Chapter 47:Ulan

98 7 0
                                    

A/N:Guysss..Kung may mababasa man kayong mga typo or errors sa iba pang mga kabanata..Sorry guys!!Aayusin ko sya pag may time uli ako..At napagdesisyunan kong tapusin na sya😀Maraming salamat sa pagbabasa

Isabella's POV

Pagkatapos ng madugong labanan sa pagitan Nina Hiro at ang kanyang dating mga kasama..

Nandito kami ngayon sa ospital, Inoobserbahan parin ang kalagayan ni Hiro.Okay na sya,pero hinihintay nalang namin syang gumising.

Dahil na din siguro sa mga natamo nyang sugat sa katawan at saksak sa bandang tagiliran na syang naging dahilan ng lalo nyang panghihina dahil naubusan sya ng dugo..

Nandito ang nanay ni Hiro.At inaasikaso sya.

Sa ngayon ay nandito ako sa pergola sa may hospital,Ayoko sa loob.Dahil hindi ko maatim na makita ang isang taong nahihirapan ng dahil sa akin.

Ang bigat sa pakiramdam.Nang dahil sa akin,Nangyari sa kanya ang lahat ng ito.

Napahagulgol ako ng di oras dahil sa nararamdaman ko.

"Okay ka lang ba Isabella?" Tanong ng kasama ni Hiro na si Kenneth.Tumabi sa akin mula sa pagkakaupo.

Pilit ko pa ding hinahabol ang hininga ko,Dahil bawal sa akin ang extreme emotions.Dahil yun ang isa sa dahilan kung bakit nahihirapan ang puso ko.

Pero binalewala ko yun,Gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko.

"O-okay lang ako Kenneth, wag mo akong alalahanin" utal na sabi ko habang humahagulgol.

"Isabella, wag kang malungkot.Ginusto ni Hiro na iligtas ka sa kamay nila,Ayaw nya kasing madamay ka sa laban nya.Dahil si Hiro,handa nyang isugal ang buhay nya Para sa mga mahal nya sa buhay" pagpapaliwang nito.Tinapik nya ang balikat ko dahil doon at saka lumabas muna saglit,Nararamdaman nya siguro na kailangan ko munang mapag isa.

Kasabay ng pagtulo ng luha ko,ang syang pag bagsak ng ulan mula sa kalangitan.Sinasabayan ng ulan ang pag agos ng luha mula sa aking mga mata.

Patawarin mo ako Hiro dahil sa akin nagkaganito ka.

Napayuko ako dahil sa lungkot.Lalo pang lumakas ang hagulgol ko..

At naramdaman kong,Kumirot ang puso ko..

'Patawarin mo ako,Dahil sa akin nahihirapan ka'

Sabi ko sa sarili ko habang nakahawak sa dibdib ko.Kahit nahihirapan nanaman akong huminga.

Tumingala ako sa kalangitan at taimtim na nagdasal,

'Sana po,maging okay na po si Hiro'

Hindi ko inalintana ang lakas ng ulan.Wala akong pake kung magkakasakit man ako ngayon..

Basang basang na ang damit ko,At nakaramdam na din ako ng lamig...

Yakap yakap ang sarili habang umiiyak...

Habang umiiyak at nagpapaka basa sa ulan.Napansin kong Parang Hindi na ako nababasa ng ulan...

Napatingala ako dahil doon,At napansin kong..

Pinapayungan nya ako...

Si Hiro...

Basang basa na djn sya ng ulan,Pero ako pa din ang inaalala nya..Kaya kahit may payong ay..Sa akin nya ito itinutok..

Napatayo ako dahil doon,Patuloy pa din ang pag agos ng luha sa aking mga mata...

At agad ko syang niyakap ng mahigpit..

Sya nga..Si Hiro nga ito..

Napansin kong maayos na ang lagay nya at may Malay na sya..

Napangiti ako at kasabay ng pag iyak ko..Okay na sya..Kahit pala andami ko nang nagawa sa kanya...Handa padin syang iligtas ako at bantayan kahit nanghihina na sya..

Humagulgol ako yakap yakap sya..

"Hiro,Patawarin mo ako...Sorry nang dahil sa akin nagkaganyan ka" hagulgol na sabi ko habang nanatili pading nakayakap sa kanya...Agad nyang pinunasan ang mga luha sa mata ko at tumingin ng diresto sa akin.

"Wala yun Isabella,Dahil Hanggang nandito ako.Pro protektahan kita..Hindi ko hahayaan na masaktan ka ng dahil lang sa akin"sabi nito at saka tumugon din ng yakap.

Kakaibang kasiyahan ang naramdaman ko nung sinabi nya ang katagang iyon..

Pakiramdam ko ay ligtas ako sa piling nya..Pakiramdam ko,Kakaiba na ang nararamdaman ko Para sa kanya..

Kahit pala,May sakit ka sa puso.Hindi mo maiiwasang tumibok ito Para sa isang tao.At..Pakiramdam ko,Nakahanap na ako ng rason Para lumaban pa sa kundisyon ko at mabuhay pa ng matagal.

Na hindi hadlang ang pagmamahal,Kundi ito pa ang magbibigay ng daan para masiyahan at muling mabuhay ang pusong..Matagal ng gustong sumuko.

At naramdamn kong lalo pang lumakas ang pag bagsak ng ulan..


©Quinn_Arabells

Kung nagustuhan nyo man ito.. Hit the star button below this chapter.. thank you so much








My Love From Afar ✓Where stories live. Discover now