Chapter 28:Happiness

130 7 0
                                    


Isabella's POV

Suminghal ako ng preskong hangin dito sa park,Gusto ko lang mamasyal ng mag isa.

Pakiramdam ko,Kasi kapag mag isa ako,nakakapag isip isip ako.

Habang nakaupo sa isang swing dito park,Nakuha ng atensyon ko ang yung nagtitinda ng ice cream.

Biglang sumaya ang pakiramdam ko,Pakiramdam ko nagbabalik bata ako,Gusto ko tuloy kumain ng madaming ice cream.

Agad agad akong lumapit sa may nagtitinda ng ice cream at bumili ng dalawang ice cream na nakalagay sa cone(Apa).

At ng nakuha ko na ito,bumalik ako sa swing at umupo doon para kumain ng ice cream na cookies and cream flavor.

Ang saya sa pakiramdam,Ang saya saya ko kahit simpleng bagay lang ito.

Habang kumakain

Biglang may taong nagsalita....

"Masarap ba?" Sabi nito, at kasabay ng pagkagulat ko.

Si Edwin pala yun. "Can I join you? Mukhang mag isa ka ata ah?" Sabi nito at sabay ngiti.Nginitian ko din sya pabalik, "Sigeee haha" sagot ko.

Umupo sya sa may swing,katabi ko na sya ngayon pero dun sya sa kabilang swing.

"Alam mo,Namimiss ko ang lugar na ito" panimula nito at nakatingin sa malayo.

Napaljngon ako sa sinabi nya.

"Hmm?Bakit naman Edwin?" Takang tanong ko.

Nakalimutan ko,dalawa pala yung ice cream ko haha! Ibibigay ko sa nalang sa kanya yung isa,dibale hindi ko pa naman nakakain eh.

"Ahm?Edwin gusto mo" pagaalok ko sa kanya nung ice cream,tinignan nya ito at saka ngumiti

"Sgeee" ngiting sagot nito at saka kinuha ito.

Bali kaming  dalawa ang nandito sa may swing at kumakain ng ice cream at parehong nakatingin sa kawalan.

"Alam mo sabi nila, ang sayang balikan yung mga lugar na ganito,dahil sa lugar na ito,maraming masasayang alaala ang gusto mong balikan" panimula nito at nakatingin padin sa malayo.

Nakatingin lang ako sa kanya habang hawak ko ang ice cream ko at nakikinig sa kanya.

"Bakit mo naman nasabi Edwin?" Tanong ko at nanatiling nakatingin pa din sa kanya.

"Kase,Sa lugar na ito nabuo ang mga masasayang alaala na binuo namin ni Celene noon" sabay tingin sa akin at mapait na ngumiti.

Ang sakit siguro sa pakiramdam na balikan yunh mga lugar na alam mong madaming alaala ang nabuo mo rito,lalo na't ang kasama mong bumuo nito ay ang taong nagpapasaya sayo.

Tinapik ko ang likuran nya kahit na ngumingiti sya,nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

Pinipilit nyang itago ang totoong nararamdaman nya sa pamamagitan ng isang ngiti.

"Okay lang yan Edwin,Alam natin na masakit  at napalungkot sa pakiramdam na yunh mga bagay na nagpasaya satin noon,ay sya nang nagpapalungkot sa atin dahil sa dami ng alaala ang nabuo natin rito.Pero dahil na wala na yung isang tao na kasama natin sa pagbuo ng alaala sa isang lugar, pakiramdam tuloy natin napaka lungkot na tuloy nung lugar na yun kasi naalaala natin lahat doon at bigla nalang tayong nalulungkot,Kaya mo yan Edwin,Malalagpasan mo din lahat ng ito" pagpapaliwanag ko at sabay tapik sa likuran nya.

Ngumiti naman sya ng pilit at biglang hinawakan ang kamay ko na kinagulat ko

"Salamat Isabella,At kahit papano napapagaan mo ang pakiramdam ko" sabi nito at saka ngumiti,ngiting Hindi na pilit kundi totoo na.

"Happiness is within you,All you need is someone to make it happen" sabi ko

Napangiti ako at ganun din sya,at bigla nyang ginulo o buhok ko,At tumawa sya ng mahina dahil don.

Bigla syang tumayo at inabot ang kamay nya para tulungan akong tumayo.

"Tara laro tayo" pagyayaya ni Edwin

Natawa ako at sabay ngumiti

"Haha!Sge baaa!!" Sabi ko at saka nagsimula na kaming nagtungo sa mga palaruan sa park.
















My Love From Afar ✓Where stories live. Discover now