III

1.2K 50 39
                                    


SHARMAIN

Napagpasiyahan kong adobo na lang ang iluto, dinuguan sana kaso wala na siyang dugo.

Nagsimula na akong magluto at pinagsama-sama ko na ang mga sangkap na aking gagamitin.

Ingredients:

Sibuyas
Bawang
Paminta
Toyo
Suka
Mantika
at ang puwet ni Mark

Hinugasan ko muna ang karne at hiniwa ito ng maliliit, pagkatapos, inilagay ko na ito sa kaserola at nilagyan na ng mga sangkap at agad na itong isinalang sa apoy para kumapit ang lasa ng mga inilagay kong ingredients.

Pagkatapos kumulo ay nilagay ko muna ito sa may gilid, nag-gisa na ako ng sibuyas at bawang sa kawali. Nang mapula pula na ang bawang ay inilagay ko na agad ang pinakuluan ko kanina.

Ang bango ng amoy, nakakagutom, ano kaya ang lasa ng taba ng puwet mo Mark? Hmm...

Nang maluto na ay agad-agad na akong sumandok at kumain. Kung titignan mo ang ulam parang karne lang ito ng baboy, pero kakaiba ang lasa nito, mas malinamnam at malasa.

Ang sarap talaga ng karne ng tao, the best! Busog na busog ako, salamat sa puwet mo Mark at binusog ako nito.

At ang itatawag ko sa specialty kong ito ay, "Adobo Umano".

Kahit medyo maaga pa ay gustong-gusto na ng katawan kong matulog, sobra talaga akong napagod kanina sa paglilinis.

Doon na ako sa kwarto ko matutulog mamaya, baka multuhin ako nila mom and dad kiddin', hindi ako naniniwala sa multo, pero naniniwala ako sa kasabihan na...

"Huwag kang matakot sa multo, mas matakot ka sa tao dahil nananakit ito" katulad ko haha.

These past days parang musika sa pandinig ko ang mga sigaw ng paghihinagpis at paghingi ng tulong ng mga taong kinakatay sa pinapanood ko, ang sarap lang pakinggan.

Noong nag-aaral pa ako lagi akong nasasabihan na weird dahil iba-iba daw ang personality ko at ang bilis daw nitong magbago pero wala akong split personality talagang mabilis lang magbago ang mood ko.

Madalang lang akong maging masaya dahil tampulan ako ng tukso at lagi akong nabubully na kesyo masasamang tao daw ang magulang ko. Pati ang mga kaibigan ko na akala ko ipagtatanggol ako ay nakisama pa sa panunukso sa akin.

Kung inaakala niyong close kami ni Mark, that's a big NO, sabi ko nga siya lang ang naglagay ng label sa aming dalawa dahil type niya ako.

Suicidal ako, depressed na depressed pero I want to enjoy life muna bago ko kitilin ang sarili kong buhay. Gusto ko munang lumasap ng ligaya sa pamamagitan ng paghihiganti sakanila at gawin ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa.

Yes, I do believed in God and also kay Satan. Alam ko naman na sa simula pa lang sa impyerno na ako mapupunta kapag namatay ako.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at bigla na lang nagising dahil sa alarm, 3:00 A.M pa lang. Nakalimutan ko pa lang i-adjust ito.

Bigla akong nakaramdam ng pagkulo ng tiyan ko.

Teka? Nagugutom nanaman ako? Palagi na lang akong gutom hays. Tinignan ko naman ang ref kung saan nakatago ang katawan ni Mark. Hmm... Mukhang exciting to ah.

Lumapit ako at kinuha ang hinanda ko ng kutsilyo sa gilid, binuksan ko ang ref at tumambad nanaman sa akin ang katawan ni Mark na nakatuwad at tapyas na ang puwet.

Inabot ko ang leeg nito, matigas na kaya medyo nahirapan akong kuhanin 'to, kaya sa loob ko na lang hiniwa.

Kahit na medyo nahihirapan ay nagawa ko pa rin matanggal ang ulo nito sa katawan niya, medyo pinagpawisan ako dahil kapit na kapit pa rin ang buto niya na nagkokonekta sa ulo at katawan.

EATWhere stories live. Discover now