Chapter 44:BLACK WARRIOR(Revealed)

90 6 1
                                    


Hiroichi's POV

Kasalukuyan Kong inaayos ang mga gamit ko at pinark ko saglit ang motor ko.

Papasok na sana ako ng....

"Hiroichi Kenji Blight Chan" sabi ng isang estranghero sa likod ko.

Agad akong napalingon dahil doon.Napansin kong Nakasuot sya ng itim na jacket at nakasuot ng itim na cap.

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya.Dahil Hindi pamilyar ang taong ito para sa akin.

"Hindi mo na ba ako natatandaan?" Tanong nito.Hindi ako sigurado kung sino sya.Tinaas nya ang sleeve ng jacket nya at pinakita sa akin ang tattoo nya sa kanang kamay nya na

"BW"

Teka naaalala ko na..Ang taong may palatandaan ng ganoon ay walang iba kundi si Black warrior.

Naalala ko ang tattoo na yun,kasi sya ang kasama kong nagpatatto noon,Meron din akong tattoo nun Pero

"BR"

Yung nakalagay,nakalagay sya banda sa likod ko.Pero maliit lang iyon para Hindi halata.

Napangiti sya ng mapansin nyang umaayon ako sa pinakita nya.Agad ko ulit ibinaling ang tingin ko sa kanya.At agad naman nyang inalis ang kanyang cap.At nakita na ang buong mukha nya.

Sya nga..Sya nga si Kennenth Alister..O si Black Warrior..

Napangiti ako dahil doon at agad syang kinamayan.At niyakap.

Ang taong naging matalik na kaibigan ko sa loob ng grupo noon.Ang kasama Kong may hawak ng Black book.

"Hindi mo ba ako papapasukin Bro" sabi nito at saka ngumiti.Oo nga pala,Hindi namin kailangang magtagal dito sa ilabas.Lalo na't laging nakamasid ang alagad ni Ms.Black at si Sebastian.

Nang makapasok sa loob,inilipag nya ang kanyang bag.

"Kamusta na bro?" Tanong ko sa kanya.

"OK naman bro,Ikaw mukhang ibang iba ka na ah" sabi nito at saka nakangiting nakatingin sa akin.Oo malaki na ang pinagbago ko Simula nung umalis ako sa grupo.

"Hindi naman,Haha!Ikaw?kamusta ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Ayun,Okay naman kaso...Nararamdaman Kong Parang may nagmamatyag sa akin,parang binabantayan ang bawat kilos ko" seryosong sabi nito,Hindi lang pala ako ang nakakaranas ng ganun.Sya din pala.

"Matanong ko lang,Paano mo nalaman ang bahay namin??" Tanong ko sa kanya.

"Hmm?parang Hindi mo naman ako kilala Hiro haha!nang galing tayo sa grupo ng sindikato diba?At naituro din sa atin yun mga ibang techniques,Kaya ayun ginamit ko.And..Nahanap ko kung nasaan ka" Sabi nito,haha!Oo nga pala.Nakalimutan ko na kasi iyon eh.

"Ako din,parehas tayo..May mga sumusunod din sa akin gaya ng sabi mo.Nagpapadala sila ng text messages na nagbabanta,Tapos sa school sinundan din nila ako.Meron pa yung may initials na BJKL,Yung taong iyon ay muntik na akong patayin kamakailan lang.Pero isa pading misteryo para sa akin kung sino si BJKL." Pagpapaliwanag ko,Tumatango tango naman sya na mukhang naiintindihan ang ibig Kong ipahiwatig.

"Nasa iyo pa ba yung Black book?" Tanong nito.

"Nasa akin pa din yung libro" sagot ko.

"Pinagbabantaan nga nila ako na idadamay nila ang pamilya,kaya umalis muna ako sa amin.Natatakot ako na baka madamay sila"Sabi nito.

"Ako din.Pero hindi ako papayag na gawin nila iyon.Magkamatayan na Pero habang humihinga ako..Hindi ko hahayaan na may masaktan dahil sa ginawa ko." Sabi ko.

My Love From Afar ✓Where stories live. Discover now