XXVIII

650 29 2
                                    


SHARMAIN

Gusto kong matawa dahil sa sobrang uto-uto ng dalawa.

Napakadali nilang lokohin.

Mga tanga!

Pinagmamasdan ko ngayon ang pagmumukha ng lalaking ito.

Mahimbing pa rin itong natutulog simula kanina.

Nagulat kasi ako ng magising siya kaya agad kong tinurok sa kanya ang syringe na nasa gilid ng lamesa.

Naalala ko tuloy noong nasa mental pa ako, puro ako tusok sa katawan dahil sa mga pesteng syringe na yan.

Hindi naman talaga ako baliw, ginawa lang nila akong baliw.

Well, I guess nag-tagumpay sila.

Naghihintay na lamang ako rito sa kinauupuan ko ng pagdating nila.

Sigurado ako na natataranta na ang mga 'yon kahahanap kay Chris, pero alam ko namang mautak si Abi kaya mamaya lang nandito na iyon


Abi

Sobrang lakas ng pintig ng puso ko ng hindi ko maabutan si Chris sa kwarto.

Ang mga bantay na kaninang narito lamang sa labas ay mga nakahandusay na sa loob ng kwarto.

Naramdaman ko ang pagpasok ni Agustin, agad kong nilapitan ito at inayang bumalik sa bahay ni ate.

Malakas ang kutob ko na sinalisihan kami nito.

Una ay ayaw pa ni Agustin pero kalauna'y napapayag ko rin ito.

Sa kotse na niya ako sumakay, inabutan ako nito ng isang baril.

Mabilis itong nagmaneho at ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bahay.

Madilim na ang paligid dahil mag-gagabi na.

Agad kaming pumasok sa loob ngunit wala kaming makita sa sobrang dilim, naging alerto kami dahil baka mamaya bigla na lamang sumugod si ate.

Dahan-dahan ang bawat hakbang namin at hangga't maaari ay hindi kami makagawa ng anumang ingay.

Muntik na akong mapatalon ng biglang bumukas ang T.V sa sala na nakaharap ngayon sa amin.

Nakatutok lamang ang baril namin dito.

Masakit sa tainga ang inilalabas nitong sounds.

Maya-maya lang ay tumigil ito.

Naghintay pa kami ng ilang segundo at ng wala ng iba pang nangyari ay dahan-dahan akong lumapit sa T.V

Ngunit ganoon na lamang ang pagkagimbal ko ng bumukas ulit ang T.V  at sa pagkakataong 'to kitang-kita ko si Chris na nakaupo habang nakatali sa bangko.

"Nagustuhan niyo ba ang aking sorpresa?"

Napahigpit ang aking kapit sa baril ng biglang may nagsalita na nanggagaling sa speaker.

EATWhere stories live. Discover now