VII

891 40 0
                                    


SHARMAIN


"MOMMY!!!" nagising ako sa biglaang pagsigaw ni Abi sa kalagitnaan ng gabi.

Umiiyak nanaman ito, ngayon na lamang siya ulit nagkaganito. Pinatahan ko siya at hinele sa pagtulog at nakatulog naman agad.

Tsk! Hirap atang mawala sa utak nito ang mga magulang niya.

Nakatulog naman rin ako agad.

Kinabukasan maaga akong nagising, nakita kong tulog pa si Abi kaya bumaba na ako at naghanda na ng almusal.

At dahil wala na kaming taong pwedeng katayin, ay itlog at ham na lang ang iniluto ko, nagtimpla rin ako ng gatas.

May pupuntahan pala kami ni Abi ngayon. Ie-enrol ko na kasi siya sa kinder. Gusto ko siyang pag-aralin para kahit papaano ay matutong magbasa at magsulat 'to.

Pagkatapos kumain ay naligo at nagbihis na kami ni Abi at pumunta na ng school kung saan siya mag-aaral.

Makalipas ang ilang oras ay na enrol ko na rin ito, maari na siyang pumasok bukas, medyo late ang kanyang pag-aaral dahil nahinto nga ito dahil sa trahedyang naganap sakanya.

Pagdating sa bahay, pinagsabihan ko ito na huwag na huwag niyang sasabihin ang ginawa naming pagkain sa pusa at pagluto sa babae, dahil paghihiwalayin niya kami kapag sinabi niya iyon. Tumango tango naman ito at ngumit.

Nagpaalam ako rito na lalabas lang saglit para maghanap ng foods.

Ginamit ko ang kotse namin para manghagilap ng taong pwedeng biktimahin, at habang papalabas ng masukal na daan ay may nakita akong lalaki na nagyoyosi at siya lang mag-isa.

Hindi ko kilala ang lalaki.

Ipinarada ko sa may hindi kalayuan ang kotse ko at lumabas na dalang ang baril na may silencer. Mabilis kong sinundan ang lalaki at parang naramdaman naman nito ang presensiya ko kaya sinukbit ko muna sa may likod ng pantaloon ko ang baril.

"Sinusundan mo ba ako?" tanong ng lalaki ng hindi pa rin nakaharap sa akin. Maputi ito at may mga tattoo, naka sando lamang ito kaya kitang kita ko ang naglalakihang tatto nito sa likod.

Unti-unti itong humarap sa akin at gayon na lamang ang kabang naramdaman ko sa aking nakita, titig na titig ako at hindi ko maigalaw ang aking mga tuhod at para bang babagsak ito ano mang sandali.

Hindi maaari...

Paanong nangyari...

"M-Mark..." walang kurap na sambit ko sa dito.

Paanong nangyari na buhay pa siya!

Hindi!

Hindi!

HINDI!

Sa sobrang pagkabigla ay naipikit ko ang aking mga mata at marahas na napailing. Tinignan ko ulit ang lalaki ngunit laking gulat ko ng hindi na ito si Mark, ibang mukha na ang nakikita ko, pero yun pa rin ang mga tattoo at sando.

Malik-mata

"Baliw ka ba miss?"

Nakataas na kilay nitong tanong, mukha itong gangster kung saan-saan. Tinignan ko muna ang paligid at ng masigurado kong clear ang area ay kinuha ko na ang baril sa likod ko at itinutok sa kanya.

Napa "oopppssss" naman ito habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. Makikita mo sa mukha nito ang takot at kaba.

"hehehe sorry" at isang kalabit ko ng baril ay tumama sa pagitan ng kaliwang mata at ilong niya ang bala. Mabilis na natumba ito at malakas ang naging impak nito sa daan.

EATWhere stories live. Discover now