Chapter 56:I know where she is.

99 6 0
                                    

Hiroichi's POV

Nagdaan ang ilang linggo,Hindi pa din pumapasok si Isabella.Pati din ang mga guro ay nagtatanong kung bakit Hindi pa daw sya pumapasok.

Tuwing uwian,lagi akong dumadaan sa bahay nila..Nagbabaka sakali na nandoon sya..Lagi din akong tumatambay sa Park..Kahit alam ko sa sarili ko na Hindi sya sisipot..Hindi ako nawawalan ng pag asa na baka makikita ko sya ulit...

Sinubukan Kong iChat ang Neargroup inbox namin,Pero.makaraan din ng ilang araw...Hindi pa narereplayan..

Sinubukan ko din sa Facebook nya..Pero..Naka deactivate sya..

Nagaalala na Ako..Wala manlang kaming kaide ideya kung asan sya..Hindi ko din alam kung may balak pa ba syang pumasok o ano..

Sa bahay naman nila..Wala pa ding tao..

Hindi ko Alam kung may ma aantay pa ba ako o wala na..Umaasa pa din ako kahit alam Kong,Impossible lahat..

Pakiramdam ko,Bumalik nanaman ang dating ako..Yung matamlay,Malungkot,Laging lutang,Hindi interesado sa lahat....

School

Pumasok akong ganun padin ang pakiramdam ko,Lagi akong lutang at Malungkot.

Napapatingin ako Lagi sa gawi ni Isabella kung saan sya nakaupo..Pero...Nalulungkot ako kasi wala na yung Isabella na nakaupo dun.

Umusad ang klase..Pero ganun pa din..Sinubukan Kong mag focus ng kaunti at magpaka busy...

Pero Hindi sya mawala wala sa isip ko..

Sinubukan Kong tanungin si Nica Tungkol Kay Isabella..

Pero iniiwasan nya ako..Iniiwasan nya ang mga tanong ko..Hindi ko Alam kung bakit nya ginagawa yun..

Pati si Marie..nilapitan ko,pero..Ganun din ang ginawa nya gaya ni Nica..

Pakiramdam ko may Mali..Pakiramdam ko may Hindi sila sinasabi sa akin....

Uwian ng hapon,Sinundan ko sa pag lalakad si Marie..

NANG mapansin kong tumigil sya..AGAD ko syang nilapitan.

"Mariee,Nakikiusap ako..Alam mo ba kung asaan si Isabella??" Tanong ko,nakatingin lang sya ng diretso at Hindi nag atubiling mag salita..

"Marieee..Nagmamaka awa na ako sayo..Sabihin mo sa akin kung asan sya." nakikiusap na sabi ko..

Napansin Kong biglang tumulo ang luha sa mga mata nya,Nagulat ako dahil doon..

"MARIEEE..pleaseee" sabi ko,Hindi ko na alam ang gagawin ko..Unti unti akong pinapatay ng damdamin ko..

"Hiro..patawarin mo kami kung iniiwasan ka namin ni Nica patungkol Kay Isabella... Ayaw nya kasing nag aa---"

"Paanong nag aalala???Ano bang nangyari sa kanya!!Marieeeee please" naiiyak na sabi ko sa kanya..

Hindi ko Alam kung ano ang gusto nilang palabasin at ganyan sila..

Bigla nyang hinawakan ang Siko ko at tinapik iyon..

"Mas mabuti kung sa kanya nalang mang gagaling" pilit ngiting sabi nya at saka umalis na.

Naiwan akong nakatulala dahil sa sinabi nya..Paanong sya ang masasabi eh Hindi ko nga alam kung asan sya...

Napaupo nang di oras dahil doon..At Hindi mapigilang umiiyak dahil sa nararamdaman ko..

Gulong gulo na ako,Hindi ko na alam ang gagawin ko....

Ibang iba ang nararamdaman ko pag dating sa kanya..

Nasaan ka na ba Isabella??..


Marie's POV

Patawarin mo kami Hiro kung Hindi namin sinabi sayo ang nangyayari..Maski kami ay nararamdaman din namin ang pinagdadaanan mo ngayon..

Naiintindihan ka namin..Pero patawarin mo kung ayaw naming sabihin sayo ang lahat ng ito..

Nang malaman namin ang reason kung bakit Hindi pumasok si Isabella...Nanlumo kaming dalawa ni Nica..

Ang sabi sa amin ng mama nya..Matagal na nyang iniinda ang lahat ng iyon...Pero..Ngayon lang daw mas lumala..

Nalulungkot kami noon,All this time..Kaibigan nya kami pero Hindi sya nag open up ng sakit nya sa amin..

Tapos,Nakausap pa Namin sya..Talagang nag byahe pa kami ng Maynila ni Nica para puntahan ang kaibigan namin..Kase gaya ni Hiro nag aalala din kami..

Nang makita namin syang naka higa sa hospital.. At kung ano anong mga apparatus ang naka kabit sa kanya..Nanlumo kamii..Hindi namin alam na dun pala ang hahantungan ng laahat

Naiiyak kami noon, Hindi namin inaakala na sa ganito ang kahihinatnan ng kaibjgan namin..

Nakasuot sya ng oxygen..At nanghihina ang itsura..

Nang makita nya kami..Ngumiti sya..Yung ngiti na Lagi nyang pinapakita sa lahat..

Nilapitan namin sya at hinawakan ang kamay nya..Tinanong namin kung bakit hindi manlang nya sinabi sa amin...

Pero ang sabi nya,Ayaw daw nyang nag aalala kami..Damn it! Isabella.. Lagi kang nandyan para sa amin kapag namomroblema kami..Pero..ikaw..Hindi mo manlang hinayaan na malaman namin ang nararamdaman mo..Napapasaya mo kami..Samantalang Hindi namin alam na nanghihina ka na..Hayaan mo sanang kami naman ang gumawa nun para sayo..

Bakit nya nagawa samin yun..Halos ilang taon na kaming magkakaibigan..Simula nung mga preschool kami hanggang sa mag senior..

Gusto ko syang pagalitan dahil sa Ginawa nya..

Pero sya iniisip nya pa din ang kaligayahan namin kaya Hindi nya sinabi  yun..Dahil gusto nya,Na Hindi kami nalulungkot dahil sa kanya..Pero kaibigan namin sya..Parang kapatid na ang Turing namin sa kanya..

Kung alam mo lang Hiro..Ikaw ang laging tinatanong ng kaibigan namin...kung kamusta daw ang lagay mo..Nalulungkot sya kasi..Nagiging miserable ka daw dahil sa kanya..

At mahigpit na bilin nya,na Hindi namin ipapaalam Kay Hiro ang nangyayari...Pero..Hindi din namin maitago sa sarili namin ang nangyayari sa kanya..Kasee..Kung ano ang nararamdaman nya ngayon,Ay yun din ang nararamdaman Namin ngayon..

Lagi naming sinasabi sa kanya na magpaka tatag sya..Na wag syang malulungkot kasi lagi kaming nandyan para sa kanya..Na Hindi namin sya iiwan sa laban nya sa buhay..

©Quinn_Arabells..

My Love From Afar ✓Where stories live. Discover now