Chapter 45:War

88 6 4
                                    

A/N:Hello guys!Kung nagustuhan nyo man ang chapter ng story NATO..please do vote.ang small votes ninyo ay malaki na ang maitutulong sa storya na itoo.maraming maraming salamatt

Isabella's POV

Pagmulat ng aking mga mata,nadatnan Kong nasa isa akong malaking warehouse, punong puno ng mga kakaibang mga gamit,May mga malalaking box na nakatambak rito. mukhang may kalumaan na kung papansinin mo ang bodega.

Napansin Kong nakatali ako sa isang upuan at nakatakip ng isang panyo ang bibig ko,dahilan para hindi ako makapagsalita at Hindi makatakas.

Ano nanaman ba ito???huhuhuhu..

"Gising na pala ang prinsesa" sabi ng isang lalake.Medyo pormal ang kanyang mananamit at medyo may katandaan na ang itsura..Siguro mga around 45 ganun.

Pumipiglas piglas ako para makatanggal ang mga nakatali sa akin.Pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makawala.Lumapit sya sa akin at inalis ang busal sa bibig ko.

"Ano bang kailangan nyo sa akin?" Tanong ko sa kanya.Na ngayon ay nakaupo na sa harap ko.Naka cross arms ito at nakatingin ng matalim.

"Madami,.." Sabi nito at saka ngumiti ng nakakaloko..Natatakot ako sa awra nya.Natatakot ako sa maaaring gawin nya.

"Ssshhh..Hindi ka naman namin sasaktan,Dahil iba ang sasalo ng lahat ng parusa na sana ay ipapataw sayo" sabi nya at saka ngumisi.

Napaluha ako dahil sa takot..

"Anong ibig mong sabihin??" Tanong ko na,nararamdaman ko ang bilis na pintig ng puso ko dahil sa kaba.

"Kasee..Ang prince charming mo ang kailangan namin..At ikaw,gagamitin kalang namin para makuha namin sya" sabi nito at saka tumawa..Sinong Prince charming ang sinasabi nya??Anong ibig nyang sabihin na iba ang sasalo ng parusa na dapat ay para sa akin.Napaluha ako sa takot.Sa takot na Baka may masaktan pa ng dahil sa akin.

"S-sinong prince charming??" Tanong habang patuloy na umaagos ang mga luha ko sa takot.

"Walang iba kundi si Blight,Si Hiroichi Kenji Blight Chan lang naman" sabi nito habang nakangisi.Kahit madilim na.Naaaninag ko pa din ang pag ngisi nya.

Natatakot ako,anong kailangan nila Kay Hiro???Bakit sya pa??..

"A-anong i-ibig mong sabihin?" Utal na tanong ko.

"Gusto mo bang makilala ang tunay na pagkatao ng Prince charming mo?" Tanong nito at saka tumawa..Yung tawang kikiliabutan ka talaga.

"Okay,Let me start.Si Blight este Hiro.Ay iba Sa inaakala mo..Isa syang kriminal!Gangster!..At napakadelikadong tao.Kagaya namin sya...Kaso ang traydor na yun ay may malaking atraso sa akin at sa buong grupo." Sabi nito habang nakangisi..Halata sa kanyang mukha nya galit na galit sya Kay Hiro.

Hindi ko aakalain na ganun pala si Hiro..Coool!!!! Nageexist pala ang mga ganun he he..Akala ko sa mga libro lang..

Napangiti ako ng dahil doon,Pero agad na na wala iyon ng maalala kong.... nasa panganib kami!!..

"Ikaw ang gagamitin namin para makuha sya.At ang isa pang traydor na kasama nya..Papatayin ko sila gamit ang sarili kong kamay." sabi nito at saka ngumiti ng nakakaloko.

Nakaramdam ako ng takot dahil doon..Natatakot ako para sa buhay namin at lalo na Kay Hiro...

Umalis sya sa harap ko..

At parang kinuha nya ang kanyang cellphone at may kinontak.Kung sino man yun ay hindi ko kilala.

Itunuon ko ang pansin ko sa sarili ko ngayon,sinubukan kong gumalaw galaw baka sakaling matagal o hindi gaanong mahigpit ang pagkakatali sa akin.Pero bigo ako..Napakahigpit talaga.

My Love From Afar ✓Where stories live. Discover now