Chapter 40 - Date Him Instead

2.6K 76 9
                                    


"Hindi. Hindi talaga"

Ilang beses pa akong napailing habang nakaharap sa full-length mirror dito sa kwarto ko. It's a brand new morning. Ngayong araw na ang balik namin sa Erindale after two weeks of immersion. Sa loob ng dalawang linggong yon marami rin akong natutunan. Like, how to behave at your workplace, respect your seniors, be mindful of the deadlines and workloads. Syempre kasama na rin doon ang pakikisama sa mga kasamahan sa trabaho.

Napatingin muli ako sa repleksyon ko. A memory of what happened a few days ago crossed my mind. Napaupo ako sa katabing kama at ipinikit ko ang aking mata. Oh please. Why won't it leave me?!

Si Eros. Nakakainis siya. As in ugh! Nakakainis!

Hanggang ngayon kase lagi ko pa ring naiisip yung sinabi ni Meg nung time na unang nagpunta si Eros para sunduin siya. Yun rin yung time na nakita niya kami ni Bien na magkasama.

"Told you. Nagseselos yan"

Dahil dun sa bwisit na sinabing yon ni Meg hindi na tuloy ako masyadong makapag-concentrate. Tapos dumagdag pa yung si Eros! I mean...hindi ko naman sana talaga seseryosohin yung bagay na yon pero kase...pero kase after that day, hindi na ulit siya bumalik. Sinisi pa ako ni Meg kase wala na siyang kasabay pauwi.

Tapos eto pa!

He blocked me on Facebook! As in nakakaloka siya!

Grabe. Hindi ko alam kung anong sapak niya pero nung i-try kong i-message siya (okay, hindi ko talaga alam kung bakit ko ginawa yun) ay nalaman ko na lang na blocked na pala ako. Argh! Ang arte niya ah.

Inisip ko kung anong pwedeng dahilan at ginawa niya yon but it all comes down to that. Yung 'nagseselos' thing lang yung pumapasok sa isip ko.

Uh. It doesn't even make any sense, does it?

Kase...kase wala namang dahilan para magselos (shocks!) siya. Boyfriend ko ba siya? Diba hindi naman? Tsaka wala naman akong ginagawang masama eh.

Luh.

Kaya hindi talaga. "Hindi. Hindi yon totoo"

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto kaya agad akong napalingon. Nakasilip si Mama mula sa labas.

"Aba Wendy, anak! Ba't hindi ka pa lumalabas diyan? Mali-late ka na!"


Dali-dali na akong lumabas ng bahay at nag-abang ng jeep. Malapit na akong ma-late pero ayaw ko munang mag-bus. Baka kase mamaya may makasabay na naman akong....uhm. Psh.

Mga 5 minutes bago mag-time nung dumating ako sa classroom. Napatingin sa akin si Meg pati si Travis. Then naalala ko. Shoot. Yung thesis nga pala namin!

"Wow. Late ka na naman nagising?" tanong sa akin ni Meg pagkaupo ko. Inayos ko ang bag at naglabas ng notebook na pinagsulatan ko ng ilang drafts ko sa thesis namin. Lumingon ako kay Travis pero itinaas niya lang ang hawak niyang...flashdrive? Great. Mukhang may softcopies na!

"Huy"

"A-ahm...medyo late nga akong nagising" sagot ko na lang kay Meg kahit ang totoo...one hour earlier than the usual pa nga nung bumangon ako. Tsk. Eh kase naman!

Hindi na nag-komento pa si Meg. Mayamaya nagsimula na rin yung klase namin. Nung dumating yung Inquiry subject namin lumapit ako kay Travis at sabi niya almost done na sa Chapter 2. I almost sighed in relief.

Lunch time nang pumunta kami sa canteen. Ngayon lang ulit kami magkakasama-sama kumaing lima. Sa isang araw kase yung iba naman yung aalis para sa batch 2.

That Guy Named Eros (COMPLETED)Where stories live. Discover now