X

815 39 8
                                    


SHARMAIN

"M-Mauna na a-ako." tangkang pag-alis nito.

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Pagkalabas nito ng kusina ay sinenyasan ko si Abi na lumabas sa backdoor at umikot papunta sa harap ng main door at maghintay doon.

Bago lumabas ay kumuha muna ako ng dalawang kitchen knife at inabot kay Abi ang isa.

Mabilis na tumakbo si Abi at ako naman ay sumunod kay ma'am Joan, tago-tago ang kutsilyo sa likod ay mabilis kong hinarang si ma'am Joan habang nakangiti.

"Ang aga mo naman aalis ma'am? Tapos na ba ang pagtututor mo kay Abi? May 1hr pa ah?" Nakangisi kong tanong dito.

"M-May urgent m-meeting kasi, m-may t-tumawag sa kin k-kay---

Hindi na nito naituloy ang sasabihin ng ilabas ko na mula sa likod ko ang kutsilyo.

"P-Please maawa ka please..." umiiyak na nitong pagmamakaawa habang nakaluhod sa harap ko.

Habang lumalapit ako dito ay siya namang pag-atras niya.

"M-Meron pa akong p-pamilya na kailangang b-buhayin" sabi nito sa pagitan ng pag-iyak niya.

Ngumiti naman ako at tumayo ng diretso sabay alok sa kanya ng pinto. Nagtataka naman itong tumingin sa akin.

"P'wede ka nang makaalis." Nakangiti kong sabi dito.

Dali-dali niyang kinuha ang bag niya at tumakbo papuntang pinto ngunit saktong pagbukas nito ay siya ring pagbagsak niya ng dahan-dahan.

Mabilis na isinara ni Abi ang pinto. Lumapit ito kay ma'am at mabilis na hinigit ang kutsilyong nakabaon sa tiyan nito.

Namamalipit at hindi alam ang gagawin ni ma'am Joana sa kanyang tiyan na ngayon ay hindi na mapigilan ang pag-agos ng napakaraming dugo.

Nakatayo lang si Abi sa gilid nito habang tinitignan siya.

"Go." walang ganang sagot ko kay Abi at tinalikuran na ito.

Naririnig ko pa rin na nagmamakaawa ang babae pero hindi ito pinansin ni Abi at paglingon ko, kitang kita ko kung paano saksakin ni Abi ang babae sa leeg nito na siyang ikinasirit ng maraming dugo.

Tumalsik ang dugo nito sa iba't-ibang parte ng sala. Hinawakan nito ang kanyang leeg ngunit hindi rin nagtagal ay nawalan na ito ng buhay.

Lumapit ako ulit at chineck kung buhay pa pero patay na talaga. Tinulungan ako ni Abi na dalhin ito sa basement at ilagay sa napakalaking lata.

Kinuha ko ang gasolina at ibinuhos rito sabay sindi ng posporo at inihagis sa loob ng lata kung saan naroon ang katawan ni ma'am Joana kasama ng mga gamit niya.

"Sa bawat pagtuklas peligro ang nakaabang." litanya ko sa nagaapoy na lata na nasa harap ko.

Bago kami lumabas ni Abi ay tinakpan ko muna ang lata para hindi lumabas ang usok nito at kumalat ang apoy, pagkatapos, nilinis namin ang mga dugo na nagkalat.

Hindi ko na balak pang kainin si Joana dahil masyado na kaming maraming stock ng karneng tao sa ref.

Umakyat na kami ng kwarto at naligo, naglalagkitan na kami dahil nalagyan ako ng dugo ng Joana na 'yon kanina.

Habang naliligo pakiramdam ko ay may mga matang nakamasid sa akin kaya bigla akong napahinto sa pagshoshower at tumingin sa buong cr pero wala namang kakaiba kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagligo.

*Knock!* *Knock!*

Rinig kong pagkatok sa pintuan ng cr, alam kong si Abi to kaya hinayaan ko na lang. Mabilis akong nag bathrobe at pagkabukas ko ng pinto ay wala ni anino ni Abi ang nakita ko.

"ABI!" tawag ko rito.

Narinig ko ang pag-akyat nito sa hagdan.

"Ikaw ba ang kumatok sa pinto?" tanong ko dito.

"H-Hindi po." nakayukong sagot niya.

Nagtaka naman ako, kung sa gano'n sino ang kumatok? Ipinagsawalang bahala ko na lang ito kaysa takutin ko pa ang sarili ko.

Sabay na kaming bumaba ni Abi at nag dinner.

Kinabukasan...

"Bibili lang ako ng mga ingredients sa mall dahil ubos na stock natin, bantayan mo ang bahay." bilin ko kay Abi

Pagdating ko sa mall ay laking gulat ko ng maraming pictures ang nakadikit sa mga pader at kilala ko kung sino ang taong yon na nasa litrato.

Dali-dali akong lumabas at pinaharurot ang kotse ko pabalik ng bahay, ngunit sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko ay bigla na lang may mga pulis ang nakasunod na sa akin.

Mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho at naunahan ko nga sila.

Mabilis akong bumaba ng kotse at pumasok sa bahay na hingal na hingal.

"ABI!" tawag ko dito.

Umakyat na ako sa kwarto at nakita ko itong madaling nagtitsinelas ngunit ng makita ako ay yumuko ito.

"Diyan ka lang, huwag kang aalis hintayin mo ako." mabilisang sabi ko dito at tumakbo papuntang kwarto nila mom and dad at binuksan ang volt, kinuha ko lahat ng pera at inilagay sa bag na katamtaman ang laki.

Bumalik ako sa kwarto at inabot kay Abi ang bag, nagtataka pa ito bago niya inabot. Binuksan ko ang kabinet at kinuha ang sobre na naroon na naglalaman ng pagkatao niya at inilagay rin iyon sa bag.

Humarap ako kay Abi at isinukbit sa likod niya ang bag na itim. Hindi naman ito kabigatan.

"May darating na mga pulis dito mamaya at huwag na huwag kang magpapakita sa kanila okay?! Dumaan ka sa backdoor at dumeretso ka sa bakod may makikita ka doon na maliit na pinto buksan mo 'yon at doon ka dumaan para tumakas." hingal na sabi ko dito.

"Bakit po ako tatakas?" inosenteng tanong nito.

"Gusto mo bang mamatay?" tanong ko dito.

"H-Hindi po." napayukong sabi nito.

"Kung gano'n, sundin mo na lang ang sinasabi ko naiintindihan mo?" pananakot ko rito.

"O-Opo."

"Huwag kang magpapakita sa mga pulis ha? Tumakbo ka ng mabilis na walang ingay." paalala ko pa dito.

Nagulat ako ng biglang kumalabog ng malakas ang pinto sa harap. Sunod-sunod ang pagkatok at pagtawag.

Lumapit ako sa bintana at sumilip ng bahagya at doon nakita ko ang napagkaraming nakapalibot na mga pulis.

Mabilis kong hinanap ang baril ko sa drawer ngunit bigla na lang may nalaglag na kung ano sa paanan ko.

Dinampot ko ito at naalala ko na ito ang ibinigay sa akin no'ng bata sa mall. Lumapit ako kay Abi at isinuot ito sa leeg niya.

"Huwag mong huhubarin yan ha? Sa pamamagitan niyan lagi mo akong maaalala ." nakangiti kong sabi dito.

Tumango naman ito.

May inilagay pa ako sa bag niya at tuluyan na kaming bumaba ng hagdan.

Rinig na rinig na namin ni Abi ang sigaw ng mga pulis, biglang napakapit sa akin si Abi na parang natatakot.

"Huwag kang matakot, tumakbo ka na dalian mo hangga't wala pang mga pulis sa likod. Daliii!!"

Nakatingin pa rin ito sa akin.

"GO!"

Mabilis itong tumakbo at lumabas ng pinto.

Sa pagkawala niya sa paningin ko ay siya namang pagbukas ng pinto at tuloy-tuloy na pagpasok ng mga pulis.

- - - - - -

Thanks for reading! Votes and comments are highly appreciated! ⭐

Please do follow me on:
wattpad - manangash
twitter - @manangash
facebook - Manang Ash

GODBLESS!

EATWhere stories live. Discover now