Chapter 9 - Punishment

3.4K 119 15
                                    


"Miss Salazar, you have a good record since last year so I didn't expect students like you to cut class. Bakit mo ginawa yon, iha?"

Napahigpit ang kapit ko sa hem ng palda ko habang nakatingin kay Mrs. Lee na kasalukuyan kong kaharap ngayon sa guidance office. Wala na akong nagawa nang pabalikin niya ako kanina sa loob ng University noong nahuli niya ako sa labas. Kainis! Wrong timing naman ang pagtakas ko. Minsan na nga lang hindi pa successful.

Hindi agad ako nakasagot kaya mas lalo atang tumaas ang kilay ni Mrs. Lee. Mas nagmumukha siyang intimidating pag ganitong kaharap ko siya ng mas malapit tapos idagdag pa yung napakatingkad na kulay ng lipstick niya at yung malapad niyang salamin. Parang anumang oras sisigawan niya ako.

I shifted my gaze sideways. Mukhang wala akong choice kundi magsalita. Kaso...ano nga bang sasabihin ko? Na nagcut-class ako dahil sa hindi ko kayang makita ang ex ko matapos niyang harap-harapang makipaghalikan sa bago niya sa harap ko? O dahil sa nabadtrip ako sa assumerong pinsan ng kaibigan ko? Nah...not a valid reason. Tsk.

"I'm asking you, Miss Salazar" narinig ko ulit na sabi ni Ma'am. I can sense a hint of irritation in her voice but it seems like she's holding it back. Huminga muna ako ng malalim bago ko dahan-dahang iniangat ang ulo ko para salubungin ang tingin niya.

Okay, Wendy. Inhale...exhale.

"I apologize for my actions Ma'am. I...I'm just....I'm just too preoccupied. I felt a little suffocated so I opted to find ways to breathe. My reason is a little personal, Ma'am. I hope you understand" I answered quietly while maintaining my eye contact. Lumipas ang halos tatlong segundo bago nag-react si Ma'am. Her lips twitched. I don't know if she's smirking or what. Tinitigan niya pa ulit ako bago niya ibinaling ang tingin sa records ko na nasa table niya.

"Personal reason, huh? Hmm..." tumango-tango pa siya habang sinasabi yan. Hindi ko tuloy alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Pero base sa reaction niya ay mukhang naiintindihan niya naman ang ibig kong sabihin.

"Very well, Miss Salazar. I do understand that teenagers like you nowadays are facing a lot of issues. Teen angst and all that. Pero iha,..." Mrs. Lee relaxed her shoulder then she stared directly at me. "...what you did is still an offense to the University's rules. Kaya I do hope na handa kang harapin ang consequence ng ginawa mo"

Napatango na lang ako sa sinabi niya. Wala na rin naman akong magagawa eh. Hay. I shouldn't have done that in the first place. Kainis naman kase eh! Bakit ba kase ang dali kong magpa-apekto sa mga ganung bagay?

Mrs. Lee just gave me a slight nod. "Sige. Hindi ko na ipapatawag ang parents mo but I'll inform your adviser about it. And as for your little punishment..."

Punishment? Argh!

Kinuha ulit ni Ma'am yung school records ko at nag-scan sa mga yon. Mayamaya ay napatango-tango na lang siya. Mukhang nakaisip na siya ng ipapagawa sa akin.

"...isa ka palang Photojournalist last year sa school publication? Tamang-tama. Naikwento sa akin ng school paper adviser niyo na malapit na kayong mag-release ng issue ngayong sem. Ano kaya kung i-document mo ang University band natin? Isa rin sa concern ng principal natin na wala daw masyadong exposure ngayon ang Before Dawn. Tamang-tama na rin na kapatid mo ang isa sa kanila diba? Lance Salazar, right?" tanong pa niya. Napakurap-kurap na lang ako at pilit na iniintindi ang sinasabi ni Ma'am.

Ako talaga ang magdo-document sa Before Dawn? At paano niya nalaman na kapatid ko si Kuya Lance?

Mukhang nabasa ni Ma'am ang iniisip ko kaya agad siyang nagsalita. "It's here in your record. Anyway, can you do it, iha?" tanong pa nito.

Kahit medyo hindi pa ako sigurado ay tumango na lang ako. "P-po? Ah...O-opo."

"I'll inform your school paper adviser na iyon na ang ibigay sayong task. Actually parang hindi nga siya punishment sayo dahil task niyo naman talaga ito. But since first offense mo pa lang naman ito kaya hindi na kita masyadong pahihirapan, iha. But please don't do it again. Okay?" sabi pa nito habang nakatingin sa akin.

Argh! Seryoso ba 'to?!

Napabuntung-hininga na lang ako. "Okay po. Sorry po ulit"

***

Pagkalabas ko ng guidance office ay diretso ako sa students' park sa loob ng University malapit sa may College building. I texted Meg about what happended at sinabi kong dito ko na lang siya hihintayin para mahiram yung notes niya. It's almost 3 pm. May ilang minuto pa bago ang dismissal namin ngayong araw.

Napahawak na lang ako sa sentido ko pagkaupo ko sa bench. Ano ba yan? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana hindi na lang ako nag-cut class. Yan tuloy magpapaka-active pa ako sa publication. Wala na sana akong balak ngayong year eh.

Tsaka grabe! Hassle na naman yon. Ibig sabihin ba kailangan nandoon ako pag may mga practice sina Kuya para makuhanan ko sila ng pictures? Edi ibig sabihin...

"Hoy Wends!"

Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si Thea na naglalakad papalapit habang may bitbit na namang Science book. Kasunod niya si Tanya na may inaayos pa sa shoulder bag nito.

"Oh? Ba't ang aga niyo lumabas?" tanong ko nang makalapit sila. Medyo hinihingal pa sila ng makarating sa pwesto ko. Ang layo ba naman kase ng 4th floor eh.

Mabilis na umupo si Tanya at naglabas ng suklay. "Early dismissal. May meeting daw kase..." sabi niya habang inaayos ang wave ng kanyang buhok. Mayamaya ay humarap ulit siya sa akin. "...what happened to you? Akala namin nasa labas ka na?"

"Oo nga Wends! Nadaanan namin si Meg sa 3rd floor kanina. Nahuli ka daw ni Mrs. Lee? I supposed nakita ka niya sa labas kanina 'no?" tanong pa ni Thea. As usual tama na naman siya.

Tumango ako. "Hindi ko naman alam na nasa labas pala si Mrs. Lee. Kung alam ko lang edi sana..."

"Edi sana pumasok ka na sa klase?" singit ni Tanya. Napailing ako.

"Hindi. Edi sana dito na lang ako tumambay. Psh." sagot ko naman. Ba't nga ba hindi ko na naisip yon? Ah...kase nga dahil dun kay Eros. Nabwisit ako eh.

"Huy Flare!" narinig ko na tawag ni Thea kaya napalingon ako sa tinitingnan niya. Nakita ko si Flare Jane na naglalakad paalis na sana pero nang mapalingon siya sa amin ay bumaling na siya. Napansin ko ang nakabusangot niyang pagmumukha nang makalapit siya sa amin.

"Anong mukha yan, Saavedra?" agad na bungad ni Tanya pagkaupo ni Flare sa tabi ko. Mukhang hindi na naman maipinta ang itsura ni Flare. Parang maghahamon na naman siya ng away kaya medyo nagulat ako nang bumaling siya sa akin.

"Akala ko umuwi ka na Wendy? Ba't narito ka pa?" tanong niya.

"A-ah...si Mrs. Lee. Nakita ako sa labas eh. Teka...Flare ano na namang nangyari sa'yo?" tanong ko naman pabalik. Pag ganito ang itsura ng isang 'to for sure may nambadtrip na naman sa kanya.

As if on cue, mas lalo atang sumama ang timpla ng mukha niya. "Leche kase yang kambal ni Megan! Hanep! Mang-aagaw ng spotlight! Lagi na lang section nila yung magaling! Edi wow! Sila na!" sunod-sunod na sigaw niya. Napatingin na nga sa amin yung ibang nasa paligid kaya pinakalma pa namin siya.

"Ano na namang ginawa sa'yo ni Blaze?" tanong naman ni Thea nang umayos na si Flare. Parehas kaseng nasa HUMSS sina Flare at ang kambal ni Meg. Yun nga lang, section 2 ang kaibigan namin while section 1 si Blaze. Ewan ko din kung anong meron sa dalawang yon. Baka section rivalry. Or maybe not. Ewan.

"Peste. Ayoko nang marinig ang pangalan ng freak na yan" tanging sagot ni Flare. Magsasalita pa sana ako nang mapatingin ako sa may kaliwa. Kung kanina si Flare lang ang badtrip, parang ngayon pati ako na rin.

Eh kase naman. Nakita ko si Megan na naglalakad papunta sa amin. Kaya lang bakit?

Bakit niya kasama ang assumero niyang pinsan na si Eros? Bakit siya papunta dito?!

---

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon