Chapter 25 - Commute

2.9K 84 9
                                    

I can't believe this! 

How come at nandito 'tong Eros na 'to at pupunta pa ako sa kanila? Tapos kung makatingin pa sa akin akala mo may ginawa akong masama. Ginusto ko bang pumunta sa kanila aber?

"E-eh...Meg! Wag na kase!" pabulong kong pilit kay Megan habang nag-aabang kami ng masasakyan dito. Kainis! 

"Hindi nga kase pwede Wends! Kailangan na nating matapos yung draft ng Chapter 3 diba? Mas maganda kung magkasama tayong gagawa!" sagot niya sa akin. Napatampal ako sa noo.

"Si Nate? Paano si Nate? Diba ka-group din natin siya?" tanong ko ulit. Para nga kaseng ayokong pumunta ulit kina Megan. Tapos kasama pa namin 'tong si Eros na ang tahimik na naman dito sa isang tabi. 

Hay. Minsan hindi ko rin talaga maintindihan ang totoong ugali nitong pinsan ni Meg eh. Minsan ang tahimik, minsan makulit, minsan mabait pero madalas masungit! 

Pero parang sa akin lang naman...

Napakamot na si Meg sa buhok niya. "Eh absent nga si Nate kanina diba? Bukas na lang natin patulungin. For now, punta tayo sa amin then ihahatid ka na lang pauwi ni Kuya" 

"What?!"

Hindi na nakasagot si Meg dahil may dumaan nang jeep sa harapan namin. Hinila na niya ako para sumakay. I glanced at Eros at nakita kong nakasunod lang siya sa amin. May suot-suot na earphones, naka-jacket na gray (as usual) with hood. Parang wala namang pakealam sa pinag-uusapan namin ni Meg. I doubt kung naririnig niya yung pinagsasasabi namin eh naka-earphones siya.

"Dali na Wends!" 

"Eto na nga!" sagot ko at umakyat na rin. Sakto na dun sa malapit sa babaan yung bakante. Umupo ako katabi ni Meg pero nagulat ako nang umupo naman si Eros dun sa sahig ng jeep. Dun mismo sa daanan!

"Huy!" sinubukan ko siyang sitahin pero mukhang hindi naman niya ako naririnig. I stared at Meg in bafflement. Then itinuro ko si Eros.

"Seryoso? Umuupo siya diyan?" tanong ko. Well...it's just that Eros, hindi siya yung mukhang uupo sa sahig ng jeep sa unang tingin. Though sumasakay naman siya ng jeep. Mukha naman kaseng mayamanin ang itsura at dating niya.

"Ha? Si Kuya? Okay lang yan. Hindi yan maarte" simpleng sagot ni Meg. Napataas naman ako ng kilay. Hmm. That's... interesting.

All throughout the ride hindi nagsalita si Eros. Nag-text na lang ako ulit kay Kuya na dumiretso ako kina Meg para sa thesis namin. When he asked kung paano ako uuwi at kung may maghahatid ba daw sa akin, I unconsciously stared at Eros who's back was facing me.

I reluctantly typed a reply.

To: Kuya Lance

Meron...ata. Don't worry about it, Kuya.

---

Hindi ko na nahintay pa ang reply ni Kuya dahil bumaba na kami. Medyo madilim na ang paligid dahil almost 5:45 pm na. Habang papasok kami dun sa village nila, pinauna kami ni Eros na maglakad habang nasa likod namin siya.

Parang déjà vu. Naalala ko yung first time na pumunta ako dito kina Meg. Tatlo lang din kami noon kasama si Nate. Yun din yung first time na nakilala ko si Eros.

I can still remember the way he stared at me that time. It was a mixture of shock, confusion, maybe even longing? And...pain. Kahit ilang buwan na ang nakakalipas, hindi ko pa rin nakakalimutan.

I don't even have the slightest idea why he reacted that way. Then na-realized ko na lang na hindi ko pa naman talaga siya kilala. Ni-hindi ko nga alam kung may girlfriend ba siya o wala. 

That Guy Named Eros (COMPLETED)Where stories live. Discover now