Chapter 43:Sebastian Leonardo

105 5 0
                                    

Si Sebastian Leonardo ang isa sa mga pumapangatlo sa ranko ng Black Mystique Society.

Kahit Hindi sya ang kanang kamay ng Boss nila na si Ms.Black.Sya ang lubos na pinagkakatiwalaan nito kumpara sa iba pang nakakataas na ranko.

Si Sebastian Leonardo ay isang kalmadong tao, Pinagiisipan ang lahat ng kinikilos nito.Tahimik pero mapanganib.Sa likod ng kanyang maamong mukha,Ibang klaseng tao ang makikita mo kapag sya ay nakilala mo pa ng lubos.Si Sebastian ay may lihim na galit at planong pabagsakin ang tinuturing nilang lider na si Ms.Black.Sa kagustuhan nito na hindi na maging isang sunod sunuran.Kaya't ganun nalang ang paglapit nya at pursigidong makuha ang gusto ni Ms.Black para sa huli ay maisagawa na nya ang planong pagpapabagsak rito.

Mayroong nakaraan si Sebastian na syang dahilan kung bakit galit na galit sya Kay Ms.Black.Ala ala ng nakaraan na pilit nyang kinakalimutan,pero kapag nakikita nito ang isa sa dahilan ng pagkamatay nila ay kumukulo ang dugo nito at balak na tapusin ang taong iyon.Pero kailangan nyang pakaingatan ang kanyang mga kilos.Kailangan nya muna maging maayos sa tingin ng taong gusto nyang pabagsakin,saka gagawin ang planong matagal na nyang gustong isagawa.Parehas lang na gusto nya pabagsakin si Ms.Black at si Blight kaya pursigido syang makaharap ito sa tamang panahon.

Sebastian Leonardo's POV

Nandito ako ngayon sa labas ng ospital kung saan,inaabangan ko ang paglabas ni Blight.Sakay ng aking kotse.

Nang galing sya dito para ihatid ang isang Babae na mukhang napaka importante sa buhay nya.

Mahigpit kasing pinapautos ni Ms.Black na bantayan ko daw ang bawat kinikilos nya,na sya namang aking sinusunod.Kase hawak ni Hiro ang black book.Mahirap na.Mahirap ng baka bumagsak ang lahat ng pinaghirapan namin sa grupo sa isang iglap lang.Ang pinaghirapan kong palakihin at palakasin ang pwersa.Pero iba naman ang nakikinabang,Bwisit!.

Laging tumatakbo sa isip ko, kung papaano nya kaya nabuksan yun?Paano nya kaya Alam kung saan ito nakatago at kung Ano ang code nito.

Hindi kaya....Narinig nya ang pinaguusapan namin ni Ms.Black?..Tch..wrong move..Kung Hindi sana tatanga tanga ang lider na yun.Kung Hindi nya sana ginawa ang libro na iyon.Edi sana wala Na kaming hinahabol ngayon.

Naging bata ko din si Hiro sa grupo dati.Masasabi kong, magaling na sya pagdating sa pakikipag laban.Marahil kaya sya naging ganun ay nalaman nya ang lihim na plano namin sa kanya.

Ang patayin sya...

Hindi ko pa din lubos na maisip na nagtraydor sya sa amin.Hindi ko din maisip na nalaman nya ang plano namin.Sabagay..Nakuha naman na namin ang kailangan namin sa kanya.Kaya..para sa akin,isa nalang syang basura.Pero Samantalang noon ay halos sya na ang pagkakatiwalaan ng isa sa matataas na opisyal ng grupo.At yun ang kinaiinisan ko sa lahat.

Halata sa kanyang awra na sya ay nagaalala sa babaeng iyon.Hindi kaya,Maaaring gamitin ko yung babaeng iyon para makuha namin sa isang patibong si Blight?.

Kasabay ng pag alis ni Hiro sa grupo dala ang black book.Ang sya namang pagkawala din ni Black warrior. Minsan napapasagi sa aking isipan.Na baka magkasabwat silang dalawa.

Kaya ang ibang miyembro ng grupo ay pinaghahahanap din si Black warrior.Isa ding traydor at hanggal ang lalakeng iyon.Dapat talaga tinuluyan ko sya noon.

Agad Kong isinara ang bintana ng kotse at saka nagsimula ng umalis.

Dadating din ang araw na magkakaharap muli tayo Blight.

Nica's POV

"Huhuhuu,Beshyy naman ehhh!!..Bakit ka kasiii umaalis ng mag isa moo ahhh!!"Nagaalalang sabi ni Marie Kay Isabella na ngayon ay may Malay na.

Si Isabella naman kasiii ehhh..Sabi kasing tawagin kami kapag lalabas.Para masamahan namin,tuloyy ayun nawalan ng Malay sa gitna.

Medyo matamlay pa din sya.Pero tinanong namin yung doctor kanina kung okay na sya.Pero ang sabi naman nila ay stable na daw sya.

"Besh,Sigurado ka bang okay ka na talaga??Baka naman may nararamdaman ka tapos Hindi mo manlang sabihin sa amin"Tanong ko sa kanya bilang paninigurado.Magaling maglihim itong si Isabella.Pero sana wag na syang maglihim sa amin na mga kaibigan nya.

"Okay na talaga ako,he he." Sagot naman nya ng nakangiti.Tch.Kung titignan mo sya,parang wala lang sa kanya yun.

"Sure ka ah?Nakoo beshh!malilintikan ka talaga sakin,Haysss..Itong bruhang ito.Diba sabi ko,kapag may pupuntahan ka,tawagin mo kamii?"Dagdag ni Marie.Parang kapatid na din namin si Isabella,kaya ayaw naming napapano syaa.

"Opooo maamm" sabi nya at saka nag peace sign.Sa ngayon tatlo lang kaming nandito,Umuwi saglit si Tita para kumuha ng damit ni Isabella.

Kung wala pang nagsabi sa amin kung Ano nangyari Sa kanya ehh di wala na.Buti at naisugod agad,kung hindi daw agad sya naisugod agad sabi ng doctor,baka mas lalo pang lala ang mangyayari sa kanya.

Buti nalang talaga at meron lagi si Hiro para tulungan si Isabella sa ganung mga pagkakataon.

"Teka,sino ba ang nagdala sa akin dito?" Tanong ni Isabella

"Si Hiro po" sagot ko,na syang kinagulat naman nya.

"Wehhh???" Hindi makapaniwalang sambit ni Isabella

"Baliw,nakasulubong namin sya dito kanina pagkatapos kang ihatid dito sa emergency room" pagpapaliwanag ko,agad naman syang sumang ayon.

"Haysss.. si Hiro nanaman pala.Hindi ko Alam kung papaano ko sya pasasalamatan sa ngayon,Andami ko na ngang utang sa kanya eh" sabi nito.

Nakoo!napaka swerte mo nga sa Isabella at merong Hiro na laging nandyan sa oras ng pangangailangan  mo.

"Hindi manlang ako na kapag pasalamat sa kanya" sabi nito at saka medyo lumungkot ang mukha nya.Hinawakan naman namin ang kanyang braso bilang pagpaparamdam na laging kaming nandyan para sa kanya.

"Okay lang yan besh,dadating yung time na maibabalik mo din sa kanya ang lahat ng kabutihan na nagawa nya para sayo" pagpapaliwanag ni Marie sa kanya.Tama si Marie.May tamang oras para maibalik natin ang kabutihan na nagawa ng ibang tao para sa atin.

"Kaya ikaww,magpagaling ka ha??paano ka makakapag pasalamat kung nandyan ka" sabi ko ay sabay kinurot ang malambot na pisngi nito.

Sa aming tatlo,sya ang pinakabata.At ako ang pinakamatanda..Pero birth months lang ang ikinatanda namin sa isat isa.

Since Elementary palang kami na ang magkakasama,Naranasan na din namin lahat ng struggles and challenges bilang magkakaibigan.Pero...kahit  ganun,Hindi namin hahayaan na matatapos ang isang araw na Hindi kami nagkakaayos.Minsan kapag may tampuhan kami ni Marie noon,si Isabella ang gumagawa ng way para magka ayos kami.Kaya,Super thankful ako at naging kaibigan ko sya.Kahit may pagkamakulit yan,Still!Mahal na mahal namin yang babaeng yan.

"Magpagaling ka Kordapya ahh!!Nakooo lagot ka sakin kapag di kapa gumaling galing dyan" pagbibiro ko sa kanya.

"Heheh,opooo mamii!Strong kaya ako" sabi nito at saka pinakita ang kanyang muscles 'kuno' daw nya hahaha!!

Masaya kaming nagtatawanan sa loob ng kwarto nya dito sa hospital.Parang Hindi nga sya napano kanina eh..Haha parang wala lang.Nakoo!!loka loka talaga ang babaeng ito.

©Quinn_Arabells❤❤

Plagiarism is a crime..

Thank you for readingg!!!

Happy 732 reads na tayoo yeyyy!!and 46 votes!!! Hart hartttt..maraming maraming salamat sa inyong lahattt


My Love From Afar ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt