XXII

790 29 8
                                    


Abi

Napuno ng hagulgol ang apat na sulok ng aking kwarto.

Hindi ko matanggap na sa sobra naming tagal ni ate na hindi nagkita ay ganoon pa ang aming magiging sitwasyon.

Nasasaktan at nagagalit ako sa kanya, bakit ganoon na lamang ang galit niya sa pamilya ni Chris. Una pinatay niya ang mommy nito ngayon naman balak niyang patayin si Chris.

Hindi ko na siya maintindihan.

Kailangan kong bantayan si Chris.

Kung ganito lang rin naman ang mangyayari, sige, kung papatayin niya rin ako, magkapatayan kaming dalawa.

Hindi ako natatakot sa kanya, parehas lang kaming mamamatay tao.

Mahal ko si ate, ngunit mas mahal ko si Chris.

Narinig ko ang marahang pagkatok sa pinto, agad ko itong binuksan at bumungad sa akin ang maamong mukha ni Chris.

Nang masilayan ko ito, agad akong napahagulgol ng malakas, niyakap niya naman ako at pinaupo.

"What happened?" alalang tanong nito.

Umiling lang ako ng umiling, hindi ko pwedeng sabihin dito ang nangyari dahil maski sarili ko ay maaaring mapahamak.

"Lagi ka lang sa tabi ko ah, 'wag mo akong iiwan." sambit ko rito.

"Oo naman mahal kita eh, may nangyari ba?"

Umiling ulit ako. "Wala." at nginitian ko ito.

"Nanaginip lang ako ng masama." pagsisinungaling ko.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko.

"Meron akong problema, pwede mo ba akong tulungan?" biglang lumungkot ang mata nito.

"Saan?"

"Nawawala si mama."

Napalunok ako ng ilang beses at bigla akong pinagpawisan.

"A-Ah, baka naman nag out of t-town lang?" hindi ko makatinging sambit sa kanya.

"No, sabi niya kahapon mag-go-grocery lang siya pero sumapit ang gabi at hanggang ngayon ni anino niya wala. Para na akong mababaliw sa sobrang pag-aalala."  nabasag ang boses niya at kaunti na lang maiiyak na ito.

Niyakap ko siya at nangakong sasamahan siyang hanapin ang kanyang ina, kahit hindi ako sigurado kung may maitutulong nga ba ako dito.

Nag-usap pa kami ng kaunti at umalis na rin ito kaagad dahil magpa-file pa raw ito ng report sa mga pulis.

Susunduin niya raw ako mamaya para samahan siya sa paghahanap at pumayag naman ako.

Habang naliligo, iniisip ko kung paano ako gagalaw o aakto ng normal sa harap niya habang hinahanap namin ang mommy niya.

Bukod sa alam kong patay na ito ay hindi ko pwedeng sabihin na may alam ako.

Hindi ako pwedeng madulas dahil magiging katapusan ko na iyon, namin, at ayaw kong mangyari ang bagay na 'yon.

Pagkatapos kong maligo ay mabilis akong nagbihis.

Maya-maya pa ay narinig kong may bumusina sa labas ng bahay.

Nagmadali na ako sa pag-aayos at ng matapos ay dali-dali akong bumaba at nakita sa Chris na nakasandal sa kanyang kotse habang nakangiting nakatingin sa akin.

Lumapit ako rito at ginawaran ito ng halik sa pisngi, pinagbuksan naman agad ako nito ng pinto ng kotse at umalis na kami.

Malungkot ang itsura nito ngayon at kanina pa hindi kumikibo kaya bigla akong nag-alala

"Ayos ka lang?" tanong ko rito.

Tumango lang ito at ngumiti sa akin.

Una naming pinuntahan ay ang bahay ng tita niya, nagbabakasakali itong makita ang mommy niya roon ngunit bigo kami sa paghahanap.

Marami na kaming napuntahan ngunit hindi namin nakita ang mommy niya, dahil hindi na talaga ito magpapakita.

"Ihahatid na kita pa-uwi, gabi na kasi, bukas na lang natin ituloy ang paghahanap wala pa naman pasok, okay lang ba sa 'yo?"

"Oo naman, basta para sa 'yo." at nginitian ko ito.

Pagkarating namin sa bahay ko ay agad akong bumaba, hindi ko na ito hinintay pang pagbuksan ako at nagpaalam na ako, ngunit bumaba rin ito at hinabol ako.

"Wait." sambit niya.

Humarap naman ako.

"Sorry kung pati ikaw nadadamay sa pagkawala ni mom, sorry kung nabigyan kita ng cold treatment kanina... Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko, masyado na akong nag-aalala kay mommy, kung ano-ano na lang ang naiisip ko na mga negative." napayuko ito.

Hinawakan ko siya sa pisngi at itinaas ang ulo kapantay ng akin at ginawaran ito ng matamis na halik, sa pamamagitan nito sana ay mapagaan ko ang loob niya.

Bibitaw na sana ako ngunit ang halik na dapat ay dampi lang naging malikot.

Ginalaw nito ang labi niya at sinimulan akong halikan ng marahas, gumanti naman ako at nakipagespadahan sa nakapasok na niyang dila.

Binuksan nito ang pinto na may nakapasok na susi, kinarga ako nito papasok ng hindi napuputol ang aming paghahalikan.

Sinipa niya ang pinto at sumarado ito, binato lamang niya kung saan ang susi at inihiga ako sa malawak na sofa.

Tumagal ng ilang minuto ang aming paghahalikan at unti-unting bumababa ang kanyang halik sa aking leeg.

Napasabunot ako dito dahil sa kiliting nararamdaman.

Bumalik ito sa mukha ko at muli akong hinagkan, unti-unti niyang hinuhubad ang mga damit ko at gano'n rin ang ginawa ko sa kanya.

Napatigil kami saglit sa aming ginagawa at pinagmasdan ang katawan ng bawat isa.

Mabilis akong kinarga nito at dinala sa aking kwarto.

Agad itong pumaibabaw sa akin at hinalikan ako, naglalandas na rin ang mga kamay nito sa iba't ibang bahagi ng aking katawan.

Lumipas ang ilang oras...

"I love you..." ungol nito sa gitna ng aming pagtatalik.

"I love you too..."

Ngayon ko lamang napagtanto kung gaano ko kamahal ang lalaking ito, kaya kong gawin lahat para sa kanya, kahit pa ang paghinto ko sa pagkain ng tao.

Kung kanina ay hagulgol ko ang naririnig, ngayon ay tanging ungol na busog sa pagmamahal lamang namin dalawa ang maririnig sa apat na sulok ng kwarto.

Sa pagod nakatulog na lamang kami na kayakap ang isat-isa.

"Mahal na mahal kita." rinig ko pang sambit nito.

- - - - - -

Thanks for reading! Votes and comments are highly appreciated! ⭐

Please do follow me on:
wattpad - manangash
twitter - @manangash
facebook - Manang Ash

GODBLESS!

EATWhere stories live. Discover now