Chapter 48:Your Knight

90 7 0
                                    

A/N:Maraming maraming salamat sa lahat ng mga sumoporta sa kwentong ito..Sa mga nag bigay ng nila para sa istoryang itoo..Super thank youu guysss!!!Yeyyy!!!..

Enjoy reading!!

Hiroichi's POV

Matapos ang pangyayari iyon,na nakita ko si Isabella na nagpapaka basa sa ulan.Agad akong tumakbo at kinuha ang payong.

Nalulungkot din akong nakikita ko syang malungkot.

Alam kong umiiyak sya nung gabi na iyon,Kaya ang tanging ginawa ko ay ang yakapin sya..Sabi nga nila.

Kapag masaya,Malungkot,Nag aalinlanagan ang isang tao.Yakapin mo lang sya...

Dalawang araw pagkatapos ng pangyayaring iyon.Agad na akong nadischarge sa hospital at napag desisyunan na puntahan namin sa presinto sila Ysabelle.

Hanggang ngayon,Hindi ako makapaniwala na nagawa nya ang mga bagay na iyon sa akin.

Hindi ko makakalimutan kung paano nya ako sinaksak sa tagiliran ko.Parang trinato nya akong isang basura..kakaiba na sya kumpara sa dating kilala kong Ysabelle..Ang Ysabelle na una kong minahal.

Kasama ko ngayon si Kenneth papunta ng Presinto kung saan sila nilagay.

"Tol,Sigurado bang okay ka na?" Tanong nito

"Oo naman tol,maayos na ang lagay ko" tugon ko.

Ngayon ay nasa presinto na kami.Kasama ang ibang mga NBI officers...Para ayusin ang kaso nila..

Dahil hindi pangkaraniwang krimen lang ang ginawa nila.Kundi isang malaking krimen at may mabigat na karampatang parusa sa mga taong lumabag nito.

Napansin ko ang iba pang mga kasapi ng grupo na ngayon ay nakapiit na sa kulungan pansamantala..

Dahil ililipat pa sila sa Bilibid..

Nahagilap ng mata ko si Ysabelle na tahimik na nakaupo sa gilid.. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o maaawa sa kalagayan nya ngayon.
Nakaupo sya ngayon sa gilid,Sa loob ng kulungan at nakatingin sa kawalan.

Kahit na nasaktan na nya ako..Pakiramdam ko,Nanaig padin sa akin ang pagpapatawad at pagmamahal....Bilang kaibigan na lamang sa kanya.

Nilapitan ko sya..At napansin kong lutang sya.

"Ysabelle" tugon ko.

Agad naman nya syang tumango at tumingin sa akin..At napansin kong gulat sya dahil nandito ako ngayon sa harap nya.

"H-hiro?" Naiiyak na sambit nya.

Biglang may tumulong luha sa mga mata nya.

"S-sorry,Sorry kung nagawa kitang saktan sa pangalawang pagkakataon Hiro" sabi nito habang nakahawak sa mga tuhod nya at nanatiling nakaupo padin sa gilid.

"Ysabelle,Okay na yun.Nakalipas na..Sa ngayon, Gusto ko lang malaman kung bakit mo nagawa ang mga bagay na ito" sabi ko.

"Ang totoo nyan..pangarap Kong maging kagaya mo noon" paninimula nito.

Anong ibig nyang sabihin??

"Sa kagustuhan kong sundan ka pagtapos kitang iwan noon,Napag pasyahan ko na umanib sa grupo na yun ng hindi mo alam.Dahil baka kasi...Makita kita doon" sabi nito.

"...Nung panahon na iyon,Namatay na si Ms.Black.. ako yung impostor.." Sabi nito.

Ang ibig nya bang sabihin,Sumunod sya sa akin doon para makita ako,Tapos...Ang totoong Ms.Black ay patay na pala..Paano nangyari yun?

"Si Ms.Black,Ay pinatay ni Sebastian pagkatapos mong tumakas noon.Matagal na ding may maitim na balak si Sebastian Kay Ms.Black.Dahil gusto nyang kunin ang trono" pagpapatuloy nito.

"..At dahil ako lang ang nagiisang babae sa grupo..Kinuha nila ako para mag panggap na ako si Ms.Black... Para mapilitan kang bumalik at isauli ang black book.Kasee..alam nila at pati ni Sebastian na..Hindi ka natatakot sa kanya" pagpapaliwanag nya..

Naliliwanagan na ako..ibig sabihin walang kinalaman si Ysabelle dito.

"Eh,paano mo ipapaliwanag sa akin yung ginawa mong pagsaksak sa tagiliran ko" seryosong sabi ko habang nakatingin nh diresto sa kanya.

"Patawarin mo ako Hiro,Patawarin mo ako kung nagawa ko sayo iyon..Hindi ko sinasadya at wala ako sa tamang huwisyo noon" sabi nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"May ipinainom sa akin si Sebastian na antidote,para kontrolin at ibahin ang ayos ng nararamdaman ko na syang naayon sa sitwasyon gaya noon" naiiyak na sabi nito.

Ibig sabihin,kontrolado sya ni Sebastian..At dahil ang alam nya.Na si Ysabelle ang kahinaan ko kaya nya ginawa iyon.

"...At may kinabit sya sa bandang leeg ko" sabi nito at Sabay pag alis ng isang bagay sa leeg nya..

Hindi ko alam kung ano ang tawag dito,pero ginagamit ito para pilit na pasunudin ang isang tao gamit ang isang remote lang.Maaari nyang kuryentihin ang isang tao kung hindi ito susunod sa utos nya.

"Patawarin mo ako Hiro...Patawarin mo ako sa mga nasabi ko at nagawa ko sayo..Alam kong hindi mo pa ako mapapatawad..Pero..Sana dumating yung panahon na sana mapatawad mo ako" pigil na luhang sabi nito.

Naawa ako sa kanya..Isa lang din syang biktima dito.

Agad akong umalis at kinausap si Kenneth.

"Kenneth,Alam ko na ang lahat" sabi ko sa kanya.

"Ano?" Sabi nito.

"Na si Sebastian ang may kagagawan ng lahat ng ito at biktima lang si Ysabelle" sabi ko sa kanya..

"So ibig mo bang sabihin ay,Inosente sya dito?" Tanong nito.

"Oo,At hindi sya pwedeng makulong dahil wala pa sya sa tamang edad at menor de edad palang sya" pagpaliwanag ko.

"Sigeee,sasabihin ko Kay Chief kung paano ang gagawin natin sa kanya" sabi nito.

"Salamat tol" sabi ko at saka ngumiti sa kanya..

"Walang anuman tol"tugon nito at saka tinapik ang balikat ko at nagpaalam na.

Sa ngayon ay,Ang ibang mga kasangkot ang mapapanagot dito..At si Ysabelle ay,hinahanapan pa ng solusyon kung mapapa walang sala sya sa pangyayaring ito.

Kung buhay pa siguro si Sebastian ngayon.. Paniguradong sya ang may pinaka malaking pataw ng kaparusahan.Dahil sa kanya nagsimula ang lahat ng ito...

©Quinn_Arabells..

Thank you so much for reading

My Love From Afar ✓Where stories live. Discover now