XIV

728 32 0
                                    


Abi

"I'LL KILL YOU!" nanggagalaiting sigaw ng babae at kasabay noon ang pagwasiwas nito ng kutsilyo papunta sa akin.

Mabilis akong nakabawi at sinangga ang kamay niya na may hawak na kutsilyo.

Habang hawak-hawak ko siya, tinuhuran ko ito sa tiyan, napaubo ito at ang malala tumalsik pa sa mukha ko ang laway niya.

Napahiga ito sa gilid kaya kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para tumayo at agawin sa kanya ang kutsilyo, nagtagumpay naman ako.

Bago ko siya patayin ay gaganti muna ako, sinabunutan ko rin ito at pinukpok ng sobrang lakas sa sahig ang ulo niya.

Isang pukpok lang ay nakatulog na agad ito.

"N-No..." nanghihinang usal ng lalaki sa likuran ko.

Pinipilit nitong gumagapang papalapit sa akin.

Gamit ang kutsilyo tuloy-tuloy ko itong itinarak sa kanyang leeg, ramdam ko pa ang malutong na pagbaon nito.

Kumalat ang maraming dugo.

Pagkatapos kong patayin ang lalaki, agad kong hinila pababa ang babae at dinala ito sa may basement.

Madilim sa loob, hinanap ko pa ang switch at nang mai-on ko na, laking gulat ko dahil ang daming tuyong dugo ang nasa pader at mayroon pang lubid na nakaitsurang pang-bigti at mga upuan na may mga bahid din ng dugo.

Nagtaka ako bigla dahil huling pasok ko dito ay wala ang mga ito.

Hinila ko papasok ang katawan ng babae at isinara ang pintuan.

Kumuha ako ng isang upuan at iniupo doon ang hubo't-hubad na babae, pinigtas ko naman ang lubid na nakasabit gamit ang maliit kong kutsilyo na lagi kong dala. Ipinantali ko ito sa babae para hindi siya makawala.

Naghintay pa ako ng ilang oras hanggang sa naramdaman kong gising na ang babae. Unti-unti itong nagmulat at dahan-dahang tumaas ang ulo nito

Nagtama ang aming paningin.

"Kamusta?" nakangisi kong tanong dito.

Nanlaki ang mata nito at tiningnan ang sarili, bigla itong nagpumiglas ng mapagtanto ang kanyang sitwasyon.

"Hayop ka! Let me go!" sigaw nito sa akin habang pilit pa rin nagpupumiglas.

"Nah-ah!" sabi ko dito habang iwinawasiwas ang dala kong maso na nakuha ko dito sa loob ng basement.

"Who are you?!!" tanong nito.

"Meh?" pangi-inis ko dito.

"I said who the fuck are you!" galit nitong tanong.

"Sa bawat pagtuklas peligro ang nakaabang." panggagaya ko sa linya ni ate, hinding hindi ko ito malilimutan dahil tumatak na ito sa isipan ko.

"What do you want from me?!"

"Nothing." mabilis kong sagot at agad na ipinalo ang maso sa hita nito.

EATWhere stories live. Discover now