Chapter 34 - The Warning

2.7K 64 4
                                    


"Argh! Stop na please! Ayoko naaaa!" inis kong sambit sa sarili ko habang pabiling-biling ako sa kama. Kanina pa akong hindi mapakali dito. Or...actually, nung isang araw pa talaga akong ganito. Eh kase naman! What can I do? I just can't seem to get it out of my head!

I hugged the pillow beside me and buried my face onto it. Pero parang paulit-ulit pa ring nagre-replay yung gabing yon. Ugh! Yung gabi ng October Fest! Noong birthday ko! Noong kinantahan ako ni–

Napasapo ako sa ulo ko. Ayan na! Naaalala ko na naman!

"Argh! This is hopeless!" I grumbled as I got up. Nasa kwarto ako ngayon at nandito sa kama ko. Nagsimula na ang one week sembreak namin kaya tengga na dito sa bahay. Naturally, dahil wala akong ibang schoolworks na pinagkaka-abalahan kaya mas marami akong time para maisip yung nangyari a few nights ago. Goodness! Bakit ba kase ginawa ni Eros yon?!

Sumandal ako sa headboard ng kama ko. Itinaas ko ang binti ko at ipinatong ang ulo sa tuhod. I kept telling myself that it's no big deal. Kase parang wala lang din naman sa kanya eh. I remember after niyang gawin yon, umakyat na ulit siya sa stage and the performance continued.

Ganun lang. Nang komprontahin ko nga siya after nung performance nila, sinabi niya lang na it's part of the show. As in...maswerte lang ako at ako yung may birthday that time.

Geez.

Pero hindi sila maayos ni Kuya ngayon. Nagalit kase si Kuya Lance dun sa ginawa niya kaya ayon, mukhang hindi muna sila nag-uusap. Well, that serves him right. Ang shocking ba naman kase nung ginawa niya!

Tsaka isa pa, simula nung gabing yon pakiramdam ko naging weird na rin ako. Eh kase naman! Everytime na naaalala ko yung tingin niya nung gabing yon, the way he smiled at me, the way he said my name....

Ewan ko kung bakit pero napapangiti na lang ako basta. O baka naman nababaliw na ako? Baka nahawa na ako sa ka-wirduhan niya?

"Ugh! Stop thinking about him, Wendy!" I told myself. Halos masabunutan ko na ang buhok ko sa frustration. Grabe naman eh. Talagang ginawa niyang memorable yung 18th birthday ko. Memorable in a shocking, heart-flattering kind of way.

Napalingon ako sa table sa gilid kung saan nakapatong ang phone ko. Kinuha ko ito at nag-type ng message. A group message to be exact.

To:

Boring sa bahay. Gala tayo?

---

I sent the message to my four friends. Hopefully free sila ngayon. Feel ko kaseng mag-gala muna. Nakakatamad na sa bahay eh.

Few minutes have passed before my phone vibrated. Agad ko itong kinuha. Nag-reply na si  Meg.

From: Meg

Sure! Saan tayo?

---

Napangiti na lang ako. Si Meg talaga.

Magta-type pa lang sana ako ng reply nang mag-text naman sina Thea at Tanya. Halos sabay lang dumating yung mga text nila.

From: Thea

Sure! Wala naman akong binabasa ngayon eh 😊

---

From: Tanya

I'm fine with it. Where to go?

--

Tumayo na ako sa kama ko at naghanap ng damit. Nag-reply muna ako ng 'kita tayo sa mall' bago ako pumuntang banyo para maligo.

That Guy Named Eros (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant