Chapter 47 - Pictures of the Past

2.5K 63 11
                                    


"He doesn't like you, Wendy! He's just using you as a rebound! Mahal niya pa rin yung ex niya!"

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman dun sa sinabi ni Kuya. So yun pala yung rason niya. Yun pala yung dahilan niya kaya ayaw niya na mapalapit ako kay Eros. He believes that Eros is still inlove with his ex. Kung paano niya nasabi yon ay hindi ko alam.

Pinahid ko ang mga tumutulong luha sa pisngi ko. Heto na naman sila. Pumapatak na naman kahit hindi ko pinahihintulutan. Nakakainis. Ba't ba kailangan ko pang maiyak? Big deal ba?

Hah! Sinong niloko ko?

Napatawa ako nang mapait. Big deal naman kase talaga. Hindi ko man alam kung totoo ba yung sinasabi ni Kuya pero...

Pero pag naaalala ko yung mga tingin sa akin ni Eros nung araw na yon pakiramdam ko...tama siya. Pakiramdam ko nung araw na yon...may nagbago. Hindi ko alam kung bakit, kung anong nangyari pero may bahagi pa rin sa puso ko na umaasang sana...sana mali sila. Sana mali si Kuya Lance.

Gusto niya ako. Yun ang sabi niya, diba?

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad si Kuya. Nakasuot na rin siya ng uniform. Ang seryoso ng tingin niya sa akin. Mabilis kong pinahid ang natitirang luha sa pisngi ko.

"Sabay na tayo pagpasok, bunso. Tara na" simpleng sabi niya tsaka umalis sa pinto. Napahinga ako nang malalim at tumitig sa kaharap kong salamin. Maputla na naman ako. Medyo malaki rin yung eyebags ko dahil hindi ako masyadong makatulog.

Tumayo na ako at kinuha ang bag. Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Kuya sa baba. Si Mama mukhang nasa kwarto niya pa at si Papa naman ay nakaalis na. Kinuha na niya yung bag niya at naunang lumabas. Sumunod naman ako.

Hindi kami masyadong nag-uusap ni Kuya simula pa noong isang araw. Siguro dahil na din dun sa sinabi niya. Hanggang sa maglakad kami at makasakay ng jeep ay hindi ko siya kinausap.

Pero nang makarating kami sa Erindale ay napatigil ako. Bago kami maghiwalay ng daan ay hinarap ko siya. Hindi na ako nakatiis.

"Kuya...paano mo ba...paano mo ba nasabi yun? Paano mo naman nasabi na r-rebound niya lang ako? Ikaw ba siya? Bakit ka ba ganyan? Ayaw mo bang maging masaya ako?" I said, stuttering. Pilit kong iniwas ang tingin ko. Pakiramdam ko kase maiiyak na naman ako.

I heard Kuya Lance sigh. "Of course not, Wendy. Gusto kong sumaya ka syempre. But...but I don't think Eros can make you happy. Shane told me—"

"Shane? Hah! Kuya, she likes him! Sinisiraan niya lang si Eros sa'yo para ilayo mo'ko sa kanya!" sigaw ko. Kaya pala. Kaya pala minsan nakikita namin na magkausap silang dalawa. That Shane...

Kuya shook his head. "No. I don't think so. Minsan...minsan pag may practice kami nakikita ko si Eros na may tinitingnang picture. I didn't see it though sa tingin ko yun yung ex niya. Oh c'mon! Makinig ka naman sa akin, bunso!" 

Hindi ko na siya sinagot. Dali-dali na akong tumalikod at naglakad papuntang SHS building. Naririnig ko ang pagtawag niya pero hindi ko na siya pinansin. Ayoko. Ayokong maniwala hangga't hindi si Eros mismo ang nagsasabi. Si Shane...naninira lang siya. Alam kong naninira lang siya.

Pero paano ko nga ba makakausap si Eros kung ilang araw na niya akong iniiwasan? Simula noong araw na yon...hindi pa niya ako ulit kinakausap. And it hurts. Parang kailan lang nung sabihin niyang gusto niya ako. Tapos ganito. Hindi ko na alam.

Pagdating ko sa room ay napatingin ako sa pwesto ni Meg. Lumapit ako at umupo. Napatingin siya sa akin. Napayuko ako.

"W-Wends..."

That Guy Named Eros (COMPLETED)Where stories live. Discover now