Chapter 39 - Jealous? No Way!

2.7K 59 3
                                    


Kaysa i-stress ko ang sarili ko sa kakaisip sa mga nangyayari sa paligid tulad nung kay Shane, mas nag-try na lang akong mag-focus sa immersion ko. Ilang araw na simula nang magsimula ang batch 1 kung saan kasama kami ni Meg kaya medyo hyped-up yung weekdays namin. Nakakainis nga lang kase hindi naman kami magkasama sa workplace.

8 am yung pasok namin kaya medyo late na rin kaming nakakalabas. Bale pang-ilaw araw na namin ngayon. Pag break time namin at lunchbreak nagkikita kami ni Meg since magkalapit lang naman yung kinaroroonan namin.

Nandito kami sa kalapit na convenience store ngayon. Lunch break pa kase kaya okay lang na lumabas muna kami. Kumakain ako ng binili kong lunch in a box nang bigla akong kulbitin ni Meg.

"Uy, tingnan mo yun!" medyo napalakas ang boses na sabi niya. Yung isang staff ng store napatingin tuloy sa amin. Awkward akong ngumiti dun sa staff tapos iniwas na niya ang tingin. Haay.

"Wendy!" tawag pa rin niya na para bang urgent na tingnan ko yung nasa labas. Dahil nga sa glass wall naman ang nakapalibot sa store kaya kitang-kita ang mga nasa labas nito. Nilingon ko kung ano man yung sinisilip niya dun at nakita ko ang isang school van na nakaparada sa di kalayuan.

Napabaling ulit ako kay Meg. "Diba...yun yung school van nung band na nagpunta sa Erindale nung Oct. Fest?" tanong ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit gabi na noon at tanging yung mga ilaw na lang sa stage ang nagbibigay ng liwanag, alam kong iyon yung van na nakita ko.

Meg looked at me, her face confused. "Kaya nga! Ano kayang ginagawa nila malapit dito sa workplace natin?"

"Ewan"

"Coincidence?" tanong pa niya ulit. Muli kong ibinaling ang tingin sa labas at bahagyang napataas ang kilay ko nang may bumabang estudyante dun sa van. Isang lalake at ngayon ay papunta na siya dun sa building na pinapasukan ko.

"Wait...I think not" sabi ko habang sinusundan ng tingin yung lalake. Nang mawala na siya sa paningin ko ay ibinaling ko na ulit ang tingin ko sa pagkaing nasa harap ko. Si Meg naman ay bumalik sa pagtingin sa cellphone niya. Hindi siya nag-lunch ngayon dahil on a diet daw siya. Sus.

Mayamaya pa bigla siyang nag-taas ng tingin sa akin. "Nga pala, Wends!"

"Ano?"

"Omg! Hahaha!" biglang tawa niya na parang kinikilig habang nakatingin sa akin nang nakakaloko. Inikot ko na lang ang mata ko. Ayan na naman po si Megan. Psh.

Nakatingin pa rin siya at hindi nagsasalita kaya itinuloy ko na lang ang pagkain. Kaso...when I was about to open my mouth, bigla na lang siyang nagsalita kaya naibaba ko tuloy yung kutsara sa gulat.

"Pupunta si Kuya Eros dito mamaya" sabi niya na ngising-ngisi sa akin. Nabitin tuloy yung pagkain ko!

"Seryoso? Bakit? Anong gagawin? Saan? Dito talaga?" sunud-sunod kong tanong. Teka...kelan nga ba kami huling nagkita? Last Sunday ata?

Napatawa si Meg. "Hey Wends, chill! Hindi ka naman excited makita si Kuya 'no?" biro pa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Excited? Huh?

"Sinong excited? Not me" simpleng sagot ko. Excited daw. Bakit naman ako mae-excite, diba?

"Ah-huh. Hahaha okay, sabi mo eh" nagpipigil ang tawang sagot ni Meg. "...pupunta yon kase susunduin ako. Alam mo na, late na tayong lumalabas"

Napataas ang kilay ko. "Wow, ang bait na cousin."

"Utos kase ni Tita. Tsaka..." medyo iniwas niya yung tingin sa akin pero halatang natatawa pa rin. "...syempre, nandito ka kase"

Medyo mahina yung huling pagkakasabi ni Meg kaya hindi ko naintindihan. Ano daw?

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon