah!" napahawak ako sa dibdib ko at sabay tingin sa babaeng may dala dalang tatlong piraso ng tulips.

Nakangiti itong nakatingin sa akin sabay lahad ng tulips, nagtataka naman akong napatingin kay William na wala na pala sa tabi ko!

Nakita kong nakaupo na ito sa upuan at tumatawa pa ito ng mahina.

Bumalik ang tingin ko sa babae nakangiti parin ito, kaya dahan dahan kong kinuha sa kanya ang mga tulips.

Nagulat na lang ako sa sunod nyang ginawa.

She hugged me then giggled

"Hey, you scared her!" sigaw ni William, humiwalay na sa akin ang babae at napatawa na lang.

"Dear, I'm so sorry for my manners." napailing na lang ako.

"It's okay." nakangiting sabi ko, tiningnan ang ang hawak kong mga tulips.

"I like them, thanks." pagpapasalamat ko sa kanya. Hinawakan nya ako sa kamay at naglakad kami papalapit kay William na ngayon ay may hawak ng tasa.

Umupo na kami sa upuan at nagsalita ang babae.

"My name is Andy De Vincire, I'm his cousin and you are?" pagpapakilala nito sa akin.

"Myle" sabi ko.

The Revenge of a Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now