Chapter 35:Dream

105 8 0
                                    


Isabella's POV

Pagkatapos naming maglaro at maligo sa ulan,Merong parte sa puso ko na nakararamdam ako ng labis na kasiyahan.

Ngayon ko lang uli naranasan na maligo sa ulan na walang iniisip na kalungkutan.

Pagkauwi ko,nagulat si mama ng madatnan akong basang basa kanina.Pero nakangiti lang ako,Buti hindi sya naglit wew!

Natapos na kaming nagreview,At ang  spirit namin ngayon ay ready na talaga.At yung iba ay paiiralin nalang namin sa stock knowledge hihi.

Ang bilis ng oras,Gabi nanaman.Sa ngayon nakahiga na ako sa kama ko at nakatingin sa kawalan.Inaalala ang mga masasayang Sandali kani kanina lang.

Yung naghahabulan sa gitna ng ulan,Ang saya lang kasi para kaming mga bata na nagtatampisaw at dinadama ang bawat pagbuhos ng ulan galing sa kalangitan.

Masaya rin ako kasi,nakapagpasaya ako ng tao.Okay na sa akin na makita Silang ngumingiti sa pamamagitan ko.Hindi ko kasi gusto na nakakakita ako ng taong palaging malungkot o miserableng tignan at Hindi palangiti.

Come on!we only live once right?Kaya dapat I enjoy natin ang bawat minuto na kasama natin sila.Kung ayaw nating pagsisihan na bigla nalang Silang mawawala.

Sabi nga sa Trolls."Happiness is inside you,Sometimes you just need someone to make it happen"

Kaya lavarn!(Laban) pairalin ang happiness hehehe...

Bago matulog,Nagdasal muna ako at nagpasalamat sa mga blessings at sa masayang araw na naranasan ko kanikanilang.Sinabi ko Kay God na sana,Lagi nalang tayong masaya,Na sana tuluyan ng mawala ang mga hinanakit natin sa bawat isa at magsimula ng panibago na punong puno ng pagmamahal at kasiyahan. Malayo sa pagkamuhi,pagiging gamahan at pagkalungkot.

I will give all my worries to God kaya.Pagkatapos Kong magdasal,ay agad nang pinikit ang mata ko at nagsimula ng matulog.

Hiroichi's POV

Masaya, Tama sya.Magaan sa pakiramdam,Naalala ko nanaman ang dati.Ang pagligo namin,Nagaasaran at naghahabulan sa gitna ng ulan.

Lahat ng iyon ay nanumbalik,Alaalang masayang balikan pero hanggang Alala nalang at namulat sa katotohanang,Hinding hindi na ito mangyayari pa.

Pero naramdaman ko nanaman iyon sa isang tao,Pero hindi na yung babaeng minahal ko dati,kundi sa babaeng pinilit na ipaalala sa akin na hindi ko na kailangan pang maging malungkot,babaeng pinipilit na ilabas ang kasiyahan na nakakubli sa puso ko.

Nakikita ko kung gaano sya kasaya kanina na may patalon talon pa sa gitna ng ulan, walang pake kung magkasakit sya Pagkatapos ng ginawa nya.At saka yung panlilibre nya ng Ice cream.Haha!Natatawa ako ang cute lang kasi,Ewan ko natutuwa ako kapag nakikita ko syang ngumingiti.

Wala man kaming kasiguraduhan na mananalo kami,pero magtitiwala nalang ako sa sarili ko na makakayanan namin iyon.

Hindi ko namamalayan,napapangiti ako sa iniisip ko.Yung aksidenteng nakausap ko sa online chatbot na Near group,ay kaklase ko na,at unti unti ko ng nakikilala ang katauhan nya.Madaldal nga talaga sya,Tama ang hinala ko nung una palang.I can't imagine from my hometown Negros Occidental to Isabela where we lived right now.Let's just say,napakaliit nga talaga ng mundo..

Dahil sa pinapakita nya,There is a part of me that I need to know her more.

And dahil dun,Unti unti ko nang naiialis at nakakalimutan ang sakit na naramdaman ko Kay Ysabelle noon,at napalitan na ito ng kaligayahan.

Hindi maiwasan na masagi sa isip ko yung nakita ko kahapon,Yung BJKL sa motor nya,Parang nakikilala ko kasi ang motor na iyon.Hindi ko alam kung asan ko yun nakita.Pero naalala ko talaga yun,Kailangan ko lang ng panahon na pagisipan at alalahanin talaga kung sino sya.Alam kong ang BJKL na yun ay maaaring kilala ko sya at kilalang kilala nya ako.Creepy pero yung ang panghahawakan ko sa ngayon.Kailangan ko lang talagang pagkaingatan ang mga nakakasalamuha Kong iba, masyadong mapagmatyag ang taong ito kaya hindi ko pa din maiiwasang hindi talaga magtiwala sa iba.

Kinalimutan ko munang pansamantala ang iniisip ko at tuluyan ng napagpahinga.




Isabella's POV

I know this is just a twisted dream,Hindi ito totoo.

"Patawarin mo ako Hiro,kung hindi na kita makakasama sa gitna ng ulan.Patawarin mo ako dahil iniwan kita na Hindi manlang ako nagpapaalam sayo.Patawarin mo ako kasi nilihim ko lahat ng ito sayo" Patuloy ang pag agos ng mga luha sa aking mata habang hinahawakan ko ang kanyang kamay,Ayaw Kong bumitaw sa pagkakahawak sa kanya hindi ko maatim na iwan sya ng luhaan.

Pilit nyang tinatago ang kanyang kalungkutan,alam Kong ang mga luha sa kanyang mga singkit na mata ay nagbabadyang umagos na Ano mang oras.

"D-diba sabi mo,Sabay tayong maliligo sa ulan gaya ng ginagawa natin dati.DBA....." Sabi nito at saka diretso na nakatingin sa aking mata,Ang kanyang mga luha ay tuluyan ng umagos.Nasasaktan ako,Nasasaktan akong nakikita syang nagkakaganito ng dahil sa akin.

Tuloy tuloy na umagos ang mga luha sa aking mata,Patawarin mo akoo.....

Pero Kailangan ko ng bitawan ang mga kamay mo....

Napabangon ako ng wala sa oras,basa ang mukha ko pati na ang unan ko.Ano ba yun?At teka?Bakit?napahawak ako sa mukha ko,Basa nga...Umiyak ata ako dahil sa napanaginipan ko.

Anong ibig sabihin nun?,nakita ko si Hiro na umiiyak.Sa panaginip ko,pakiramdam ko dinudurog ang puso ko.Lalo na't nakakakita ako ng taong nalulungkot dahil sa akin.

Napahawak ako bigla sa puso ko,Umaatake nanaman ata.Mariin akong gumalaw at inabot ang isang baso ng tubig sa lamesa malapit sa kama ko.Kumikirot nanaman sya.

Hindi ko alam kung bakit ganito nalang bigla ang nangyayari sa akin.
Sumasakit ang o kumikirot bigla ang puso ko,Dahil sa epekto nanaman siguro ng sakit ko.

Nang makainom,ipinatong ko uli iyon sa aking lamesa,Medyo nahimasmasan na ako pero may konting kirot pa akong nararamdaman.

Tumingin ako sa oras,

4:00 am na pala.

Umaga na.

Humiga uli ako sa higaan ko at napatingin sa kawalan,Iniisip ko kung ano uli ako panaginip ko at bakit ako umiiyak?.

Pilit Kong inaalala pero,Tuluyan ko ng nakalimutan ang panaginip na iyon.

Nagpasya uli akong matulog,Dahil maaga pa naman.

Pinilit ko uli ang aking mga mata at nagsimulang matulog uli..

Sana...Makalimutan ko na ng tuluyan ang kakaibang panaginip na iyon.





Thank so much guys! For reading...

I want to dedicate this chapter to Ading Angela Cadiz and Ading Sophia Delina Llacuna..Thank so muchhh adinggg sa pag support sa akin and sa pag inspire sa akin..Sana mabasa nyo itoooo!!! Thank youuu

Quinn_Arabells ❤

Plagiarism is a crime

All rights Reserved.2018




My Love From Afar ✓Where stories live. Discover now