Chapter 55:Missing You

90 4 0
                                    


Hiroichi's POV

Maaga akong pumasok ng school para magbasa at para makita na din sya..

Gusto ko ng sabihin sa kanya ang nararamdaman ko..Gusto ko ng umamin.Okay lang kahit ireject nya ako..okay lang sa akin..Basta..Masabi ko lang ang nararamdaman ko para sa kanya..

Nang makarating sa classroom..Agad akong umupo sa gilid at nakinig muna ng music sa phone.. Alam kong late lang yun haha!!

Nagbasa muna ako ng Libro..Baka mamaya hindi ko namamalayan.Andyan na yan sa gilid nakikipag chikahan sa mga kaibigan nya.Napangiti ako sa iniisp ko at saka isinuot ang earphones ko.

Dumaan ang ilang minuto...

Napalingon ako banda sa upuan nya..Pero wala pa din akong nakikitang Isabella na busy na nata type sa laptop nya.

Bakit kaya wala pa sya???..

Napatingin ako sa relos ko..

8:00 na pala.. Diba kapag ganito ay late na??Hindi naman nagtatagal ng ganitong oras yun ehh...

Haysss..Baka mamaya may pinautos lang siguro si ma'am Jiliian sa kanya..

Agad akong bumaling sa binabasa ko..Peroo Hindi maganda ang pakiramdam ko..Kaya napatingin uli ako sa gawi nya..Pero wala talaga sya..

Pilit kong wina wala sa isip ko na baka absent lang sya..Pero...pakiramdam ko ay may Mali..

Hindi ko namalayan ay andyan na pala si ma'am Jillian.

"Okay Good morning class" pag Bati sa amin ni maam

"Good morning ma'am Jillian" sagot ng lahat.

Hindi ako mapakali..Bakit wala pa sya..

Biglang nakaramdam ako ng lungkot dahil doon...

"Okay,magchecheck lang ako ng attendance" sabi nito.At saka binuklat ang kanyang class record.

"Sino ang absent??" Tanong ni ma'am.

"Maam..Si Isabella lang po ang wala" sabi ng isa naming kaklase..

"Hmm?Si Ms.Reyes,Ngayon ko lang napansin na absent sya..Kasii never naman nag absent yun eh" sabi ni ma'am..Oo nga..Never ko nakitang nag absent si Isabella..Ngayon lang talaga..At hindi ko inaasahan yun.

Nag proceed ang morning session namin ng hindi pumasok si Isabella.. Baka siguro may pinuntahan..

Uwian

Uwian ng hapon,Napagdesisyunan kong dumaan sa mga tinatambayan nya..

Nagbabaka sakaling nandoon sya..

Andito ako ngayon sa park.. Mag gagabi na din Pero hindi padin sya sumisipot doon..

Oo wala kaming usapan,pero umaasa ako na baka pupunta yun dito.

"Boy,Gusto mo ba ng ice cream?" Tanong ni kuya..Oo naalala ko sya..Sya yung pinagbilhan namin noon ni Isabella..

"Sige po kuya" sabi ko

"Cookies and cream o chocolate?"

"Cookies and cream nalang po"

Agad na syang tumakal ng sorbetes at inilagay ito sa APA.

"May inaantay ka ba iho?" Tanong nito

"Ahmm.opo ehh,kasoo baka hindi na dumating" malungkot na sabi ko habang kumakain ng ice cream.

"Ahh..Yung iha ba na kasama mo dati yung hinihintay mo?" Tanong nya.Naalala pala nya.

"Ahhmm opo" sabi ko at pilit na ngumiti.

"Nako iho,alam mo ba ang batang iyon lagi nagpupunta yun dito at suki ko pa nga yun ng ice cream eh" pagpapaliwang nya

"Ayyy ganun po ba..Mukhang Hindi na nga po ata sya pupunta eh" malungkot na sabi ko..

"Iho,puntahanan mo nalang sa bahay nila mismo" nakangiting sabi nito..

Siguro nga sa bahay nalang nila mismo.

"Sige po Maraming salamat,Mauuna na ho ako..Salamat po sa impormasyon nyo" sabi ko at saka nagpaalam.

"Walang anuman iho" sabi nito at saka umalis na..

Agad kong pinaandar ang motor ko at nagpunta sa kanila..Gusto ko syang makita.

Nang makarating sa bahay nila .Napansin kong walang tao..Pero nag door bell padin ako..

Naka limang door bell na ako Pero walang bumubukas ng pinto..Pipindutin ko pa sana sa huling pagkakataon ng biglang....

"Iho?,hinahanap mo ba ang mga Reyes?" Tanong ng isang ginang sa akin..Kapit bahay ata nila

"Ahmm opo sana,meron po ba sila??" Tanong ko..Ang ginang ay kapit bahay nila Isabella.Na ngayon ay busy sa pag didilig ng halaman..

"Nako iho...Wlaa sila ngayon" sabi nito.Nagulat ako dahil doon..Saan kaya sila nag punta??..

"Ahmm..saan raw po pumunta?" Takang tanong ko..

"Hindi ko Alam iho,kaluluwas lang nila nung isang araw." Sabi nito..

"May number ka ba nila,Tawagan mo nalang kung may kailangan ka sa kanila iho" sabi nito at saka ngumiti.

"Ahmm..Kailan po kaya ang balik nila?" Tanong ko ulit,punong puno ako ng tanong ngayon sa isipan ko..Hindi ko alam kung saan sila nag punta...hindi man lang ako nakapag paaalam.

"Ah.Hindi ko alam iho,kasi mukhang madamiii Silang dalang gamit" sabi nito.

Hindi kaya???Lumipat na sila ng bahay???..

Saan kaya sila nag puntaaa..

"Ahh ganun po ba?Maraming salamat po sa impormasyon ninyo" sabi ko saka nag paalam..

Punong punoo ng tanong ang isip ko..Hindi kaya Lumipat na sila?? Sana Hindi sana babalik na sya...

Sinubukan kong kontakin ang number nya pero..Hindi sya ma reach..

Nagaalala na ako..Asan kaya sila nag punta..

Isabella.. Kung kailan naman may Gusto na akong sabihin sayo..Doon ka naman biglang mawawala ng Hindi manlang nagsasabi?.....



©Quinn_Arabells

All rights reserved2018

Malapit na po tayo sa finaleee!!Stay Tuned guysss!!..5 more chapters before the very end..Maraming Maraming salamat sa mga sumosuporta sa akin hanggang sa dulo!!Thank you so much guysss!!!❤❤

My Love From Afar ✓Where stories live. Discover now