Chapter 17 - Hera and Athena

3.3K 115 21
                                    

Mga ilang minuto na ang nakakalipas mula nung sumakay kami ng jeep papunta kina Meg pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapagsalita. Eh paano ba naman kase...ang awkward.

Okay, pinipilit ko naman na wag mahiya dito kay Eros pero ewan ko ba! May mga pagkakataon pa rin na nahihiya ako sa presensya niya tulad na lang ngayon.

Narito kami parehas sa pinakaunahan ng jeep, yung katabi ng driver. Wala na kaseng space kanina dun sa loob at since medyo nagmamadali na din kami kaya dito na kami pumwesto. Dahil nga medyo masikip din dito kaya hindi maiwasang magdikit yung braso naming dalawa. Psh. Ewan ko pero hindi ako mapakali.

Nagulat talaga ako kanina nung makita ko siyang ngumiti. Kahit konting-konti lang yon at halos ayaw pa ngang ipahalata, medyo big deal pa rin sa akin kase first time yon. Isa pa nga pala...first time niya rin akong tinawag sa pangalan ko kanina.

Pakiramdam ko tuloy ang weird ko na. Kase...aaminin ko na napangiti din ako nung marinig ko ang pangalan ko mula sa kanya. Almost two months na naman kase kaming magkakilala
pero kanina niya lang talaga ako tinawag na 'Wendy'. Iniisip ko tuloy...ba't kaya ganon ang trato niya sa akin? O baka naman napa-paranoid lang ako? Psh. Ewan!

Tumagal pa ng ilang mga minuto ang byahe namin hanggang tumigil ito sa may babaan papasok sa village nila. Naunang bumaba si Eros kaya sumunod na lang ako. Grabe. Hindi niya pa rin ako kinakausap. Feeling ko mapapanis ang laway ko dito kaya naglakas-loob na akong magsalita habang nakasunod sa paglalakad niya.

"U-uh...pwede na ba kitang ma-interview?" medyo mahina ko pang sambit. Hindi ko nga alam kung narinig niya dahil tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Hmp! Kainis! Ang arte-art–

"Ayoko"

I stopped abruptly when I heared him speak. Tsk. Ano pa nga bang ine-expect ko sa isang 'to? Eh lagi namang 'ayoko' ang sagot niya sa akin. Halos ilang beses ko nang sinubukan pero ayaw pa rin niya. Huhu ano bang dapat kong gawin?!

"Wends!"

Napaangat agad ako ng tingin nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Megan. That's when I realized na nasa harap na pala kami ng bahay nila. When I glance at Eros, I saw him going inside their house already. Shet. Kanina pa ata akong nakatulala dito.

Dali-dali na akong pumasok at lumapit kay Meg na kasalukuyang nakaupo sa labas ng bahay nila. "Buti naman at sumama ka" bungad niya sa akin na ngiting-ngiti. Pansin ko na medyo maputla nga siya. Nakasuot din siya ng jacket. Hay. May trangkaso nga ang bruha.

"Nagulat nga ako nung nag-text yang pinsan mo. Ba't ba pinasabay mo pa ako dun? Pwede naman ako magpunta dito mag-isa" sambit ko naman pagka-upo ko. Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang mga notes ko kanina.

Napansin ko na medyo tumahimik si Meg kaya ibinaling ko ulit ang tingin ko sa kanya. "Anong nakakatawa? Ba't ganyan ka naman makangiti ha?" I asked. Umiling-iling lang naman siya. Hay. May sapak na din ba 'tong si Meg?

"Wala. Anyway, picturan ko na lang yang notes. Yung thesis na muna gawin natin" sabi niya naman na tinanguan ko.

"Oo nga. Sige gaw–"

"Megan! Dito kayo kumain ng dinner!"

Naputol ang aking pagsasalita nang isang babae ang sumilip at sumigaw mula sa kabilang bahay. Mayamaya ay lumabas ito at naglakad papunta sa amin. Okay? Pupunta din pala dito, ba't kailangan pang sumigaw?

"Kaklase mo?" tanong nung babae pagkalapit. Ang ganda niya pala. Long wavy hair at medyo may pagka-singkit. Maputi rin ang kutis. Napansin ko ang paglipat ng tingin niya sa akin at ang saglit na pagtigil nito na para bang kinikilatis ako.

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon