Chapter 5 - Wait, What?!

4K 142 20
                                    


"So...iha? What do your parents do for a living?" asked Tita Karyl in the midst of our early dinner. Supposedly ay hanggang 5 pm lang kami dito pero dahil ang tagal namin bago nag-come up sa matinong topic kaya ayun, halos 5:30 na pero nandito pa rin kami. Tita invited us to have dinner first before we go.

I reached for a glass of water and drank. Pagkatapos ay mabilis kong ipinunas ang dala kong panyo sa bibig ko. "Uhm...si Papa po ay isang bank branch manager then...si Mama naman ay busy sa online business"

Tita Karyl's lips curved into smile. "Oh. Online business? Can you then give me your mother's contact info? You know, mahilig din kase akong mag-purchase online" she said. Napansin ko na medyo may pagka-singkit pala siya. Ang puti rin ng balat niya. For sure maganda siya nung kabataan niya.

Napangiti na lang ako.

"Sure, Tita"

Sinimulan ko nang ubusin ang natitirang pagkain sa pinggan ko habang si Nate naman ay kakatapos lang kumain. Tita's also asking him a few questions pero ang tipid niya sumagot. Ang tahimik talaga neto.

Mula dito sa kusina ay naririnig namin ang boses ng magkapatid sa terrace. Hindi namin kasabay mag-dinner sina Meg at Blaze dahil kanina pa sila naunang kumain. Isang palatandaan na kambal talaga sila. Parehas silang matakaw eh.

"Oh, Eros iho? Kumain ka na ba?" narinig ko na tanong ni Tita na ikinalingon ko. Saglit akong natigilan nang makita ko yung pinsan ni Meg na pumasok sa kusina. He walked towards the ref at kumuha ng tubig. I noticed na nakapagpalit na siya ng damit. Agad akong napaiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

"Later, Ma. I'm not yet hungry" narinig kong sagot niya. Iniwas ko na ang tingin ko at muli akong nag-focus sa natitirang piraso ng beef steak sa plato ko. I opened my mouth and took a bite.

"'Okay, then...can you drive Wendy and Nate home, iho? You can use your Dad's car" biglang sabi ni Tita kaya agad na nanlaki ang mata ko at muntikan na tuloy akong mabulunan. Parang na-stuck ata sa lalamunan ko yung steak!

"E-ehem! Ehem!" I immediately grab the glass of water in front of me. Mabilis kong inubos ang laman ng baso at pagkatapos ay medyo hinihingal ko itong ibinaba sa table. Napatingin sa akin lahat ng nasa kusina.

What the heck?

"Are you alright, iha?" tanong ni Tita Karyl at concerned na nakatingin sa akin. Nakatulala naman sa akin si Nate pero mayamaya ay nag-abot siya sa akin ng tubig. Sa peripheral vision ko, I saw Eros gazing at me.

"O-okay lang po. Medyo nasamid lang. Hehe" sagot ko na lang. I mentally face palmed. Wendy naman.

"Nako magdahan-dahan ka lang, iha" nangingiting komento ni Tita. "By the way, kanina ko pa 'tong iniisip pero...I think you remind me of someone"

"Po?"

Tita Karyl focused her gaze on me. "Ah, right! You kinda look like C-"

Hindi na naituloy ni Tita ang balak niyang sabihin nang biglang lumapit sa amin si Eros. Sakto pang sa tabi ko siya pumwesto kaya medyo sumagi yung braso niya sa balikat ko.
Narinig ko siyang bumuntung-hininga.

"Ma, it's getting dark. I'll drive them home" sabi niya pagkatapos ay tumalikod na rin siya at naglakad palabas ng kusina. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpunas na ako ng bibig ko. Nate stood up kaya tumayo na rin ako.

"Ah...sige po. Mauuna na po kami. Thank you po sa dinner" paalam ko. Nagpasalamat na rin si Nate at naglakad na kami palabas.

Nadatnan namin sina Blaze at Meg sa labas ng bahay. Bahagya lang tumingin sa akin si Blaze bago muling ibinalik ang tingin sa laptop niya. Hindi naman kase kami masyadong close nitong kambal ni Megan.

"Oh? Uuwi na kayo?" tanong ni Meg sabay tingin sa amin ni Nate. Sasagot na sana ako nang makita namin ang paglabas ni Eros. May hawak-hawak siyang parang car keys na pinapaikot niya sa daliri niya. Nakasuot na rin siya ngayon ng hoodie.

"Tara" sabi niya. Bahagya pa siyang tumingin sa akin pero agad din niyang inalis yon at dumiretso na sa may garahe. Sumunod naman kami sa kanya.

"Uy sige, ingat ah. Bukas na natin ulit pag-usapan ang topic" pahabol ni Meg. Tumango na lamang ako at sumunod kay Nate pero napatigil ako nang may ibulong pa sa akin si Meg.

"Uy! Nakita ko yun" sabi niya. Parang nang-aasar yung boses niya kaya napakunot-noo tuloy ako. Pinagsasasabi nito?

"Ang alin?"

"Yung pasimpleng tingin sayo ni Kuya. Yieehhh" pang-asar pa nito. Napailing-iling na lang ako.

"Lol sinasabi mo? Baliw 'to" sagot ko na lang. Hindi ko na pinansin pa ang pang-aasar niya at dumiretso na ako sa kotse. Moments later, Eros was driving us home.

Hay. Si Megan talaga.

***

The ride was simply awkward. I mean, I was the only girl in the car. Pero hindi naman sa nag-iisip ako ng masama. I know naman na safe ako pero kase I'm with two guys, yung isa tahimik at yung isa...duh. Mukhang masungit eh. Ang tahimik tuloy sa byahe.

I stared outside the window. Unti-unti nang kumakalat ang dilim. Mag a-alas-sais na rin kase ng gabi at sure akong hinahanap na ako sa amin. Sure din akong nasa bahay na si Kuya. Hindi pa naman ako nakapag-paalam sa kanya.

"Sinong unang bababa?"

Napalingon ako sa tabi ko nang marinig kong magsalita si Eros. Or Kuya Eros kase mas matanda nga pala siya sa akin. Nasa passenger's seat pala ako at nasa likod naman si Nate.

"Huh?" I absentmindedly utter kaya sandali siyang napasulyap sa akin. Kitang-kita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya nang tingnan niya ako.

"Sabi ko, sinong unang bababa?" he asked again bago muling ibinalik ang tingin sa daan. Napabaling ako sa likod kaya biglang nagsalita si Nate.

"Uh...I'll get off first. Magkaiba nga lang ng way ang sa amin ni Wendy" saad ni Nate. Pagkatapos non ay itinuro niya na ang way papunta sa kanila. Hindi na rin naman ulit umimik ang katabi ko.

Psh. Ang sungit naman.

Makalipas ang ilang minuto ay binabaybay na namin ang daan papunta kina Nate. Umikot pa kami dahil hindi dito yung way galing kina Meg pero mas malapit pa rin yung kanila kumpara sa amin kapag galing doon. Siguro kaya siya ang pinili ni Meg na ka-group namin para magkakalapit lang kami.

Tumigil ang sinasakyan namin sa isang bahay na may malawak na lawn. Nate mumbled a soft 'thank you' bago ito bumaba ng sasakyan. Pagkababa niya, na-realize ko na lang na mas medyo naging awkward yung atmosphere.

Kuya Eros started the engine and we're off again. Hindi na ulit siya umimik pa kaya hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kausapin. Kase naman, paano niya malalaman kung saan ako ibababa diba?

"Uh...K-kuya. Dun ako sa next village" panimula ko. I got no response though.

After a minute or two ay nasa village na namin kami. I managed to tell him where to stop nang matanaw ko na ang bahay namin. Pagkatigil ng sasakyan ay sumilip muna ako sa bintana. I saw my brother leaning against our gate at mukhang hinihintay ako. Bumaba na ako ng sasakyan.

Napaayos naman ng tayo si Kuya nang makita ako. "Wends? Ba't ngayon ka lang? Ba't ang tagal mo? Sino yang kasama mo?" sunod-sunod niyang tanong. Halos hindi na nga niya ako pagsalitain.

"Kuya-"

"Boyfriend mo ba yan? Ba't di ka nagsasabi?"

"What? No-"

"Pababain mo nga ya-"

Hindi na natapos pa ng Kuya ko ang sinasabi niya nang biglang bumukas ang pinto ng kotse at lumabas ang pinsan ni Meg. Nang humarap ito sa Kuya ko ay bigla na lang silang nagkagulatang dalawa.

Okay...

"Wait... Lance?" tanong ni Kuya Eros na nakakunot ang noo. Napabaling tuloy ako sa Kuya ko na ganoon din ang ekspresyon. Teka...magkakilala ba sila?

"Eros?...

Boyfriend ka ba nitong kapatid ko?" Kuya Lance suddenly asked. Agad-agad na nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko ang sinabi niya.

Wait, what?!

---

That Guy Named Eros (COMPLETED)Where stories live. Discover now