XX

725 34 8
                                    


THIRD PERSON
POV

"Ma'am! Nagwawala po ang isang pasyente sa canteen!"

Dali-daling nagsitakbuhan ang mga nurse upang puntahan ang nangyayaring kaguluhan.

Ngunit nagulat na lamang ang mga ito sa nasaksihan.

Puro dugo ang paligid.

Kalat ang mga lamang loob.

Wala ni isa ang natirang buhay.

Hinahanap nila ang salarin ngunit ito'y mailap.

Ni anino nito'y ayaw magpakita.

Nakatulala lamang sila sa nasaksihan.

"Wag kang lilingon." bulong ng isang babae sa tainga ng lalaki na nasa hulihan.

Ngunit lumingon ito na naging dahilan ng kanyang maagang pagpanaw.

Isang kutsilyo ang tumagos sa ulo nito pasok sa mata.

Nagsitilian at nagtakbuhan ang mga natitirang nurse na nakakita, hindi alam kung saan tutungo.

Sa isang kurap lamang ay sumabog ang mga bungo nila.

Masayang-masaya ang demonyo dahil nagtagumpay ito sa plano niya.

Pangisi-ngisi pa ito nang lumabas sa isang gusali.

"Wait for me Abi."

Sa kabilang banda.

"Hello attorney! Y-Yung dinala niyo po rito noon na babae nakatakas! M-Marami po siyang napatay halos higit sa kalahating porsiyento ng tao sa loob ay patay na."

"Shit! This is bad! Find her no matter what!"

"B-But si--"

"Are we clear!?"

"Y-Yes sir!"

Matapos ang tawag, binato nito ang telepono na nagkawasak-wasak sa lapag.

Isa ka talagang demonyo SHARMAIN!

SHARMAIN


Ang tagal kong naghintay para sa araw na ito, at ngayong malaya na ako makakaganti na rin ako sa lahat ng may kagagawan sa akin nito, at lalo na sayo.

Maghintay lang kayo sa pagbabalik ko, pangako, hinding-hindi niyo na masisilayan pa ang umaga.

Sa tuwing naaalala ko ang araw na 'yon ay mas lalong tumitindi ang galit na nararamdaman ko. Gusto ko silang patayin lahat at walang ititira ni kuko nila.

10 years ago...

Rinig na rinig na namin ni Abi ang sigaw ng mga pulis, biglang napakapit sa akin si Abi na parang natatakot.

"Huwag kang matakot, tumakbo ka na dalian mo hangga't wala pang mga pulis sa likod. Daliii!!"

Nakatingin pa rin ito sa akin.

"GO!"

Mabilis itong tumakbo at lumabas ng pinto.

Sa pagkawala niya sa paningin ko ay siya namang pagbukas ng pinto at tuloy-tuloy na pagpasok ng mga pulis.

EATWhere stories live. Discover now