Chapter 33.1 - October Fest (Part 1)

2.5K 70 3
                                    

It's already 6 pm.

For the third time, I looked at myself in front of the mirror. I'm wearing a short denim skirt, a light pink tee and a pair of white doll shoes. The only accessories I am wearing was a pair of pearl earrings and a wristwatch. Simple lang din ang make up ko. I just put on a little foundation and lipstick. Tapos yung buhok ko, itinali ko na lang ng ponytail. Kaso yung side swept bangs ko...

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nakita ko si Mama na pumasok. Ngumiti siya nang makita ako.

"Hi, Ma" bati ko. Lumapit sa akin si Mama at parehas naming tiningnan ang repleksyon namin sa salamin.

"You look beautiful, anak" sabi ni Mama. Yung tingin niya parang hindi siya makapaniwala na ganito na ako kalaki at katanda. Parang dati lang naglalaro pa ako ng lupa sa damuhan eh.

Napatawa ako. "Ma, kanino pa ba ako magmamana? Syempre sa'yo!" sagot ko naman. Mas lalo lang tumawa si Mama. Kinuha niya yung suklay sa ibabaw ng katabing cabinet at sinuklay yung likod ng buhok ko.

"Ikaw talaga, Wendy. Hay. Ang laki-laki mo na at ang ganda. May nanliligaw na ba ulit sa'yo, anak?" tanong ulit niya. Nanlaki ang mata ko at napalingon.

"Ma naman!"

"Haha! Biro lang naman, anak" sabi niya at ibinaba yung suklay. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "...pero kung meron man, payag naman kami. Basta 'wag papabayaan ang pag-aaral ha? Nako malilintikan ka sa amin ng Papa mo pag nabuntis ka nang maaga!"

Mas nanlaki ata yung mata ko. "Ma! Buntis agad? Hindi naman ako ganon 'no! Tsaka...wala naman po ulit na nanliligaw" sagot ko. Eh wala naman kase talaga. Psh.

Napangiti si Mama. "O, sya. Tara na sa baba at naghihintay na ang Kuya at Papa mo. Pero bago yon..." may kinuha si Mama sa bulsa niya. Nakita ko ang isang blue rectangular box mula sa repleksyon ng salamin. Binuksan niya iyon at tumambad sa paningin ko ang isang gold necklace. Kinuha ito ni Mama at nakita ko ang pendant...

"Eh?! Hello Kitty talaga, Ma?" tanong ko. Eh yun kase yung nasa pendant eh! Yung ulo ni Hello Kitty na kulay gold!

"Eh bakit? Favorite mo kaya 'to nung bata ka. Tanda mo noong 6 years old ka inaaway mo pa yung pinsan mong si Catherine dahil dun sa nasira niyang Hello Kitty mo?" sabi naman ni Mama. Catherine?

"Eh ang tagal na po nun. Hindi ko na matandaan" sagot ko na lang. Sino nga yung si Catherine? Medyo hindi ko na siya maalala.

Pinatalikod ulit ako ni Mama at isinuot sa leeg ko yung kwintas. "O, eh ayaw mo ba?" tanong niya ulit.

Mabilis akong umiling. "Hindi po. Kayo naman. Thank you, Ma" sagot ko tsaka ko hinalikan si Mama sa pisngi. Yinakap naman niya ako.

"Happy 18th Birthday, anak"

Pagkatapos ng kadramahan namin ni Mama ay lumabas na kami sa kwarto. Dala-dala ko yung sling bag ko nang salubungin kami ni Papa. Waaaa! Nandito talaga si Papa sa birthday ko!

"Ang ganda naman ng dalaga namin" proud na proud na sabi ni Papa. Suot niya pa rin yung polo niya. Nag-undertime lang kase siya sa work.

"Thank you, Pa" sabi ko sabay ngiti. Kaso dumating na si Kuya galing dun sa kwarto niya. Hala ang pogi ng Kuya ko. Nakasuot siya ng black long sleeve polo at denim pants. Naka-gel din yung buhok niya. Bitbit niya na sa balikat yung gitara niya.

"Hoy Kuya!" tawag ko. Tumingin naman sa akin si Kuya at ngumisi. "...dadami na naman ang brokenhearted sa'yo" biro ko pa.

"Tss. Alam ko, bunso. Sa gwapo ko ba namang 'to!" sagot niya naman. I just rolled my eyes. Yabang!

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon