XXX

812 23 9
                                    


Abi

"At dahil mahal kita katulad ng pagmamahal ko kay Agustin, hindi kita pahihirapan ng masyado sa iyong pagkamatay."

Tama ba ang narinig ko?

Mahal niya si Agustin?

"M-Mahal mo si A-Agustin?" nanghihinang tanong ko rito.

Pero paanong?

"Oo, mahal na mahal, ngunit hindi ko alam na sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay nagawa niya akong traydorin." tumitig ito sa akin.

"Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya pinatay ko sina mom and dad para ibigay ang ninanais niyang pera."

Napasinghap ako.

Nagawa niya ang bagay na 'yon, na patayin ang sarili niyang magulang para sa isang lalaki?

"Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya hinayaan ko siyang hulihin niya ako... PERO! Hindi ko na maatim pang manahimik at hindi maghiganti ng malaman kong may pamilya na ito! Minahal ko siya pero pinagpalit niya lang ako!" puno ng galit ang bawat salitang namumutawi sa bibig nito.

Hindi ko na kilala si ate.

Wala na dito ang dating nakilala ko na masayahin.

Ang dating puso nito na nagmamahal ngayon ay punong-puno na ng paghihiganti.

Walang salita ang gustong lumabas sa aking bibig.

Naiintindihan ko na ngayon.

Ipinagpalit siya ni tito sa mom ni Chri--Hindi!

Hindi siya ipinagpalit nito dahil unang-una hindi siya nito minahal.

Siya lamang ang bukod tanging nagpakamartyr dito.

Baliw na siya,

baliw na si Ate!

Nagpakabaliw siya sa isang tao na walang ginawa kun'di ang gamitin lang siya.

Napailing ako ng bahagya.

Naaawang napopoot ako kay ate.

Masyado siyang nagpakahibang.

Naramdaman ko itong tumayo at akma ng aalis, nagpalinga-linga ako para hanapin ang baril na nabitawan ko.

Kailangan ko na itong wakasan.

Kailangan ko ng wakasan ang kahibangan niya.

Ang kahibangan ni ate!

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa may tiyan, nanlalabo na rin ang aking mga mata.

Malapit na itong mawala sa paningin ko.

Kapa lang ako ng kapa at isa pang kapa ay diretsong dumapo ang kamay ko sa malamig na baril.

Agad ko itong kinuha at mahigpit na hinawakan, kahit na nanlalabo ang mata itinutok ko ito sa likuran ni ate.

Isang putok lang.

Isang putok.

Umalingawngaw ang isang putok ng baril sa loob ng bahay.

EATWhere stories live. Discover now