Chapter 42:Jealous

Start from the beginning
                                    

"Nurse,Ano pong nangyari sa kanya.??" Nagaalalang tanong ko.

"Parang nakakapusan sya ng hangin sa katawan" sagot ng nurse habang abalang inaasikaso si Isabella..

"Ano bang nangyari sa kanya?" Tanong nito habang abala padin.

"Hindi ko po Alam,Basta nadatnan ko nalang po na wala po syang Malay kanina" sagot ko.

"Iho,mabagal ang pintig ng pulso nya.Kailangan natin syang dalhin sa ospital" sabi ng nurse na mukhang nagaalala na din.

"Alam mo ba ang number ng parents o guardian nya?" Tanong sa akin ng nurse.

"Alam ko po,Tatawagan ko po sila ngayon" Sabi ko at saka kinuha ang cellphone ko at hinanap sa phone book ko ang number ng mama ni Isabella..

Nang maidial ko ito,Nasimula na itong magring.Pero walang sumasagot.Kaya mas lalo akong nataranta.

"Nurse,idala na po natin sya Mismo sa ospital.Mukhang iba po ang pakiramdam nya." Sabi ko at saka tumango naman ang nurse at nagsimula na syang magtawag ng ambulansya.

Hindi ako mapakali,labis ang pagaaalala ko sa kanya.

Maya Maya,dumating na ang ambulansya at agad isinakay ang walang Malay na si Isabella.

"Check nyo yung pulso nya" sabi ng isang nurse ng ospital.At saka kinapa ang pulso nya.At gumamit ng stethoscope para mas matignan kung gaano kabilis at kabagal ang pintig nito.

"Ma'am,Mabagal po ang pintig ng pulso nya" sagot ng kasama nya.

"Okay,Isuot nyo muna sa kanya ang oxygen mask dali" isinuot agad nila ang oxygen mask Kay Isabella.Para mas makihinga sya ng maayos.

Tinignan ko kaagad kung anong ospital nila sya dadalhin na nakasulat sa Likuran ng ambulansya.Ang pangalan ng ospital.

Thompson District Hospital

Kaagad na umalis ang ambulansya
sa pagmamadali na mailagay kaagad si Isabella sa ospital dahil sa hindi maayos na kalagayan nito.

Pumunta ako sa parking lot ng school para kunin ang motor ko.Nang maaninag ko na ang motor ko.Agad kong sinuot ang helmet ko at nagmamadaling pinaandar ito.Para masundan ko ang ambulansya kung saan inilagay si Isabella.

Sobrang bilis ng papaandar ko,Kinakabahan ako kay Isabella.Ano ba namin kasiii ehh..Bakit ganun?Ano bang nangyayari sa kanya.Baka naman kasiii kulang sa tulog o kaya nasobrahan sa pag aaral.Haysss..

Pinabilis ko pa ang pagharurot ng motor ko.Buti nalang ay may lisensya na ako o Student License.Kaya Hindi na ako masisita dito.

Nang makarating na ako sa ospital.Agad Kong pinark ang motor ko at sinundan sya.Tinakbo sya sa emergency para bigyan sya ng agarang lunas.

Sa ngayon.Andito ako sa lobby ng ospital.At kasalakuyang dina dial ang number ng mama ni Isabella.Baka sakaling may response sya.

Pinindot ko ang call at Agad naman itong nag ring.Nagriring ang tawag sa kabilang linya.Hinihintay ko na lamang na sagutin nya ito.

"HELLO?" Sagot sa kabilang linya.

"Hello po,Tita ako po ito si Hiro" pagpapakilala ko.

"Anong kailangan mo iho,bakit napatawag ka?" Tanong nito.

"Tita...Ano po kasi,si Isabella.Nasa Hospital po,Nawalan po sya ng Malay kanina" sabi ko sa kabilang linya.

"Ano?!Saang hospital yan??" Tanong nito na halatang natataranta pa.

"Dito po sa Thompson District Hospital" sagot ko,Pati din ako ay nakaramdam ng pagaalala sa sinapit nya.

"Sige Sige,pupunta na Ako dyan" sagot nito at Agad nitong pinatay ang tawag sa kabilang linya.Napasinghal ako dahil doon,at napatingin sa kawalan.

Maya Maya pa ay dumating na ang mama ni Isabella,Agad ko naman syang sinalubong at sinamahan sa kwarto ng anak nya.

Nang makarating kami sa kwarto ni Isabella,Agad napalapit ang mama nya at Agad hinawak hawakan ang anak.Dahil na din siguro sa pag aalala.

Nabaling ang tingin sa akin nito.Punong puno ng pagaalala ang itsura nito.

"Maraming salamat Hiro,Sa pagdala mo sa anak ko rito" sabi nito at saka ngumiti. "Hindi ko Alam kung paano kita pasasalamatan Iho.Dahil laging nandyan ka para sa anak ko.Gaya ng ginawa nyong paghatid sa kanya dati" dagdag nito at saka bigla akong niyakap.

Kumalas na sya sa yakap."Walang anuman po" sabi ko at saka ngumiti sa kanya.

"Sige po Tita,Tuloy na po ako.Kailangan ko na din po umalis" pagpapaalam ko."Sige iho,maraming salamat sa tulong mo.Mag iingat sa pag uwi ha?" Sabi nito at saka ngumiti.Nagpaalam na ako sa kanya at tuluyan na sanang lalabas.Napalingon ako at muling tumingin Kay Isabella, na ngayon ay wala pa ding Malay.

'Mag pagaling ka,Isabella'

Napangiti ako.Sana maging maayos na ang lagay nya.

Habang naglalakad palabas.Nakasalubong ko si Nica at Marie.Na puno ng pagaalala ang mukha.

"Uyy,Hiroo" sabi ni Nica at saka lumapit sa akin.

"Nasaan si Isabella??" Tanong ni Marie na sobrang nagaalala na.

"Nandun sya sa room 24,kasama yung mama nya" sabi ko sa kanila.

"Ano bang nangyari Sa kanyaaa??" Nagaalalang tanong nman ni Nica.

"Nahimatay sya kanina,Nakita ng nga estudyante..Sakto habang naglalakad ako,may nakita akong mga estudyante Na nagkukumpulan sa gilid.Tapos napansin Kong Isabella yun.Kaya Agad ko syang itinakbo sa clinic kasi ang bagal ng pintig ng pulso nya." Pagpapaliwanag ko,Napansin Kong sobrang lungkot ng mukha nila.

"Nakoo naman kasiii Ehhh,sabi ko isama kami kapag may pupuntahan syaaa" sabi ni Nica Na ngayon ay nakahawak Na sa noo nya at pabalik balik Na naglalakad.

"Stable Na ang pakiramdam nya.Magkakamalay na din daw sya maya maya sabi ng doctor" sabi ko.

"Sigeee,maraming salamat Hiro.Life Saver ka talaga"sabi ni Marie at Sabay tapik sa aking braso at tuluyan Na sila umalis.

Nagpatuloy Na din ako sa paglalakad. Papunta sa parking lot.

Mabuti naman.Sana okay Na ang pakiramdam nya.Sana maging okay Na sya.Hindi ko maitanggi sa sarili ko na sobra akong nag aalala ako para sa kanya.

Sumakay ako sa motorsiklo ko at Sinuot ang helmet at agad na  pinaharurot ito.


Hiii guyss!!This is Quinn_Arabells.. Thank you so much sa lahat ng mga nakabasa at nageffort na abangan ang mga susunod na kabanata...Thank you so much guysss!!

Kung nagustuhan nyo ang chapter na ito.Click the small star below this chapter,just a little support.hehehe..thanks a Lot Guyss!! AndGod bless you alwaysss!! mwapsss..

Quinn_Arabells❤

My Love From Afar ✓Where stories live. Discover now