Chapter 57:Too Late

101 4 2
                                    


Edwin's Pov

Bilang kaibigan ni Isabella, Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa kanya.Bago sya umalis,May isa syang liham na binigay sa akin..

Ang sabi nya..Ipabigay ko daw Kay Hiro...

Alam ko din ang reason kung bakit Hindi din sya pumapasok.. kasee bago sya umalis,Binilinan nya ako..At nag bigay ng kung ano anong paalala.

Nanlumo ako ng malaman ko Yung tungkol sa sakit nya...Kahit papaano ay naging parte ng buhay ko ang babaeng iyon..

"Dwin,Mag iingat ka Lagi ahh!Nakoo..malaman ko lang na nag eemote emote ka dyan!!May isa kang sapak galing sakin" sabi nya sabay nakangiti ng malaki..

"Ikaw,Haha!bakit ganyan ka mag salitaaa parang nag paalaam lang?" Natatawang sabi ko.

"Nakooo,Hindi pupunta lang ako sa Maynila haha..May gagawin lang" sabi nya.

Agad nyang kinuha sa kanyang bulsa ang isang papel,Hindi ko Alam kung ano ang nilalaman nun..

"Dwin,Can I trust you with this?" Sabi nya at saka iniabot ang isang papel.

"Para saan ito?" Nakangiting sabi ko.

"Hmm??Favor sana" sabi nya.

"Sige ano ba iyon?" Tanong ko..

"Can you give this to someone Edwin?" Sabi nya at saka iniabot sa akin ang sulat..

"Para Kanino?" Tanong ko.

"Haha!!Bastaaa makikita mo din dyan" sabi nito,Nataka ako kung para Kanino ba ang sulat na ito.

Pagkatapos noon,Agad na syang nag paalam..

"Maraming salamat sa Lahat Edwin!!" Kumakaway kaway pa at nakangiting nakatingin.

Hindi ko aakalain na..Pag katapos ng pagkikita namin ay,Yun na ang pagluwas nila pa Maynila para pala mag pagamot..

Sabi nya may pupuntahan lang daw sya..Pero..Yun na pala..

Nagtaka nga ako nung una kasi,halos ilang linggo nung huli ko syang nakita..

Kaya dahil sa kuryosidad ko,Binasa ako ang sulat..

Nagulat ako na para pala Kay Hiro yun.Binasa ko ang nilalaman nun kahit Hindi sa akin..Kasee..Nag aalala din ako bilang kaibigan nya..

Habang binabasa yun..Nagulat ako ng mabasa Kong may Sakit sya..

Nakaramdam ako ng lungkot,At panghihinayang..

Kaya dali dali Kong kinausap si Marie at Nica..

Habang nagkukwento..Naiiyak sila pareho sa sinapit ni Isabella..Kase napaka lapit sa kanila ni Isabella.. gaya ko Hindi din nila ineexpect ang lahat ng iyon.

All this time..Hindi nya din nagawang sabihin sa akin ang tungkol doon..

One time,I saw her on the girls locker room.. Nakita ko kung paano sya Nang hina noon,Lalapitan ko na sana sya ng biglang mapansin kong..May ininom syang gamot..Akala ko noon kung ano lang yun,kaya  Hindi na ako nag bother na mag tanong..

Napag desisyunan kong puntahan si Hiro..Kailangan kong ipaalam sa kanya ito.Nakikita ko kung paano sya nagsa suffer sa nangyayari..Nararamdaman kong mahal nya ang kaibigan ko kahit Hindi nya pa yan mismo sinasabi..Kase ako msimo nagmahal na..Kaya ko sa sarili ko na hindi ako nagkakamali ng akala..

Alam Kong, gusto nilang makita ang isat isa,pero parehas Silang walang magawa.Kaya..Tutulong akong magkita sila..Gagawa ako ng paraan..Gusto ko,may magawa naman ako Kay Isabella kahit papano..

Kase para sa akin,naging mabuti syang kaibigan.karamay mo,at handa kang pasayahin kahit wala na sa kanya..Basta mapasaya nya lang ang isang tao..

Lagi nyang sinasabi sa akin,Na wag daw akong malulungkot.At sya din ang nag bigay sa akin ng puwang na walang reason para maging Malungkot pa.

Isabella, let me do this things to you..I know you owe me a favor..Pero hayaan mong ako naman ang gumawa lahat ng bagay na ito para sayo Isabella...

My Love From Afar ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora