VI

913 41 3
                                    


SHARMAIN

*DING*DONG*

Binuksan ko ang gate at tumambad sa akin ang mukha ni aling Cora.

"Ano ho iyon?" tanong ko rito.

"Y-Yung p-pusa ko k-kasi nawa-wawala nakita m-mo b-ba?"

May sakit sa pag-iisip si aling Cora kaya ganyan na lamang siya kapag kausap mo.

Siguro ang tinutukoy nitong pusa ay ang kinatay ko at ginawa kong giniling.

Sinagot ko naman ito na hindi ko nakita ang alaga niyang pusa. Hindi ko naman pwedeng sabihin na pinatay ko ito at niluto.

Umalis na ito ng may pa tango-tango pa hanggang sa makalayo, baliw talaga.

Kaarawan ko ngayon kaya naisipan kong mag-celebrate kami ni Abi. Nilinis namin ang bahay at nagdecorate, nilagay ko sa gitna ng lamesa sa sala kung saan kami magdidiwang ang bungo ni Mark na nilinisan ko kanina kasama ang bungo no'ng babae. Nahirapan pa ako sa paglilinis dahil ang kay Mark ay may amoy na at yung sa babae ay mahirap pang alisin ang mga laman ba 'yon? I don't know basta medyo madikit pa.

So, marunong naman akong mag-bake ng cake kahit papaano, tinuruan ako ni Mom noon.

Syempre kumuha ako ng mga ingredients para sa paggawa ng cake. Imbes na tinapay ang ipapaloob ko ay yung utak na ini-slice ang ginamit ko, nagegets niyo ba? So idk kung hindi baka mainis ako at matusok ko 'yang mata mo at hugutin kasama utak mo sa sobrang slow mo.

Pagkatapos kong pagpatong-patungin ang naka-slice na utak gamit ang puting sangkap ay binalutan ko naman ito ng kulay puti rin na sangkap, hinuhulma ko ito gamit ang kutsilyo. Hindi nagtagal natago na nito ang utak sa loob at mukha na lamang itong normal na cake.

Pinutol ko ang mga daliri ng babae at kinuha ang mga kuko nito para gawing crown sa ibabaw ng cake, pinagdikit-dikit ko ito at nakagawa nga ako ng isang korona.

Ang natirang daliri naman na wala ng mga kuko ay ipinang-design ko sa gilid, i-dinikit ko ito ng patayo ngunit hindi ito nagkasya kaya dinagdag ko na rin ang sa paa. Syempre iprinito ko muna ito. Kinuha ko rin ang eyeballs nito at hiniwa sa gitna at nilagay sa baba ng cake sa gilid ng korona. Nilagyan ko pa ito ng ibat ibang toppings at sa wakas natapos din.

Ipinakita ko ito kay Abi at laking tuwa niya ng masilayan ang unang cake na nagawa kong mag-isa. Sa gitna ng korona ay nilagay ko ang kandila pero di ko muna sinindihan.

Nagluto muna ako ng ibang potahe para may pagsaluhan pa kami ni Abi at ginamit kong sangkap ay ang natitirang laman no'ng babae.

Nagluto ako ng menudo at higado. Binigyan ko naman ang kalapit-bahay namin, nagpasalamat ang mga ito at humingi ng paumanhin dahil nalimutan nila ang araw ng kaarawan ko.

Nabigla ako, dahil dati-rati naman ay lagi silang nasa bahay at maaga pa ng trenta minuto ang dating nila bago ang simula ng pagdiriwang sa kaarawan ko, ngunit ngayon? tao nga naman.

Bumalik na ako agad sa bahay para ipagdiwang na namin ni Abi ang aking kaarawan.

"Happy 18th birthday ate!" sabi ni Abi sa masiglang tono.

Pinasalamatan ko naman ito at sabay naming hinipan ang kandila ng cake. Nakangiti kami pareho ng mamatay ang ilaw nito.

Nagsimula na kaming kumain at kita kong ganado si Abi na lantakan ang mga niluto ko, napangiti na lamang ako. Pagkatapos namin kumain ay pinaghatian naman namin ang cake na utak, ang bahaging may daliri ng kamay ay sa akin napunta at kay Abi naman ang may bahaging paa.

Pagkaubos namin ng cake ay naglinis na kami at ang natirang ulam ay ni-ref muna namin.

Alas-kwatro pa lang naman ng hapon kaya't napagpasyahan kong gawin ang maghukay sa likurang bahagi ng bahay kung saan walang maaaring makakita sa akin.

Nilaliman ko ang paghuhukay at ng matapos saka ako bumalik sa loob ng bahay, madilim na rin, kasi dahil dalawang oras ko rin binuno ang paghuhukay. Nilagay ko sa loob ng sako ang mga buto ni Mark at isinama ko na rin ang buto no'ng babae dahil malaki rin naman ang sako at kasya pa ito.

Hinatak ko ito hanggang mailabas ko sa pinto dito sa likod, may pinto rin kasi sa likod ng bahay para madali makalabas kung pupunta ka ng likod.

Inihagis ko ito sa hukay at tinakpan muna ng malaking plywood at nilagyan ng mga pampabigat, makapal naman ang plywood kaya no worries.

Sakto naman ang pag-ulan kaya tumakbo na ako sa loob. Nadatnan ko si Abi na natutulog habang bukas ang tv, siguro nakatulog na kakahintay sa akin. Nagtimpla muna ako ng gatas nito bago ito ginising.

Dumeretso na kami sa taas para mag shower muna at natulog na ng tuluyan, napagod ako sa pagluluto kaya mabilis akong kinain ng kadiliman.

• • • • • •

Makalipas ang ilang linggo, naayos ko na ang papel ni Abi. Simula ngayon ay ako na ang may ari sa kanya. Mabilis lang ang proseso kapag may pera ka.

Tuwing gabi ay naalimpungatan ako dahil sa pag-iyak ni Abi, binabangungot pala ito, kaya ang ginagawa ko ay pinapanood ko ito ng mga gore vids para maging immune na ito sa mga ganitong eksena. Hindi ko alam kung naaalala niya pa ang mga magulang niya pero wala naman na itong binabanggit.

Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay mayroong nag doorbell kaya bigla ako napaigtad sa kinakaupuan ko. Madali akong lumabas at pinagbuksan kung sino ito.

"Eto na pala yung lalagyan ng pinaglagyan mo ng ulam na ibinigay mo sa amin noong birthday mo, nakalimutan na naming isauli kasi maraming inaasikaso. Nadiyan na rin yung kay kumare pinasabay na niya. Salamat daw at salamat rin kasi ang sarap ng pagkakaluto, ang linamnam." Mahaba ngunit nakangiting sabi nito.

'Hindi ko naman na kailangan nito, marami akong pambili nito!' gusto kong sabihin dito ngunit hindi na ako nag abala pang ilitanya ito. Tumango na lamang ako at ngumiti saka nagpaalam at isinara na ang gate.

Narinig ko pang bulong nito.

"Weird..."

Napahinto ako saglit at agad rin naman itinuloy ang paglakad papasok ng bahay.

- - - - - -

Thanks for reading! Votes and comments are highly appreciated! ⭐

Please do follow me on:
wattpad - manangash
twitter - @manangash
facebook - Manang Ash

GODBLESS!

EATWhere stories live. Discover now