Chapter 27: Speechless

117 5 5
                                    

Hiroichi's POV

Hindi kami makagalaw pareho dahil sa gulat.Hindi ko aakalain na magigising pala sya bigla,ang akala ko tulog na tulog at Hindi nya napapansin ang tao sa paligid nya.

Pero nagkakamali pala ako,Nagising sya bigla.

Nang minulat nya ang kanyang mga mata,nagulat sya dahil nandun ako sa harapan nya at titig na titig.

Argh!Bat ba kasi pumasok sa isip ko na tumitig ng ganun?

Nanlaki ang mga mata nya dahil sa gulat.

Dahil doon,sinubukan Kong Ibahan ang aura ng mukha ko

Tinitigan ko sya ng walang reaksyon para isipin nya na wala lang sakin yun,pero ang totoo meron! Nahihiya ako sa pinag gagagawa ko sa totoo lang.

Inayos nya ang upo nya at ako ay tumayo na,,nanatili pa din akong nakatayo sa harap nya

"T-tekkaaa?Bakit ka nandito ha?,At bakit nakakatingin ka sakin ng ganyan?" Tanong sakin ni Bella, na may halong kaba.

Pinanatili Kong cold ang aura ko,para Hindi sya magisip ng kung Ano Ano.

"Wala lang,Baka mamaya kasi pati dito sa school ma knockdown ka gaya ng nangyari sayo sa mall" Palusot na sabi ko at di ko winala ang aurang iyon sa aking mukha

Pagkatapos Kong sabihin iyon,Agad na akong umalis sa harap nya at bumalik sa field.

Naiwan syang nakatulala doon, at Hindi pa natransfer sa utak nya ang mga iniwan Kong kataga.

Napangisi ako ng di oras at nagsimula na ulit mag laro.

Siguro okay na rin yung sinabi ko.
At totoo naman talaga,mamaya eh lasing nanaman dahil napagkamalan nyang Tubig yung Soju,mamaya sa sobrang uhaw nya baka pati yung Acido inumin na tsk!tsk!

Nagsimula na ulit ang training namin at tinuon ko na ang atensyon ko sa game..

Isabella's Pov

Nang sinabi nya ang mga katagang iyon,Natahimik ako.Eh okay naman na ako eh,nagpapahinga lang naman.

Natulala pa din ako,Kahit ilang minuto na ang nakaraan.Dahil sa pagkagising ko,mukha nya ang bumungad sakin,at titig na titig.

Ano naman kaya ang problema nun at titig na titig sya ng ganun,Nagulat kaming pareho kanina dahil sa ginawa nya.

Tch!Ako lang ang gumagawa ng meaning nun!walang ibig sabihin yun Isabella!

Nakatulala pa din ako,aishh!!Sa aming mga babae,big deal yung matitigan ka ng ganun diba.

"Besh?"

Nilingon ko yung kumalabit sa akin,Uyy!Si Marie pala,andyan na pala sya.

"Ahh--ano?okay na ba yung ginagawa mo besh?" tanong ko sa kanya

"Hmm?Okay na,Sorry sa paghihintay ah"

"Nakoo!Wala yun,Nagenjoy naman akong nanunuod ng football dito eh" palusot ko,Pero ang totoo litong lito ako at kung ano ano ang naiisp ko.

"Shall we?Tara libre kita" pagyayaya nito at sabay akbay sa akin.

Umalis na kami sa may gym at nagsimula ng umuwi,Napalingon pa ko ng saglit sa may field para silipin sya.Pero Hindi ko na sya maaninag dahil busy sya sa paglalaro.

Ibaon ko nalang sa limot ito.Wag ko na nalang masyadong isipin yun.

At ng makaalis kami nagtungo kami Sa isang fast foodchain sa may centro at bumili ng barbecue

Habang inaantay namin maluto.

"Besh,pansin ko tulala ka?Anyare sayo?" Tanong ni Marie.

"Eh kasi,ano..Ahm?Marieee may tanong ako sayo"

"Hmm?Ano"

"Anong mararamdaman mo kunwari, kapag pagmulat ng mata mo eh may nakatitig sayo" tanong ko

Napaisip sya saglit at nagsalita.

"Hmm?Kung multo yun! Malamang mapapasigaw ako ahhh,sino ba naman ang Hindi" sagot nya

"Hindi!I mean nakatitig na lalake ganun,habang tulog ka" sabi ko

"Kung pogi,Malamang kikiligin ako syempre." Sagot nito at Sabay kinikilig kilig pa.

Hmm?kung sabagay,sino ba naman ang Hindi diba?

"Hmm?bakit mo naman natanong ha?" Takang tanong nito

Sasabihin ko ba o Hindi

"Ahh- Ano kasii" nag aalangan na sagot ko

"Anoo?"

"Pagkagising ko kasi kanina, Nakita ko si Hiro na nakatingin sa akin" sabi ko

"Eeeeehhh??!!Omooooo" sabay hampas sa akin habang kinikilig kilig

"Woiii!!" Sabi ko

"Hehe!!kala ko sa mga kdrama lang nangyayari yan!!pati din pala sa realityyy!" Kilig na sigaw nito

What?!nakakakilig ba talaga yun?,ang weird nga para sakin eh

"Baka naman,sya ang prince charming mooo!!" Sigaw ni Marie at kinikilig kilig pa

"Prince charming?sa mga libro lang yan" sabi ko

"Sus!Bitter lang ang peg?" Sabi nito.

"Hindi naman" sagot ko

"Pero,Alam mo bagay kayo" sabi nito sabay ngiti ng malaki.

"Hay nakooo" sabi ko nalang

Naputol na ang usapan namin ng dumating na ang order namin na barbeque.

Pagkatapos naming makuha yun,Umuwi na agad kami at nagpaalam sa isat isa

"Pero Alam mo,bagay kayo"

"Baka sya na ang prince charming mo"

Hindi na wala sa isip ko ang sinabi ni Marie kani kanina lang.

Pero lihim akong napangiti dahil sa mga sinabi nya.
















My Love From Afar ✓Where stories live. Discover now