XII

831 40 4
                                    


Abi

"Meron nga pala tayong transfer! At balita ko pogi daw shemay!" kinikilig na sigaw ng kaklase ko.

Nagsitahimikan sila ng pumasok na ang adviser namin, sinabi niya sa amin na may mag ta-transfer nga at tinawag na niya ito para magpakilala.

"I'm Christofer Chavez, 18... You can call me Christof for short. Nice to meet you all." at nagbow pa ito.

Marami ang kinilig at marami din ang nagulat dahil sa edad nito. Para sa isang grade 10 student masyado siyang matanda.

"Sit beside ms. Santos." sabi ni ma'am

Nagulat naman ako at ganoon rin ang mga kaklase ko.

Marami ang violent reaction.

Sabagay, ako nga lang pala ang walang katabi dahil ayaw nilang tumabi sa akin.

Habang papalapit siya sa upuan ay nakititig lamang ako sa harap.

"Hi!" nakangiting bati nito sa akin pagka-upo niya.

Tinitigan ko lang ito ng ilang segundo at ibinalik na sa harapan ang paningin ko.

"Ah hehe." napapahiyang tawa nito at hindi na nagsalita pa.

Discuss

Discuss

Discuss

Recess

Hindi ko ugaling pumunta ng canteen, lagi akong dumideretso sa cr para doon tumambay.

Papasok pa lamang ako ng cr ng makasalubong ko ang transferee, ngumiti ito pero hindi ko na pinansin at tuloy-tuloy na akong pumasok sa cr.

Pumasok ako sa isang cubicle at doon umupo, ipinatong ko ang ulo ko sa mga tuhod ko at pumikit.

Sa pamamagitan nito ay nakakaramdam ako ng kapayapaan, kaunting kapayapaan.

*Kriiiingg!*

Hudyat na tapos na ang break time, mabilis akong tumayo at lumakad papalabas ngunit saktong pagbukas ko ay tumambad sa akin ang mukha ng transferee.

"U-Umano ka? Ba't ang tagal mo ha-ha." nai-ilang na tanong nito.

"Why?" poker-face na tanong ko rito.

"Hinihintay kasi k-kita." sabay iwas nito ng tingin.

Hindi ko na ito pinansin at tumuloy na akong umalis.

Hinabol naman ako nito. "W-Wait ha-ha." naiilang pa rin nitong sabi.

"Huwag mo kong sundan at 'wag kang lumapit sa 'kin." diretsa kong sabi dito at sinamaan pa ito ng tingin.

"Ang sungit m-mo naman hehe." sabi nito habang pakamot kamot pa sa ulo.

"Wala akong oras para makipag-usap sayo okay?" huling tingin ko sa kanya at tuluyan na siyang iniwan.

Pagkaupo ko sa upuan ko ay siya ring pag-upo niya sa tabi ko. Tahimik lang ito.

"Vacant tayo guys! Wala si ma'am may meeting daw sila sa office." announce ng president namin sa classroom.

EATWhere stories live. Discover now