XVIII

704 36 5
                                    


Abi

Naramdaman kong may pinindot ito sa may bandang manibela at biglang bumukas ang pinto na nasa harap ko.

Tinulak ako nito dahilan ng pagkasubsob ko sa sahig, hindi agad ako nakatayo dahil nasa kalagitnaan ako ng paghabol sa aking hininga.

May sinabi ito sa akin ngunit hindi ko masyadong narinig dahil sumara na ang pinto ng kotse at mabilis itong pinaharurot.

Nanginginig ako sa galit sa ginawa niya sa akin, gusto ko siyang patayin!

Napansin ko naman na nasa harap na pala ako ng bahay ko.

Paano niya nalaman kung saan ako nakatira? Wala akong maalala na sinabi ko iyon sa kanya.

Kinabahan ako at kinutuban ng masama.

Masyado mong ginugulo ang isip ko, sino ka ba talaga?

• • • • • •

Lumipas ang ilang linggo at nakapasok na si Christof, hindi sa inaalala ko siya kun'di may kailangan lang akong alamin dito.

Oras ng klase at as usual magkatabi kami ng pwesto. Tinawag ko ito na hindi mahahalata ng guro.

"What the! Totoo ba 'to? Ikaw unang pumansin sa 'kin?" gulat na tanong nito.

Pinatahimik ko ito at sumenyas na mamaya na lang, ang kaso masyado na siyang naku-curious.

"May itatanong ako sa 'yo mamayang break time." sabi ko rito na nakatuon pa rin ang mga mata kay ma'am.

"Ngayon na." pagpupumilit nito.

"'Wag kang makulit." suway ko.

"In one condition pala." ngumiti ito ng nakakaloko.

Tinaasan ko ito ng isang kilay.

"Sabayan mo ko mag-lunch." matamis itong ngumiti sa akin.

"No."

"Edi bawal magtanong."

Bino-blockmail ata ako nito ah.

"Fine." pagpayag ko.

"Yes!" sigaw nito.

"Any problem Mr. Santos?!" inis na tanong ng guro kay Chris.

Well yeah, nagulat din ako na magkaparehas kaming apellido pero hindi kami konektado sa isa't-isa.

"N-Nothing ma'am!" kabadong sagot niya.

Siniringan lamang ito ng guro at napatuloy sa pagsusulat sa pisara.

Hindi na kami nagkibuan matapos 'yon, hinihintay na lang namin parehas ang lunch break.

*POK*

Bigla akong napalingon sa bumato sa akin ng papel, ngunit hindi ko na ito malaman kung sino.

Pinulot ko ito at binuklat.

"You slut! Chris is mine! Back off bitch!" at may naka-drawing pa na middle finger.

*KRIIIIINNGGG!*

"Tara!" yaya sa akin ni Chris.

Tinapon ko na lang sa basurahan ang papel at sumunod na kay Chris.

Pagdating namin sa canteen, nagtinginan ang mga estudyante. Sino ba naman ang hindi mabibigla dahil ito ang kauna-unahang pasok ko rito, ang iba sa kanila ay kinikilala pa muna ako at ang iba naman ay akala transferee ako.

Umupo kami ni Chris sa may bandang likurang lamesa, sa hindi masyadong matao.

"Ano gusto mong kainin?" tanong nito.

EATWhere stories live. Discover now