Chapter 12:Football Team

155 7 0
                                    

Hiro's POV

Maski ako ang nagulat sa pagtunog ng messenger ko na ng sunod sunod

At umalingawngaw ang tunog nito sa buong classroom

Kayat ang atensyon nila ay napunta sa tumutunog na cellphone ko

Tch.Yung NG ko messages yung tumunog.

Nagmessage yung babaeng nakausap ko sa NG

Sunod sunod na mga tanong ito

Tch..bat kasi nakalimutan ko pang isilent yung phone ko,tuloy yan,kainis

Ang masaklap nakahigh volume pa

"Please,silent your phone down Mr.Chan" sita sa akin ni ma'am

"SORRY PO" sagot ko

Nakakahiya yun,kaya agad agad ko ng sinilent ang phone ko mamaya makaistorbo pa

Nabasa ko na ang mga message nya

Pero Hindi ko muna rereplyan sa ngayon

Tinago ko na ang phone ko at itunuon ang sarili ko sa pakikinig Kay ma'am.

Isabella's POV

Natapos ang klase,uuuwi na kaagad ako dahil marami pa akong kailangan tapusin

Habang naglalakad pauwi napandaan ako sa hallway ng Gym,naririnig ko ang mga bulungan

"GUYS,my try out daw ng football bukas"

"Yazz! I'm so excited"

"Baka may mga oppa dun!"

Sus! Oppa nanaman nilamon na ng kdrama ata, pogi ang hanap,hay nako

Napatingin ako sa nakita Kong poster na nakapaskil sa pintuan ng gym.

"Try out for Football boys and girls are open,Try outs will start tomorrow at 8am in the School's Quadrangular.

Interested students and athletes,come join us for the in coming Sports Fest,List your names at the Office for membership thank you!"

Malapit na pala ang sports fest.Excited na akooo manood ng mga laro.


Hiro's POV

Kagagaling ko sa locker ko dahil kinuha ko saglit yung headset ko para makauwi na.

Kasalukuyan na akong naglalakad palabas ng school nang nakuha ng atensyon ko ang poster para sa school fest.

Binasa ko iyon,at nakalagay na may try out ng football bukas ng 8am

Namiss ko din nang mag football


Isa akong athlete noon sa dati Kong school sa Negros,para sakin sa sports na ito natagpuan ko ang pangalawang pamilya ko

Yung tipong

Nagtutulungan kayo at higit sa lahat para ng magkakapatid ang turingan nyo sa isat isa

Kapag may problema ang isa nagdadamayan lahat,kahit may pagkakatampuhan,nangingibabaw padin ang teamwork ng isat isa

Ang football ay isang napakasayang sports,na mas nahahasa ninyo ang team work lalo na kapag maglalaro na kayo sa field

Kahit nalalamangan kayo,Hindi kayo susuko hanggang huli

Yun ang isa sa rason,kaya Mas napamahal pa ako sa sports na ito.

Napangiti ako sa naalala ko,namimiss ko na ang team mates ko dati at lalo na si Coach.


Pero kailangan nga talagang magpaalam sa isat isa,kasi dadating din ang panahon na hindi sa lahat ng oras ay magkakasama kayo.

Naisipan ko na pasukin ulit ang sports na ito,kasama ang ibang tao at bagong mga kaibigan

"Pupunta ako bukas" sabi ko sa sarili at napangiti ako

Sinuot ko na ulit ang headset ko at umalis na.

Bukas na bukas,makakaharap ko ulit ang field na nakasanayan ko.

Habang naglalakad napagisip isip ko yung messages nung kausap ko sa NG,na dahilan ng pag tunog ng sunod sunod kanina sa room ng messenger ko.

Rereplyan ko kaya

Hmm?Pipindutin ko na sana ang messages pero

Naks naman oh!Lowbat naman na akooo!!

Arghh!!

Okie lang haha!!

Mamaya Maya na akooo magrereply o wag na siguro

Tinago ko na ang cp ko at headset ko sa bag

Nang biglang kumulog


Uulan nanaman sguro,hmm?

Nasa school guard house ako ngyon ng biglang tumulo ang ulan.

Tinaas ko ang kamay ko at sinapo ang tulo ng ulan na galing sa langit at napapikit ako

Ang lamig sa pakiramdam

Napapikit ako at napangiti habang sinasapo ang tulo ng ulan

Maraming bagay ang naalala ko tuwing umuulan

Ala alang nagpapasaya sakin at nagpapaalala sa kanya..







Thank you again for reading❤❤❤Sorry for late updates I will follow up the other chapterss..at dahil ginaganahan ako mag sulatt asahan nyo ang sunod sunod na updates

Salamattt

Quinn_Arabells❤







My Love From Afar ✓Where stories live. Discover now